Hi Admins. I'm a silent reader here in spookify. Matagal na din akong nagbabasa dito. Ise-share ko lang itong mga signs na na-experience namin before my mom passed away. Kamamatay lang ng Mama ko last September 29. Nag-birthday siya noong August 13. Iyon na pala yung last birthday niya together with our family. Nag-birthday muna ako nung last July 11, this year talagang plinano ko at pinilit na magkaroon ng Live Band sa birthday ko, yun kasi yung isa sa mga birthday wish ko tapos kakantahan ko si Mama sa Final Song ko. Kinanta ko nun yung 'Salamat' ni 'Yeng Constantino'. After ko mag-birthday at ni Mama, our family decided to renovate our house. Dalawa kasi yung house namin magkatabi lang, so sa taas kami. Ang ginawa namin pina-renovate namin yung kabilang house at doon na kami sa baba para na din hindi na mahirapan sina mama at papa umakyat ng hagdan. Mga ilang araw pa nung sinisimulan ng gawin yung renovation ng house namin, bigla-biglang naisugod si Mama sa Lourdes Hospital. Na-discover ng mga doctor dun na may Kidney Failure si Mama. Then ilang araw siyang naka-admit, binigyan sya ng schedule na i-shockwave. Pinauwi muna sya ng mga doctor kahit 2 days na lang para sa schedule ng shockwave nya baka daw kasi mahawa sya ng ibang pasyente doon although naka-privare room si Mama, sinunod na lang namin yung utos ng mga doctor nya.Fast Forward.
Nung araw na isa-shockwave na si Mama, mag-uumaga na nung ginising ako ng pamangkin ko kasi nahulog daw si mama sa higaan nya. Dinala namin sya sa Capitol Medical Center at dun nalaman na na-embolic stroke sya. So yung shockwave nya hindi natuloy. Need namin siyang ipasok sa ICU kasi almost 16 hrs na syang walang malay. Nag-iiyakan na kami. Natatakot na kami na baka kung anong mangyari kay Mama pero nag-okay sya. Nung nasa ward na sya dito na nag-start na yung mga signs nya na parang nagpapaalam na. Hindi namin iniisip na ganon kasi nakakausap namin sya ng maayos, as in normal lang. Sabi ni Mama nun, bilhan daw sya ng white dress gusto nya daw suotin. Sabi naman ng ate ko sige bibili tayo ng white dress paggaling mo then magsisimba tayo sa Quiapo. Mga ilang araw pa, nagsalita naman sya ng ganito, madaling araw (nasa ward na sya niyan), ginising nya yung ate ko sabi nya gisingin daw ako kasi may mga nagtitimpla daw ng kape baka daw mabuhusan ako ng mainit na tubig. Tapos sinabi nya sa ate ko na magsaing ng maraming bigas dahil marami daw bisita. Tinanong namin yung mga nurse na nagbabantay lagi kay Mama ba't ganon ang mga sinasabi nya sabi ng mga nurse dala daw ng gamot na mga iniinom ni Mama kaya daw ganon (siguro sinabi lang nila na ganon kasi nga medical matter ang pinaniniwalaan nila at hindi nila pwedeng sabihin yung nanay nyo po nagpapaalam na). Sunod na araw pa, nasa ward pa din sya, nakita nya daw sina Inay at Itay sa loob ng ospital (mga patay na yon) nandun din daw sina Papa Josue, Papa Corsing, Papa Juan At Tiyo Nestor (lahat yan mga kapatid nya mga patay na). Then nagkaroon ng itim na paru-paro sa bahay namin. Nalaglag yung picture frame ni Mama na nasa kwarto nya sa bahay. Sinugod na si mama sa ICU, humihina sya. Eto na nangyari, habang naka-standby kaming lahat sa hallway merong babae (kamag-anak pala namin sa Masbate) na baka daw may nabulabog si Mama sa bahay namin. Napaisip kami kasi simula nung pinaayos namin yung house namin biglang isinugod si Mama sa ospital. So nakausap namin yung babae meron daw siyang kilala na taga Siquijor pinadasalan si Mama na gumaling. Tapos pinapunta namin sila sa bahay. Alam nyo yung feeling na sobrang agresibo nyong mabuhay yung mama nyo kung anu-ano nang risk ang sinubukan nyo mapagaling lang sya. Sabi ng nagpunta sa bahay, may nagalit daw kay mama. Yung mga gumagawa daw sa bahay may nagalaw. So si Mama ang binawian (pero para sakin nagkataon lang siguro yon dahil hindi naman papayagan ng Diyos na mangyari yon sa atin). Sabi ng babaeng albularyo, padasalan daw yung bahay ng siyam na araw, so nagpadasal kami sa bahay. Ito na ang pinakamasakit, nung matapos na yung siyam na araw na padasal sa bahay na ginagawa, yun yung araw na namatay si mama (wala naman kaming sinisisi nagkataon lang) pero talagang mahina na si mama. Dahil nga di na nagpa-function yung kidney nya napunuan na sya ng maraming tubig sa katawan. Ilang beses, ilang araw na bumabagsak yung oxygen rate ni Mama nagiging okay tapos bglang babagsak. Hanggang sa September 29, 2019 around 4am ginising ako ng asawa ng kuya ko, kakatulog ko lang kakauwi ko lang galing ospital. Wala na daw si Mama.2 days before pang-40th days na ni Mama. Namimiss ko sya. Sobrang sakit pa din hangggang ngayon hindi ko pa din totally matanggap na iniwan nya na ako ng biglaan.
Thanks for reading guys!
From Jay of Sta. Ana, Manila------
A/N : Naramdaman ko na naman yung sakit nung mabasa ko ang story na ito. Namatay din kasi ang Nanay ko sa sakit na Kidney Failure. Naka-2 weeks din kami sa hospital bago sya pinalabas, sabi okay na daw pero ni hindi makatayo mag-isa ang Nanay ko. So nung check-up niya the following week na-admit siya ulit kasi nakita sa lab test niya na bumaba yung hemoglobin niya so sinalinan siya ng dugo, after non she felt na parang bumalik ang lakas niya kahit paano, so natuwa na ako at ready na din sana kaming i-discharge non. Inayos ko na yung mga papers and all. Pagbalik ko sa kanya nagchi-chill siya at biglang nilagnat, from then on na-confine na naman siya. Naglalaro sa 39-40 ang temperature niya. I tried everything para mapababa yon kasi gusto ko pa siyang mabuhay eh pero around 6:05pm the following day, she held her last breath sa harap ng auntie ko. Ang sakit lang kasi umasa ako na makakasama ko pa siya ng matagal. My Tatay died April 20, 2002 after 16 years and 7 days, magkikita pala silang muli ng Nanay ko. My Nanay died naman April 27, 2018. Pasensya na sa mahabang note ng inyong lingkod. Nadala kasi ako sa story at biglang may masakit na naalala. Hanggang ngayon heartbroken pa din ako sa pagkamatay niya. I'm officially an orphan (ulilang lubos) now but thank God kasi nakapag-asawa ako before my Nanay left me. Siguro ganon talaga ang buhay, hindi mo alam kung kailan ka iiwanan ng mga mahal mong magulang. Kaya yung may mga magulang pa diyan, ipakita nyo sa kanila kung gaano nyo sila kamahal huh. Ahm, masaya ako na kahit paano naalagaan ko naman ang Nanay ko noong panahon na kailangan niya ako, yun nga lang hindi na ako nakabawi sa mga pagkukulang ko sa kanya at hindi na muling nakagawa pa nang magagandang alaala kasama siya kasi nga iniwan na niya ako. Tatay, Nanay -- Mahal na mahal ko kayo. Hanggang sa muli nating pagkikita.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree