Caramoan

259 7 0
                                    


Gusto ko lang i-share itong experience ko sa isang school sa Guijalo at sa Isla Gata mag-iisang taon na ang nakalipas. Sana ma-post po admin thank you.

Nangyari ito nung umuwi ako ng probinsya namin sa Camarines Sur. Sa kadahilanang napasama ako sa rumble, bago grumaduate pero naka-graduate pa rin naman sa awa ng diyos at naisipang mag-stop na lang muna. Maayos naman ang mga unang buwan ko doon. Inom dito, inom doon kaya't naubos kaagad ang aking baong pera. Nagdesisyon akong magtrabaho dahil di naman ako nanghihingi sa papa ko ng padala at tsaka para may pera akong panggastos sa bebe ko, pag-uwi ko ng Manila hahaha. Back to story, umalis kami ng 6 ng umaga at dahil maraming stopover dumating kami sa Guijalo ay gabi na. Nagdesisyon kaming lahat na bukas na lang umalis, kasi mahirap tumawid pa-puntang isla paggabi mataas ang mga alon.

E di naligo na ako para walang kaagaw sa CR, dahil sure ako bukas ay mag-uunahan ang aking mga ka-trabaho bago kami umalis papuntang isla (btw, itong pinagtatrabahuhan namin ay isang construction company na magre-renovate ng mga eskwelahan, kaya sa dating eskwelahan na ni-renovate nila kami matutulog. Helper nga pala ako ng electrician). At habang naliligo ako ay may mga takbo ng takbo sa labas na parang mga bata at kinakalampag ang isa pang CR na naka-lock. Napaisip ako dahil wala namang ibang bata na nandon sa eskwalan dahil alas onse pasado na ng gabi at ang dalawang anak ng caretaker ng school ay tulog na sa loob. E di hinayaan ko na lang at pinagpatuloy ang paliligo. Nang mapatingin ako ng pagkatagal-tagal sa bintanang maliit dahil parang may nakita akong ulo (imagine-in nyo na lang) at di ako nagkakamali ulo talaga. Dahil kahit madilim sa labas ay naaaninag ko na bumubukas ang bibig nito at parang may sinasabi na di ko maintindihan, biglang sumara ng malakas ang mga jalousie at nabasag ang ilan dito dahilan para malaglag sa sahig (nasa loob ang saraduhan non paano naisara sa labas?). Nagmadali na ako dahil sa takot at gulat ng biglang nawala ang sabon at tabo (nakatalikod kasi ako sa pinto dahil walang lock at hinarang ko sa pinto yung balde at yung lagayan ng sabon ay nasa lapag). Binuhat ko na lang yung balde at binuhos ang tubig sabay kuha ng damit, tuwalya, brief at short sabay takbo palabas. Medyo malayo yung CR sa bahay ng caretaker pero matatanaw mo yung bintana na nabasag. Nag-iinuman sila sa tapat ng makita nila ako na hubo't hubad at may sabon-sabon pa sa katawan bitbit lahat ng aking gamit. Yes, tama ang naiisip nyo pinagtatawanan nila ako at naging pulutan sa kwentuhan nila hahahaha, dun na lang ako sa maliit na CR ng caretaker nagpatuloy maligo at pagkatapos ay nag-inom na lang. Dun ko sa kanila tinuro at kinuwento  yung ulo na nakita ko, yung nabasag na jalousie at nawala yung tabo tsaka sabon. Tinignan nila at naniniwala sakin na basag talaga yung ilang jalousie na nagkalat pa sa loob at nawawala yung tabo. Mga 1:30 na ng madaling araw kami natapos mag-inom at maaga pa kami gigising para maghanda ng mga dadalhin naming gamit. Nagising kami ng quarter to 7 at nag-umpisa na silang maligo isa-isa ngunit nawawala ang tabo, yung iba naman ay nagluluto ng aming umagahan. Pagkatapos kong kumain ay nagyosi ako at nag-ikot-ikot sa eskwelahan hanggang sa mapunta ako sa mini garden (yung tinataniman ng mga estudyante doon para sa isa nilang subject basta di ako sure). Nakita ko doon yung tabo, nakapatong pataobsa isang kamoteng kahoy na medyo mataas na at yung sabon nakita ko banda sa may kanal. Napaisip na naman ako kung paano nangyari yun at bigla akong nagulat nang biglang nagsalita yung caretaker habang nasa likod ko "Nandiyan pala yung tabo oh" tas lumapit sya ng konti, sabay sabi ulit ng "Oh ayan din yung sabon." Sinabi nya sakin yan sa Bicol pero tinagalog ko na lang kaagad. Sinagot ko na lang sya ng "Oo nga" sabay alis na nagtataka kung sino yung ulo na nakita ko at paano napunta yung mga yun don. Panong hindi nila narinig yung pagkabasag ng jalousie, yung pagkalampag ng isang cr. Ang daming nasa isip ko non pero hinayaan ko na lang dahil paalis na rin naman kami papuntang Isla Gata.

PS. Sa next part ko na lang ise-share yung sa Isla Gata medyo inaantok na kasi ako at madaling araw na, balak ko sanang tapusin itong pagta-type pero pwede naman mamayang umaga babye! 2:40am na sa Taguig guys hahahaha.

Wilhelm.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon