Nangyari ito sa katrabaho ko last October 2019. Nakatira ako sa isang compound. Katrabaho ko yung kalapit kwarto ko, tapos sa unahan lang konti (sa loob pa din ng compound) ay mag-asawa na katrabaho ko rin.Maaga kaming natapos sa mga tasks namin nung araw na yun kaya pagpatak ng ala-siete ng gabi umuwi na agad kami. Nagpe-prepare pa ako nun ng isda na ipapaksiw ko ng may marinig akong tunog na parang aso na umuubo, yung kapag natitinik sila, sobrang lakas. Pero hinayaan ko lang. Di ko pa nasasalang ang isda ng kumatok ang anak ng katrabaho ko.
"Kuya, Kuya."
"Oh bakit?"
(di ko pa binubuksan ang pinto nun, dinig pa din ang umuubo na sobrang lakas)
"Kuya, Kuya buksan mo. Tulungan mo muna si papa doon."
"Ha? Bakit?"
Pagbukas ko, nagulantang ako. Yung katrabaho ko pala ang umuubo. Nandoon siya sa kwarto nila na inuupahan pero nasa labas sila. Siguro mga 100 meters or less ang layo nila sa kwarto ko. Yung guy tumatalon-talon habang umuubo tapos yung asawa niya pinipigilan siya.Medyo madilim kasi doon sa part na kinalalagyan nila pero kita naman sila. Nung nakita ko sila natakot ako. Sabi ng anak niya puntahan ko daw pero ako naestatwa. Di ko alam ang gagawin ko. Natatakot akong pumunta, sa totoo lang. Ang unang pumasok kasi sa isip ko, lilipad siya. Akala ko aswang (sorry po), kasi pinipigilan siya ng asawa niya tapos siya tumatalon-talon tapos ang ubo niya sobrang lakas, tahimik kasi siya masyado at mahiyain. Actually, parang di ubo e, parang sigaw ng naghihingalo. Basta, medyo hawig nung ubo ng aso. Ang hirap i-explain.
Tapos yung babysitter nila pumunta din doon sa akin, sabi puntahan ko daw doon, tulungan nga. (sabi ko pa sa isip ko, "Ay bakit di mo tinulungan? Samantalang ikaw ang pinakamatanda dito sa lahat? Nasa mid 50s na kasi yata yung matanda, not sure sa edad). Pero nag-go na din ako para tumulong. So kahit takot na takot ako pumunta na ako. Yung anak niya na 7 yrs old pinipisil-pisil yung palm niya, between hinlalaki at hintuturo, so ako nag-take-over. Tapos pagkakita ko kay Kuya (yan nalang po itawag natin sa kaniya), grabe ang pawis niya, tumatagaktak talaga tapos amoy na amoy yung pambanyos na di ko matukoy kung ano. Tinanong ko siya...
"Kuya naano ka?"
"Hindi ako makahinga"
Tapos tuloy pa din ang ubo at talon.
Sabi ng isa kong katrabaho dalhin na namin sa ospital e di dinala na. Nauna si Kuya at Ate sakay ang trike papuntang ospital, kami sumunod sa motor. Pagdating namin doon sa ER naka-dextrose na si Kuya tapos nine-nebulizer. Di na siya naubo tapos nakangiti na si Ate. So nakahinga na kami ng maluwag. Kasi pag-alis nila ng bahay kaiyakin na si Ate. Ang ginawa namin, inabot namin ang pera at kinausap sila na uuwi muna kami kasi kukuha ng gamit nila at para na din i-check ang mga anak nila kasi yung babysitter lang ang naiwan.E di good na, pauwi na kami sakay ang trike. Di pa kami nakakarating tumawag sa akin si Ate, paiyak yung boses niya. Nag-alala kami. Sabi niya balik daw kami doon. So sabi namin wait lang, babalik kami agad kukuha lang ng gamit. Pag-uwi namin, kumuha agad kami ng gamit sa kwarto nila tapos larga na. Habang pauwi kami nun makailang beses tumawag sa akin si Ate saying na bumalik na kami doon kasi kailangan niya kami tapos umiiyak na siya. Binilisan namin lalo. Pero nasa gate pa lang kami ng compound nang tumawag siya ulit, wala na daw si Kuya. Isang oras lang mahigit simula nung nangyari tapos wala na. Pagdating namin sa ospital tinanong ko ang nurse, habang papunta kami sa morgue, kung anong findings ng doctor. Ang sabi wala daw makita. Walang sakit. Hindi high-blood. Walang asthma. Hindi nakagat ng aso. As in, wala lahat. Walang nakita. Sabay sabi niya pa "Baka nalason". Sa isip ko "Nurse ka ba talaga?"
Pagdating ko sa morgue, doon nag-breakdown si Ate. Wala na si Kuya. Pagtingin ko sa kanya sobrang putla niya na. Ala y una ng madaling araw, dumating ang mga kamag-anak nila. And since walang makitang dahilan sabi nila baka nga daw nalason tapos tiningnan nila ang mga kuko kung nag-violet ba. Yung kulay ng kuko niya ay yung kapag tinalian mo ang daliri mo ng goma for a long time tapos maba-block yung dugo, ganun. Maputla.
Lamay. Pangalawang gabi, dumalaw kami. Parang tulog lang si Kuya nung inembalsamo siya pero nung gabi na yun yung labi niya nangitim ng sobra, hindi normal. Ibang-iba sa madalas kong nakikita.
Huling gabi. Tatlong araw lang ang burol. Pagkakita ko kay Kuya yung labi niya naaagnas na ng konti. Hindi normal. Naembalsamo naman siya.
Sabi ni Ate simula nung ibinurol si Kuya hindi na daw nagpakita doon ang babysitter nila. Hindi ko rin alam kung bakit.
Kung lason nga yun, di ko lubos maisip kung bakit since sobrang bait naman ni Kuya, at wala talaga siyang kaaway.
PS. Kung nababasa man po ito ng nakasaksi/nakakaalam ng pangyayari. Pasensiya, wala po akong masamang intensiyon.
-Lee
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree