Earthquake Drill

152 5 0
                                    


Hi Spookify, I just want to share my story. Btw, I'm Ace (not my real name).

So start na po natin? Wala ng paligoy-ligoy.

Year 2005 po, somewhere in Parañaque, sa school namin nung high school, bagong gawang school yun, bale annex lang sya at isang building lang na hanggang 3rd floor, sa pagkakatanda ko, 2nd year high school ako nun at pang hapon. Ang start ang lecture ko ay 1pm to 6pm. Ganun dati ang sistema, ewan ko lang ngayon, Hindi na ako updated e hehe. So yun nga, bale madalas padilim na o madilim na talaga bago kami makauwi.

Nung mga panahon na yun, may earthquake drill kami, so naka-sched sya ng 4pm to 5pm, so plano maaga ang uwian, ang room namin ay nasa 3rd floor ng campus, at yung kalahati ng 3rd floor since bago lang ang school e bakante, dahil sa kakulangan pa sa guro at estudyante yata, I'm not sure hahaha. Mga nasa lampas sampu din ang room na bakante sa bandang dulo ng 3rd floor,

FF, so yun, 3:45pm nagre-ready na lahat at naghihintay nalang tumunog yung alarm, so kami tahimik pati mga katabing section namin dahil lahat kami pinayuko muna sa desk namin. Nang biglang may sumigaw, boses bata sya na lalaki, sa bandang dulo ng 3rd floor, sa part na bakante.

"WAAHHHHHHHHH!!.."
Mga 3 seconds sya.

Nakakapagtaka lang, sa sobrang lakas ng sigaw, dahil nga tahimik at syempre may echo pa nga akong narinig parang nakakarindi, e hindi lahat samin narinig yun, halata mo yung nakarinig dahil nagsitayuan kami, mga kalahati samin sa room narinig yun, pero yung iba kasama ang adviser teacher namin hindi narinig, pero nagulat sila sa reaksyon namin.

So nagtanungan na, may lumabas sa hallway na mga teacher ng ibang room na nakarinig ng sigaw, para tingnan kung sino ang sumigaw, pero wala silang nakita, take note pala, naka-locked lahat ng room na hindi ginagamit at yung hagdan sa kabilang dulo ng 3rd floor ay nakasarado, hinarangan ng plywood for safety reasons, so walang makakadaan dun.

Habang nasa hallway ang mga teachers, yung classmate kong babae, biglang nagsisigaw habang nakaturo sa pinto ng room.

Sabi nya, "Ayun sya! Ayun yung bata, huwag nyong papasukin! Isara nyo yung pinto! Isara nyo!" habang takot na takot na umiiyak.

Pero wala kaming nakikita, saka parang walang naglakas ng loob magsara ng pinto dahil din siguro sa takot, walang lumapit sa pinto, hanggang sa napaupo at yumuko nalang sya sa upuan nya habang nakapikit at takot na takot na umiiyak, habang paulit-ulit na binabanggit nya yung mga salitang di namin maintindihan, kaya akala namin sinasaniban na sya.

Lumapit yung mga teacher sa kanya at pinapatahan sya at pinapakalma, hanggang sa tumunog na yung alarm, hudyat ng earthquake drill namin, pero hindi na pinababa muna ang mga estudyante sa 3rd floor dahil baka mag-panic, kaya sinara ng mga teachers mga pintuan ng bawat room at pinalabas kami nung lumipas ang ilang minuto.

Habang palabas kami, kasabay yung classmate ko na nakakita ng bata, habang inaalalayan sya ng teacher namin, napalingon sya sa bandang dulo ng 3rd floor, doon nakita nya na naman yung bata at itinuro nya habang sinasabi ng pasigaw "Ayun sya ma'am, punit ang bibig nya, nakangiti satin!" at biglang nakarinig na naman kami pero sa puntong ito, tawa na nung bata ang narinig namin, nakakatakot yung tawa nya na parang sa loob ng kweba nanggagaling yung tunog at lahat na kami, narinig yun dahil talagang nag-panic lahat, at nag-iyakan ang ilan sa mga estudyanteng babae dahil sa takot, pero Thank God, walang naaksidente sa pagpa-panic ng mga estudyante at syempre kasama ako sa nakipag-unahan pababa, at nagkagulo na sa taas, di ko na nasaksihan ang iba pang nangyari, pero sabi ng mga nakakitang gwardya na agad umakyat ng malaman na nagkakagulo sa taas,
tropa kasi namin yung gwardya kaya nung uwian, kinuwento nya samin na inabutan nya daw na nagsasalita ng latin na dasal yung classmate kong babae, paulit-ulit habang nagdarasal ng dasal ng mga katoliko ang mga teacher at talagang ang lamig daw sa 3rd floor, iba daw yung pakiramdam ng gwardya, hanggang sa sabi daw ng classmate ko sa mga teachers na wala na sya at bumaba na din sila. Napag-alaman din namin na galing pala sa manggagamot na pamilya yung classmate namin na babae kaya marunong sya ng mga dasal sa pagpapalayas ng demonyo. At kinabukasan, nag-alay ng misa sa 3rd floor at pinabendisyunan yung mga rooms sa buong building.

Nung nakausap namin yung classmate namin 2 araw na ang nakalipas kasi hindi sya pumasok ng 2 days e, ang sabi nya, demon daw yun na nag-anyong bata, at bata pa daw sya nakakakita na sya ng mga espiritung ligaw kaya sanay na sya at kaya tinuruan sya ng lola nya ng dasal para magpalayas ng masasamang elemento, pero yun palang daw ang first time nya nakakita siya ng demonyo kaya takot na takot daw sya, umabsent sya ng 2 days dahil daw nagpunta sila ng Mt. Banahaw ng lola nya para orasyunan siya at tuluyan na siyang layuan at di na daw magpakita ulit sa kanya yung demon.

So hanggang dito nalang mga repa.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon