Compiled Stories 8

241 5 0
                                    


August 3, Sea tragedy

August 3 ang pinakamalas na araw para saming mga taga Guimaras at Iloilo, tumaob kasi ang dalawang bangkang pandagat. Marami ang mga nasawi at kabilang na doon ang girlfriend ko at ang dalawa kong kaibigang lalaki. Naalala ko pa nga, yung huling pag-uusap namin nun eh "Kiss ko pagbalik mo ha?" sumimangot pa siya nun sabay hampas sa braso ko. "Aishh ba't hindi pa kasi ngayon?" tumawa nalang ako nun, sobrang clingy at sweet niya talaga.

Bandang 12:30 nun nang mag-chat siya sakin na naabutan daw sila ng daluyong, agad-agad naman akong pumunta nun sa parola para makibalita. At totoo nga, tumaob nga ang sinasakyan nilang bangka.

FF.
Makalipas ang ilang buwan ay kanina lang ulit ako sumakay ng barko papuntang Iloilo, yung lungkot at takot na baka maulit yung nangyari sa kanila ay nandun pa rin. Nakatingin lang ako nun sa labas ng bintana, kita ko ang mga hampas ng alon na tila ba nanghahamon. Ipinikit ko nun ang mga mata ko at nang sa ganun ay hindi ko na makita pa ang mga alon, natigilan naman ako ng may malamig na hanging bumalot sa akin, naramdaman ko rin iyon sa leeg ko, isa lang ang yumayakap sakin ng ganito. Walang iba kundi ang girlfriend ko. Hindi na talaga ako mapakali nun lalo na nang may nakita akong taong nakaupo sa harapan na upuan, hindi sila gumagalaw at tila ba basa ang kanilang damit, ewan ko ba kung namamalikmata lang ba ako pero nandun pa rin talaga sila kahit kumurap-kurap na ako eh, lalo akong nanlamig ng may tumakbong bata sa gilid ko, tumatawa pa ito pero yung tawa niya hindi normal, yung tawang nag-e-echo. Basta, nakakakilabot talaga. Medyo nawala ang takot ko ng pababa na kami ng barko, tiningnan ko muna yung dalawang tao dun sa harap pero wala na ang mga ito. Kaya naman tinanong ko yung isang babae na sa likod nila nakaupo. "Nang, naghalin na ang duwa di nga gapungko kagina hu?"(Ate, nakaalis na ang dalawang nakaupo dito kanina?) tiningnan niya lang ako, maya-maya pa'y mahina itong natawa. "Wala nadi may gapungko ah, dara ko tani mapungko kagina galing kay ang basys sang tubig gakabasa ko" (Walang nakaupo diyan, uupo sana ako pero mababasa ako sa tubig) hindi ko alam kung anong ire-react ko talaga nun. "Waay gid di ya may nagpungko? duwa sila"(Wala talagang umupo dito? dalawa sila) kumunot na ang noo niya nun, nagtataka na rin siguro siya sa mga pinagsasabi ko. "Wala gani to" (wala nga hijo) tumango nalang ako nun at pumila para makalabas na, palabas na rin ako nun ng makakita ako ng tatlong pamilyar na likod, pareho rin ang suot nila nun, yung dalawang kaibigan ko na naka-blue polo shirt at black tshirt, tas yung girlfriend kong naka-pink na 3/4. di ako nagkakamali sila talaga yun, wala akong pakialam kung magmukha akong baliw pero tumakbo talaga ako nun para maabutan sila pero wala eh, pagkababa ko wala na sila nagtanong-tanong ulit ako nun kung may nakita sila pero wala naman daw. Haysss Love.. miss na miss na kita.

Infestation

I want to share this to those readers out there. Hope you will consider my story, Admin.

I don't how to start this but here it is. Medyo mahaba ito.

I'm Jhen. Kalilipat lang namin this year sa Marilao, Bulacan. Month of April to be exact, nung lumipat kami. Na-vacant daw yung house for 1 1/2 year. 2-storey house yung nalipatan namin, with 2 rooms, 2 cr, salas, dining and kitchen. Medyo dulo ng lugar at puro palayan na after ng bahay namin. Wala pa daw kasing nakakabili ng lupa na bakante ngayon.

So, months passed was okey not until September. We started to hear something. Lahat kami natutulog sa taas.

Unang lipat, sanay na kami sa pag-slam ng door by itself. Yung pinto ng dalawang kwarto. Every time nag-i-slam siya ng sobrang lakas then bubukas ng kusa tapos mag-slam ulit. Inisip namin na baka nadadala ng hangin hanggang, nasanay na kami. Then minsan din, there's something that always fell in the kitchen. Pero pagtitignan namin kung ano yung nahulog, wala naman. Malinis pa din yung kusina. And lastly, last Wednesday lang ito nangyari. Almost 1am ng makarinig kami ng nagha-hum na babae, mismo sa labas ng bintana. Siguro naiisip nyo baka nakatambay lang. But no, nasa terrace ng 2nd floor yung window at mismong nasa labas ng bintana yung humming niya. That time natakot na kami, lalo na nung sinabi ng kapatid ko na every 1am or 2am niya laging naririnig yun, (gamer kasi siya kaya 4am na siya natutulog) and once na mapansin niya. Lalong lumalakas yung humming. And then kinabukasan, my brother asked me.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon