Part 1Hello, Spookify! Kwentuhan ko kayo ng experience namin ng kapatid ko noong nagkaroon kami ng team building sa Baguio.
Sobrang haba po nito kaya pinutol ko into three parts (well, mala-EDSA po talaga ako magkwento ever since kaya pagpasensyahan nyo na ulit hehe) pero sinend ko na ang lahat ng mga parts para hindi po kayo mabitin sa pagbabasa.
Nang mag-resign ako sa pinakauna kong trabaho, kinuha ako ng isang startup private company at naging isa sa mga pioneer employees nila. Apat pa lang kaming empleyado noon plus dalawang boss at ako yung pinakabata. Magta-tatlong taon na yung company nung nag-join ako pero hindi pa siya ganun ka-established. So, bilang ako yung pinakabata at galing sa isang malaking kumpanya, ako ang naging brainstormer ng mga ganap sa buong company. Pagka-graduate ng kapatid kong si Marcy (kasunod ko, ako po ang panganay), dun din siya sa company namin nagtrabaho kaya nagkaroon ako ng ka-tandem.
Mula sa apat na empleyado ay naging walo kami at naging maganda na ang takbo ng company. Naisipan ng manager namin na si Ma'am Cath na magkaroon kami ng team building for the first time ever. Iba't iba ang gustong venue ng mga kasama ko. Merong nag-suggest ng Baguio, merong beach, merong Tagaytay. Pero sa bandang huli, sabi ni Boss Neil (asawa ni Ma'am Cath) na sa Baguio na lang kami. As usual, ako ang pinag-asikaso ng itinerary namin. Balak sana namin na sa transient house ng uncle ko na lang kami mag-overnight instead na sa hotel para mas makamura. Coincidentally, yung isa naming client ay may team building din sa Baguio that time kaya nung nalaman nila yung plano namin ay nag-offer silang sponsoran kami. Bukod dun sa transient house para sa lodging namin, nag-provide din yung client ng isang van with driver para sa amin.
Kinansela ko yung reservation namin kina Uncle. No problem naman sa kanila since close naman nila yung mga boss namin dahil iisang church community lang kami. Pero yung unang nakausap ko na driver, hindi na pina-cancel ni Boss Neil at sinabihan kami na i-maximize na lang yung seating capacity ng dalawang van. Dahil walo lang kaming employees, entitled kaming magsama ng tig-iisang chaperone. Sina Ma'am Cath at Boss Neil, kasama yung tatlong anak nila saka isang pamangkin. Pero the day before kami umalis, sinaniban ng espiritu ng kakuriputan si Ma'am Cath at pina-cancel yung una kong kinausap na driver.
Masama ang loob ko nun kasi ako yung naka-front dun sa driver na kausap ko tapos kakanselahin at the last minute. Sabi rin ni Ma'am Cath, tutal ay dalawa na kaming magkapatid ni Marcy kaya wag na raw kaming magsama. Yung tatlong kasamahan namin, di na rin sila pinagsama ng chaperone. Ang ending, di na sumama yung isa dahil hindi niya pwedeng iwan yung anak niya. Sobrang disappointed din nung dalawa ko pang kapatid dahil nakapag-empake na sila at lahat tapos biglang hindi na sila makakasama. Kung tutuusin, hindi kami kasya sa iisang van lang. Anim sina Ma'am Cath, tapos si Marcy at ako, si Ma'am Leng at Ma'am Peng (mga seniors namin), si Ate Maui at anak niya, Ate Pai at anak niya, at si Kuya Bok at anak niya. 16 kami plus isang driver, bale 17 lahat. Sinabi ko kay Ma'am Cath na baka mag-overload ang van namin pero ang depensa niya, magaan lang naman daw yung mga kasama naming bata. Bitter na bitter ako nun at sinabihan ko si Marcy na wag na rin kaming sumama. Kaya lang, natunugan iyon ng dalawa naming seniors at sinabi na magpapaiwan na lang din sila. Para wala na lang maging issue, pumayag ako na sumama na.
5am ang call time namin pero 6am na nang dumating si Kuya Bok. Ang masaklap, yung anak niya (na binata na) na sumasama rin ay naiwan pa sa bahay dahil hindi pa raw tapos maligo at nakiusap na daanan na lang namin sa bahay nila. Lalo akong nabadtrip at parang nagkapatong-patong na yung inis ko dahil sa mga nangyayari. Sobrang tamlay ng pakiramdam ko at nagsimulang sumakit ang aking ulo. Pinasandal ako ni Marcy sa may bintana at sinabihan ako na umidlip na muna. Nagising ako dahil sa pagyugyog ni Marcy. Nag-stopover daw kami sa La Union at niyayaya niya akong bumaba para mag-CR. Nang pababa ako sa van, biglang nadulas ang isa kong paa at bumagsak ako sa lupa. Namilipit ako sa sakit dahil parang na-twist yung ankle ko. Tinry kong tumayo pero hindi ko kaya. Biglang napadako ang tingin ko sa may ilalim ng van. Napasigaw ako nang makitang may mga tao roon na nakatingin sakin. Duguan ang kanilang mga mukha at parang may bahaging sunog. Inaabot nila sakin ang mga kamay nila pero hinampas ko ang mga iyon.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree