Accident call

263 9 0
                                    


It all started nung gabing sobrang na-bored ako. Mag-aalas dose na ng gabi at hindi pa ako inaantok kaya napagpasiyahan ko na mag-search ng mga website or yung mga community entertainment tulad din ng mga near group ganon pero ang sad kasi ayaw mag-launch nung near group ko so nainis ako kasi bagot na bagot na talaga ako saka di pa ako inaantok. Kaya pumunta naman ako sa calls kasi naalala ko may load pa pala ako kaya ang ginawa ko tumawag ako sa mga kaibigan ko balak ko sanang pagtripan pero sad ulit kasi out of coverage, tinawagan ko rin yung 911 kung pwede pero wala. Humiga na lang ako tapos nagbuga ng hangin kasi bored na talaga ako then naisip ko na since meron pa akong load why not na tumawag ako sa iba't ibang number bale ang gagawin ko papalitan ko ng tatlong magkakaibang number yung dulo ng number ko. Then nag-start na ako, pindot dito, pindot doon. Sa first number na tinawagan ko walang sumagot ang sabi lang 'the number you have dialed' alam nyo na yung pag di ma-reach so nag-try ako ulit. Sa pangalawang call doon may sumagot

"Hello?"

Lalaki yung sumagot.

"Hi!"

"Who's this? And how did you get my number?"

Ako naman wala pa namang nakakatawang nangyayari tumatawa na.

"My name is Sharon sir"

"Sharon?"

"Kuneta"

Tapos pinatay ko na yung tawag ako naman tawa ng tawa kahit feeling ko hindi nakakatawa pero sige lang.
Tapos nung pangalawang tawag ni-try ko ulit and this is the start. Tinawagan ko na yung pangatlong number na tatawagan ko nag-ring siya ng ilang beses at sinagot na rin ito, wala pa akong masyadong naririnig maliban lang sa mabibigat na hininga mediyo na weird-uhan naman ako (hingal lang gurl?) so hindi pa nagsasalita yung nasa kabilang linya kaya ako na nagsalita ng una.

"Hello pfft"

Ayan natatawa na naman ako wala pa nga. Pero wala pa ring sumasagot natahimik naman ako don maya-maya narinig ko sa kabilang linya yung parang hinihika then next is humihikbi na siya mas lalo akong na-weird-uhan saka medyo natatakot na rin ako.

"H-help me"

Sabi ng nasa kabilang linya habang humihikbi siya ako naman parang natiklop yung dila pero I composed myself na magsalita.

"Um ma'am are you okay?"

Pagkasabi ko non tumahimik yung nasa kabilang linya as in wala ka ng maririnig kahit ano maski yung iyak or yung hinga tinignan ko naman kung naka-on call pa ako pero naka-call pa naman pero akmang papatayin ko na yung tawag nang biglang tumawa yung nasa kabilang linya yung tawang parang nababaliw na, maya-maya bigla na lang siyang hihikbi tapos tatawa ulit nung oras na yon natatakot na ako baka baliw na itong kausap ko kaya naman pinatay ko na yung tawag napatingin naman ako sa orasan saktong one na pala kaya napagdesisisyunan ko ng matulog medyo inaantok na rin ako. Nag-ayos na ako ng unan ko at humiga na, nung ipipikit ko na yung mata ko biglang nag-ring yung phone ko tinignan ko naman 'unregistered number' biglang pumasok sa isip ko yung babaeng nakausap ko kanina kaya pinatay ko na lang at humiga na pero maya-maya may tumawag ulit na same number lang din kanina na tumatawag pinatay ko ulit pero tumawag na naman kaya sa inis ko sinagot ko na.

"Hello?" medyo may pagkairita kong sagot.

"I said help me!!!"

Nagulat naman ako sa pagsigaw ng nasa kabilang linya.

"Help me hahaha!!! HELP ME!!"

Nakakatakot na yung boses niya parang garalgal na nababaliw na talaga siya, ay hindi, putek baliw na talaga yata. Parang natupi naman yung dila ko at hindi nakapagsalita sobrang natatakot na rin ako non. Pinatay ko na agad yung tawag at ni-blocked na yung number, masyado na yata akong nasobrahan sa pangti-trip na itutulog ko na lang. Pinikit ko na yung mata ko.

Kinabukasan nagising ako ng mga 8am. Naalala ko na naman yung katawagan ko kagabi ipinagwalang bahala ko na lang yun at bumaba na papuntang sala para mag-agahan. Kumakain ako non ng biglang may tumawag. Si Frances, yung kaibigan ko.

"Uy asan ka?"

"Sa bahay, bakit?"

"Buti okay ka lang"

Nagtaka naman ako.

"Bakit?"

"Di mo alam? Kaninang mga 5am or 6am may nahuling baliw na babae malapit sa bahay nyo."

Natigilan ako sa pagkain ng agahan non parang may alam na ako kung ano yon pero nagtanong pa rin ako.

"Baliw na babae?"

"Oo, baliw nakatakas daw somewhere tapos nanakit pa ng isang babae don sa kanto pinagkakalmot ayon nasa ospital ninakawan rin ng cellphone."

Parang namutla naman ako, yun ba yung katawagan ko kagabi?.

"Uy okay ka lang nanahimik ka?"
Sabi ni frances sa kabilang linya inayos ko naman yung sarili ko at uminom ng tubig.

"Oo, okay lang ako sige na kain pa ako."

Di ko na hinayaang makapagsalita siya, ako na nagpatay ng tawag.

Napaisip naman ako na yun kaya yung babaeng katawagan ko? Eh paano? Paano rin kaya pag siya nga at nakapasok siya sa bahay that night mag-isa pa naman ako nun.

-anonymous

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon