The Unsolved Mystery in my School

235 4 0
                                    


Hi! Please make some time to read this. Thanks! Medyo mahaba siya pero worth it.

Ang hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko ay yung sa school ko noong high school pa lang ako. Marami na akong naririnig na rumors about my school noong nag-aral ako doon. Like sa mga classrooms makakaamoy ka ng sampaguita kapag dadaan ka (ang tinutukoy ko dito ay yung mga classrooms na hindi na ginagamit sa tabi ng library namin na creepy), may bata daw na naglalaro sa hallway, may babae daw na kumakatok sa classroom at mga may third eye lang daw ang makakakita sa kanya. Meron pang dwende at matandang lalaki sa school namin. Which is very common in every horror story na nababasa ko or ang mga kinukwento nila sa akin. Hindi ko pinaniniwalaan yun kasi wala akong panahon noon sa mga ganyang issue or whatsoever kwentong kababalaghan nila. Mahilig akong magbasa ng nakakatakot pero hindi ako interested sa kwento nila. Akala ko gawa-gawa lang sa school namin yan kasi every school may horror story yan panigurado. Until mangyari sa library namin ang pangyayaring ito. Yung krus? Yung sinasabit sa pader? Mag-isa lang daw ang Librarian namin nung yung krus daw tinitigan niya lang daw ng bigla daw itong bumagsak and yung globo na display sa library bigla na lang daw umikot. FYI, walang tumatagal na Librarian sa eskwelahan namin kasi ang katabi ng library namin ay abandoned cr at hagdan . Super creepy tapos wala pa siyang assistant kaya siya lang mag-isa sa area niya. Kahit magsisisigaw pa siya walang makakarinig kasi malayo ang library sa mga classroom na may nagkaklase. Then, sometimes nakakarinig pa siya na parang may mga daliri na nagpi-flip ng pages ng libro sa mga bookshelves. Matibay ang Librarian namin kasi nakayanan nya mag-stay ng two years sa kabila ng na-e-experienced niya.

No choice ako lumipat kasi scholar ako, pinilit ako ni mommy na mag-aral sa paaralan na ayoko. Third year high school ako noon (tandang-tanda ko pa), nang magsimula ang mga kababalaghan na hindi ko akalaing ako mismo ang makaka-encounter (noong 1st year at 2nd year ako wala naman kasi nangyari sa akin na something). Sa gym namin noon okay pa yung makita ko yung bata na tahimik lang na nakatingin sa akin habang nakaupo sa bleachers. Hindi naman niya kami sinasaktan kaya kiber lang sa kanya. Pero yung mga sumunod na araw nababalita sa buong school namin yung mga estudyanteng sinasapian daw na lower year sa amin. Nagpaputol daw yata ng puno sa likod ng school namin yung may-ari kaya para yatang may nagambala. Sa isang offering mass nga noon may isang batang babae (1st year siya, I think) nga na nanlilisik ang mata na hinahawakan ng dalawang teacher habang pinapaypayan siya. Yung babae nakatingin ng straight doon kay father ng sobrang samang tingin na para siyang nababaliw na ngingiti-ngiti then biglang manlilisik ang mata. Noong binasbasan siya ng holy water nahimatay sya at nagising ng walang maalala sa nangyari sa kanya, ngunit ang bigat ng pakiramdam ko nung nakita ko siyang nanlilisik ang mata habang nakangiti (ang weird). Then nararamdaman ko na din noong yung may parang may dumadaan na din sa hallway na kakaiba. Lalo na yung sa locker parang may nakabantay.

Pinakamatinding nangyari sa school ay noong month ng October, 4th year high school ako (graduating). Holy Rosary month ng school ito, nakaugalian naming magdasal ng rosary prayer whole month of October. Kanya-kanya pa kaming dala ng rosary noon.

Hapon, kakatapos lang ng klase namin sa MAPEH, breaktime exactly 3:00 PM (wala pang K-12 noong panahon ko). Habang may ginagawa kaming art-art na kailangang ipasa din noong araw na yun sa faculty. Bigla naglabasan ang mga kaklase ko sa room. Akala ko kaya sila lumabas dahil tapos na sila, tatambay sila sa ibang room or bibili ng pagkain. Yun pala yung mga officer kong kaklase (kaklase ko kasi yung President, Treasurer at Auditor ng student council) pinatawag na sa meeting room. Tatlong estudyante na ang nahimatay at dinala agad sa meeting room. May mga nahimatay pa na hindi na maasikaso ng mga teachers sa 2nd floor kasi mismong mga Teachers namin nanghihina na. Parang biglang dumilim ang langit noon, ang dilim sa lugar ng school namin. Nakakatakot yung aura. Nakakatawa pa kasi naglalagay na sila ng asin at bawang sa bawat gilid ng hallways. Ano aswang lang? Naloloka na din kami kasi mismong may-ari ng school nagpa-panic na. Ayaw pa kaming pauwiin nun kahit lahat kami takot na takot na. Yung mga ka-year level namin na ibang section may bitbit ng rosary kasi nagsisi-iyakan na sila at may mga nagne-nervous breakdown na. Grabe para akong lutang noon na tinitignan bawat tao na panic nang panic. Pinapasok kami ng mga advisers namin sa classroom at ni-louspeaker na ang Holy Rosary Prayer ng oras na yun. Kaming lahat nagdarasal ng taimtim. Yung whole faculty noon inikot nila buong school para dasalan ito at yung isang teacher na bakla may dala na siyang bible kasi takot na din siya.

Akala ko tatahimik na noong oras na iyon. Di ba sabi ko may dinalang tatlong bata sa meeting room? Yung dalawa doon inuwi na. Pero yung isa bigla daw nagising na tumatawa mag-isa. Tinuturo niya ang krus na nakasabit sa pader ng meeting room (every room in our school ay may krus sa sobrang banal ng may-ari). Tapos nagsasalita siya pero hindi maintindihan. Lumaki ang boses niya even sobrang hinhin magsalita nito kapag kinakausap. Parang sampu ang sumapi sa kanya kasi sobrang bigat niya na halos lahat ng officers hawak na siya plus yung mga tao sa guidance at principal's office. Kinakausap daw nila ito pero lagi lang daw nakaturo sa krus habang masamang nakatingin.

Ang pagkakatanda ko sa kwento ng kaklase ko. Dinala na yata sya sa simabahan noong oras na yun at pinabasbasan na.

Pinauwi na din kaming lahat na estudyante noong na-clear na at na-check ang buong school. Amoy na amoy daw ang sampaguita at malamig na simoy na hangin na sobrang kakaiba kapag dadampi sa balat mo. Mangingilabot ka.

Habang hinihintay ko ang service ko noon, napalingon pa ako sa bintana ng classroom namin nun habang ang mga kaklase ko busy na pinag-uusapan ang nangyari. Nakita ko siya. Isang babaeng nagtatago sa kurtina nakatingin siya sa akin at parang sinasabing "Hindi yun ang lugar para maging eskwelahan."

Sabi ng mga katiwala ng may-ari ng eskwelahan namin noong HS. Dati daw hospital, tapunan at sementeryo ang lugar ng eskwelahan namin. Kaya no doubt ganun ang surroundings. Pero mistulang palaisipan pa din sa amin kung bakit nagpatuloy pa din ang kababalaghan pagkatapos noong maraming estudyante ang sinapian sa school namin.

AtengAtapangAtao
pampanga

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon