Very long post ahead. Hindi rin 'to nakakatakot kaya it's okay if skip nyo. I just want to share my experience on what scares me the most.Hi. Do you know what's more scarier than ghosts or mythical creatures?.
Isa ako sa mga taong takot sa multo, engkanto at kung anu-ano pa. Hindi ako nakakakita at ayokong maniwala, pero siguro naaamoy nila yung takot sa kaloob-looban ko kaya madalas may unexplainable situations na nangyayari simula pa lang nung bata ako. Yung lugar na kinalakihan ko, tapunan daw ng mga sinalvage nung Martial Law at ang pagkatao ko, ayun ayoko sa mga tao. I don't want to be surrounded by people and I prefer to listen than to talk. I find solace in silence kaya wala talaga akong matatawag na "barkada". At sabi ng Lola at Mama ko, yung mga taong tahimik daw ang lapitin ng mga engkanto at multo.
I've been misunderstood my whole life. Disadvantage when you prefer to be silent, pwedeng mag-conclude yung mga tao ng kung anu-ano sa'yo kasi ikaw naman tahimik ka lang at hindi nagsasalita. I can't even defend myself. Why? Cause it's useless. Hindi rin naman pinapakinggan, hindi pinapaniwalaan at yung iba naman nakikichika lang. So to make it short, nandun ako sa dark side ng tao. Well, you can say I'm the most toxic person, pero all out ako pag nagmahal. I am always willing to bleed and sacrifice, makita ko lang na masaya yung mga taong pinapahalagahan ko.
I thought I've already reached my limit on being committed to someone, cause I already experienced being cheated on, ipagpalit sa mas malapit, paasahin, iwan sa ere, "ghosting", "We need to break up kasi di kita deserve, you deserve better", been replaced kasi wala ka nang pakinabang sa kanila. But then again, gaya ng kasabihan, you'll meet the best part of your life after your biggest mistake. I finally found my missing piece, the man that I prayed for.
Hindi ko na idedetalye pa yung love story namin to avoid bitterness and what nots. Basta ang masasabi ko lang, he is indeed my better half. We've been through hell and back pero kahit minsan, hindi niya pinaramdam sa akin na mag-isa lang ako. And that's what we assured naman din sa isa't isa. December 2018, unang beses na nag-meet kami ulit after namin mag-cool-off nung April 2018. May iniinda na siyang pananakit sa likuran since 2017 pa pero I never really thought na magiging ganun kalaki ang impact nun sa kanya. Nahirapan na kasi siyang kumilos at maglakad. Kahit na nga nakaupo o naka-steady lang siya, may times na aatake yung pananakit ng lower back niya. Pumayat din siya ng sobra. Pero hindi naman niya hinahayaang makaapekto yun sa kanya. He's still that responsible at masipag na tao. So on that day na nagkasama kami ulit, I stayed on his place para na rin samahan siya and to assist him sa mga dapat niyang gawin. Cause honestly, pinipilit na lang talaga niyang kumilos kahit parang sobrang sakit na talaga ng nararamdaman niya.
Tahimik dun sa lugar nila sa Taguig. Maliit lang din yung kwarto na inuupahan nila. Isang maliit na kwarto for bedroom, isang cr then sala/dining area na. It was like a townhouse kaya masyado silang strict pagdating na rin talaga sa pag-iingay. Mostly kasi ng nag-o-occupy dun may mga trabaho. Gaya ng sabi ko, hindi ako nakakakita pero nakakaramdam ako and to be honest, pagkapasok pa lang sa bahay di na magandang pakiramdam ko. Para bang ang bigat-bigat ng ambiance doon. The first weird thing that happened is around 3pm ng hapon. Nagpaalam siya na lalabas daw muna siya para bumili ng meryenda namin at ako na daw mag-reply kapag may nag-chat sa kanya sa desktop. Nakakabingi talaga yung katahimikam ng lugar nila nun kaya kaunting tunog lang, dinig na dinig na. Nakaupo lang ako nun sa may sofa habang nagkakalikot sa phone ko while naka-open yung desktop at naka-standby dun sa online game na nilalaro namin pareho. Magpapatugtog na sana ako nun sa phone ko when I suddenly heard a keyboard sound. Yung tunog ng keyboard habang may nagta-type. Ayoko namang takutin ang sarili ko nun kaya deadma lang ako pero deep inside, nagsisimula na akong matakot. Tumayo ako at lumapit sa desktop niya to check kung may nag-chat na ba saka ako pumunta sa kwarto para i-charge na lang ang cp ko. Ang bilis ko namang lumabas nun ng kwarto nung marinig ko na may nag-play na ng Buwan. Pagkabalik ko sa may sala, nakita ko na yung gaming chair niya na nandun lang sa tapat ng desktop kanina, nasa kabilang side na. Dun sa bandang pintuan na. Tapos yung electric fan, nakabukas at yun nga nag-play na yung Buwan sa desktop niya. So ako naman, pumunta ko sa cr to check kung nakarating na ba siya kaso wala pa. Pinagpapawisan na ako nun ng malamig but I still try to compose myself at magtapang-tapangan. Binalik ko yung gaming chair sa harap ng desktop, pinatay yung electric fan tapos check ulit sa computer. Minutes later, narinig ko ng pabalik na siya. Tinatawag niya kasi ako kahit na paakyat pa lang naman siya. I didn't told him what happened kasi I don't want to ruin everything. I just want to enjoy every moment na kasama ko siya kaya yun, kinalimutan ko na lang. Kaso ewan ko ba anong meron at may kung ano na namang unexplainable situation ang nangyari.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
KorkuThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree