Hello, si Manila po ulit ito. Yung nagsulat ng 'Smiling Gabby & The Minion Stuffed Toy'. Madaming nagsabi na medyo maarte at conyo ang pagkakakwento ko noon. Kaya susubukan kong ikwento ito ng Tagalog. Paki tago po ang totoo kong pangalan, kasi masyadong pribado at maselan itong ikukwento ko. Salamat.Mahaba ito. Pero try nyong tapusin. Baka magustuhan nyo.
Isa akong recovering drug addict. Kalahati ng buhay ko ay ginugol ko sa adiksyon ko. Pero hindi ako nandito para husgahan nyo ako. Patuloy akong nagpapagaling hanggang ngayon.
Taong 2006 ng malaman ng nanay ko ang tungkol sa pagkalulong ko sa droga. Isa akong babae, nag-iisang anak, may kaya, at may potensyal (daw). Napagdesisyunan ng nanay ko na ipadala ako sa Cebu upang malayo sa nakaugalian ko, sa mga taong nakasama ko at sa drogang napili ko. Sa panahong ito, ay unti-unti na akong nagkakabulong pero naagapan dahil tumigil ako sa bisyo (pansamantala).
Pinadala ako sa isang kilalang lugar sa Cebu. Wala akong kilala noon. Ang tanging kasama ko lang ay ang nanay ko at ang tita ko. Tumira kami sa isang maayos na subdivision. Maganda at tahimik.
Isang hapon, ay naninigarilyo ako sa balcony ng kwarto ko (2nd floor) at sa tapat non ay isang malaking bahay na may balcony din tapat ng kwarto ko. Doon ko sya unang nakita, si Caloy.
Si Caloy ay kalbo. Mestiso. Matangkad at mukhang mas matanda lang sakin ng ilang taon (17 ako that time) typical na cebuanong gwapo. Napansin ko agad sya dahil naninigarilyo din sya non. Naka-gray shirt sya kurduroy na shorts. Nginitian nya ako at nginitian ko din sya.
Kinagabihan ay bumili ako sa tindahan, katabi yun ng bahay nila Caloy. Pagkatapos kong bumili ng yosi, ay nakita ko sya sa labas ng gate nila.
Caloy: (in Cebuano) Bago ka lang dito no? Ngayon lang kita nakita. Ako si Caloy.
Me: Oo. Kalilipat lang namin 2 weeks ago.
C: Sabi ko na taga Manila ka. Wala ka pang kaibigan dito?
Me: Wala pa.Hindi ko alam pero bigla nalang syang pumasok sa bahay nila ng walang sabi-sabi. Medyo na-weird-uhan ako. Pero okay lang, gwapo naman sya. Hehe. Baka ganun lang talaga ang mga Cebuano.
Pagkatapos non, tuwing hapon ay naririnig kong nagpapatugtog si Caloy sa kanyang kwarto. Tanda ko pa ang kanta dahil ito ay paulit-ulit.
Fade Into You by Mazzy Star. Alam ko ang kantang ito, dahil ito ang kanta ng buhay ko noong lulong pa ako sa droga. Malungkot ako kapag naririnig ko ito.Naka-replay ang kanta. Mga 2 oras din yung tumutugtog. Ang weird. Pumunta ulit ako sa tindahan para bumili ng yosi. At nandon ulit sya sa labas ng gate nila. Nakaupo at nakatingin sa malayo.
Hindi ko na sana sya papansinin dahil nga inalisan nya ako last time habang kinakausap nya ako. Haha. Pero bigla nalang syang nagsalita.
Caloy: Naalala mo ako? Si Caloy. Birthday ko bukas. Gusto mo bang pumunta?
Me: Mahiyain ako hehe. Pero happy birthday ah.
C: Pumunta ka na. Ikaw lang bisita ko, wala lahat ng kamag-anak ko. Ako lang ang nandito sa Cebu. Aasahan kita.Sabay umalis ulit sya. Pumasok sa loob ng bahay. Ganun ba talaga pag gwapo? May karapatang hindi magpaalam pag aalis? Huwiw. Haha!
Kinabukasan, naririnig ko na naman yung kanta mula sa bahay/kwarto nya. Wala na bang ibang kanta sa playlist nya? Paulit-ulit. Napagdesisyunan kong pumunta sa birthday nya. Bumili muna ako sa tindahan ng yosi at dalawang grandeng Pale Pilsen. Nakakahiya naman kung wala akong bibitbitin.
Tindero: Mag-iinom kang mag-isa, hija? (In cebuano)
Me: Hindi po, 'Nong. Birthday ni Caloy diyan sa kabilang bahay. In-invite ako eh. Hehe.
T: (kitang-kita ko ang pamumutla sa mukha nya) sya ba ang palagi mong kausap pagkatapos mong bumili dito sa tindahan?
M: Opo, bakit 'Nong?
T: Naloko na. Wag ka pumunta diyan sa bahay nila.
Me: Bakit nga po, 'Nong?
T: Tatlong buwan nang patay si Caloy. Nagbaril sa ulo, hindi nakayanan ang drug addiction nya. Wala ng tao diyan, nasa ibang bansa na lahat ng pamilya nya.Nalunok ko yata yung puso ko nung sinabi sakin ni Manong yon. Hindi ko pa rin makakalimutan hanggang ngayon. Ininom ko ang dalawang grandeng beer ng gabing yun habang wala pa rin sa ulirat.
Psychosis ba yun o talagang si Caloy yun?
Manila
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree