Sapi

189 7 0
                                    


Hi Spookify! Silent reader here. Gusto ko lang mag-share ng isa sa mga pinakanakakatakot na stories with my former live-in partner.

Disclaimer: medyo mahaba po ito, so pasensya na. Binago ko na rin yung pangalan nilang lahat.

Nangupahan kami ng isang kwarto na malapit lang sa bahay. Panibagong simulain sana pero mas okay kung malapit sa bahay para dahan-dahan yung progress. Ang di namin alam, may nakatira palang ibang nilalang dun. Mali lang namin, di kami nagpaalam bago kami nakalipat.

Maliit lang yung kwarto. Tapos, may butas na para sana sa aircon kaso di nalagyan, so kita namin yung likod na pader nung kapitbahay namin. Dalawang kwarto yung sa 2nd floor. May katabi kami na mag-asawa din sa kabilang kwarto and shared yung CR. Tapos sa tabi ng CR, nandun yung lababo, tapos sa gilid ng lababo, may hagdan papuntang 3rd floor, at may bintana sa tapat ng hagdan. Meron ding sofa sa tapat ng 2nd room na katabi namin. I hope ma-picture out nyo yung place hehehe.

Unang araw palang namin dun, may nakikita na kami at nararamdaman na kakaiba. Alam nyo yung tipong may nakatayo or may dadaan na kung anuman sa gilid nyo, tapos mahahagip ng peripheral vision nyo, pero wala? Akala namin normal lang, pero consistent or biglang may sisitsit tapos dalawa kami lagi yung nakakaranas? Sabi namin, baka naman kasi di kami pamilyar sa kanya.

I was a Call Center Agent during that time and graveyard ang shift ako, so wala ako sa gabi. Pinakikiusapan ko yung kapatid kong babae na samahan siya for the whole night. Tapos dun nalang mag-asikaso pag papasok sa school. Ang sabi sakin ng kapatid ko, every morning, around 5am bago siya pumasok sa school, makikita niya si Ker na nakaupo, tapos nakatingin dun sa butas ng kwarto, at walang emosyon yung mukha. Di naman niya pinansin. Hinayaan nalang niya.

Everyday, it gets worse, to the point na isang gabi, naghihilamos siya, bigla siyang sumigaw na samahan ko siya dun kahit sa labas lang ako ng banyo. I asked what was happening, then sabi niya, patay-sindi daw yung ilaw sa loob. Pag nasa labas ng banyo, kita ko yung ilaw, hindi naman. Nakabukas lang naman. Pero sa nakikita niya, ganun daw. Sinamahan ko siya hanggang sa matapos siya.

Sabi niya na every night, hirap siyang makatulog. Lagi siyang pawisan kahit na ang lamig sa kwarto. Makakatulog lang siya pag nag-start na siyang magpatugtog ng mga christian songs.

Then, it came. One day, sinubukan kong ikwento sa kaibigan ko (which is anak ng may-ari nung nirerentahan naming room, tawagin natin siyang Ark) yung mga nararanasan namin sa bahay nila. Sabi niya na meron daw talaga. Pero huwag nalang pansinin. Then, hinayaan lang namin. Tapos, around 2pm, bumaba ako saglit para bumili ng chichirya. Naglalaba siya that time. Pag-akyat ko, nakita ko siyang papasok ng kwarto. Tinawag ko siya and nagulat siya. Sabi niya, ano daw ang ginagawa ko dun eh nakita niya akong papasok ng kwarto kaya sumunod siya. Sabi ko bumili lang ako. Then, maya-maya, nagyaya siya na matutulog daw siya, kasi ang sakit daw ng ulo niya, tapos parang may dalawang kamay na pumipiga sa tiyan niya. Never thought that it will lead to the scariest events that I have witnessed.

Natulog siya. Pero ako hindi. I knew something was wrong. Binantayan ko siya, and usually, malikot siya matulog, but this time, hindi. Nakatigil lang siya. And by 5pm, nagising siya. Binangungot. Napasigaw siya. Para siyang nakawala sa pagkakagapos or pagkakahawak. Nagreklamo siya after na sobrang sakit daw ng ulo tsaka tiyan niya. Then, nagdesisyon akong dalhin siya sa albularyo samin na si Mama Ande (mama tawag ko dun kasi mama siya ng kababata ko).

Malapit lang naman ang bahay nila Mama Ande. Sa lugar lang din namin. Nung nandun na kami sa pinto nila, kumatok ako. Then, niyaya ako ni Ker na umuwi nalang daw kami. Na ayaw niya. She kept on dragging me down the stairs, and kita kong ayaw niyang tumuloy, so I know something was really not right. Pagpasok namin sa bahay ni Mama Ande, kakaiba ang kinikilos ni Ker. Nakatingin lang siya sa kung saan-saan, but mostly sa taas. Tapos, yung mga daliri niya sa kamay, pumipitik-pitik. Hindi nagsasalita si Ker. Sabi ni Mama Ande na balik muna kami dun sa inuupahan namin at susunod siya.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon