Compiled Stories 15

194 11 0
                                    


Streetlight

3am nang magising ako at mag-ready para sa simbang gabi. 4am ng dumating si Kimberly para sunduin ako. Papunta na kami sa bahay ni Duday para sunduin sya ng matapat kami sa streetlight at makita sya. Naka-tight jeans sya at naka-long sleeve na white, naka-ponytail at kitang-kita din ang cp nyang nokia 3315 na naka-ilaw ang screen, syang-sya talaga. Napatigil kami at nagtaka ng dumaan sya sa bakanteng lote sa likod ng streetlight. Di ko masyadong maaninag ang mukha nya dahil tutok samin ang ilaw ng streetlight pero pansin ko nakangiti sya. Mapagbiro talaga si Judy kaya nawaglit agad sa isip namin yung pagdaan nya dun. Natisod pa sya sa barb wire ng tuluyan syang makalagpas samin ni Kim. Tinawag ko sya at sinabing "Day, saan ka pupunta?" Lumingon sya ng kaunti tapos sabay sabi ng "Bakit?" At nagpatuloy ng lumakad.
Napakunot ang noo ko at nagtaka dahil gawi yon sa dagat, salungat sa daan papuntang simbahan. "Saan kaya pupunta yon?" Tanong ko kay Kim, "Ewan ko don" sagot nya sakin. Sumagi sa isip ko na doon nagtratrabaho ang tatay nya para magkarpentero. "Ah, baka hihingi sya ng pera kay Papa nya". Napalinga kami sa gawi papuntang bayan at sa di kalayuan natanaw kaming kapwa magsisimbang gabi katulad namin, dalawa sa kanto at isang natapat sa streetlight tanging damit nya na napa-v-stripe ang naaninag namin. Susundan na namin si Judy nang may makasalubong kaming bata. "Bhe, may nakasalubong ka bang babae?"ngunit di nya ako pinansin. Kaya't sinundan na namin si Judy na tila ba'y kay tulin maglakad hanggang sa hinabol at sinisigawan namin sya "Dý!!! Hintayin mo kami!! Saan ka ba kasi pupunta?!" Hinahabol namin sya ng pumasok sya sa gate ng plaza at lumabas ulit papunta sa may malalaking puno. Hanggang sa "Kim!!!" Malakas na sigaw galing sa likuran namin. Napahinto kami at napalingon nang makita namin ang totoong Judy. Kaya't dahan-dahan kaming nagkatinginan ni Kim at dahan-dahan na tinignan yung sinusundan namin, nawala sya!, nagkatinginan ulit kami ni Kim, ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko galing sa paa paakyat sa braso, leeg papuntang pisngi at parang nanlaki ang ulo ko. Pinandilatan namin ang isa't isa sabay sigaw ng "Aaaaaahhhh!!!!" Kumaripas kami ng takbo papalayo dun sa sinusundan namin, habang nagsisigaw ng malakas kahit magising ang mga kapitbahay. Parang wala naman din silang naririnig. Nang makalapit na kami sa totoong Judy pinaghahampas namin sya dahil naniniwala kaming masama na may nanggaya sa kanya. Nang medyo nakakalma na kami nagsalita si Judy, "Kanina ko pa kayo tinatawag", sya pala yung babaeng naka-stripe napa-v. "Di ka namin naririnig, teka nakita mo ba yung sinundan namin?". "Oo, nakalutang na puti". Nagulat kami kaya pinaghahampas namin ulit sya kasi nakita nya yung naggagaya sa kanya.

Sabi ng lola ko pag sinundan yon ipapahamak ka pwedeng kakasunod bangin na pala di mo pa alam. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala kung paano nya na-fake yung phone tsaka yong paggaya nya sa boses ni Judy nung sinabi nyang bakit. Nung na-experience ko yon para akong na-hypnotized. At di ko naman maitanggi kasi dalawa kaming naka-experience ng bestfriend ko.

Matagal na akong fan ng Spookify since mabasa ko yong 'Walwal gone wrong' at 'UV Express'. Sana isa yung story ko sa mapalad na ma-post. Salamat!

Ssa ❤
Zambales

Kung alam ko lang

Good day admin. I wanna share may story happened last year. Hi I'm Jas (not my real name). Nagkaroon kami ng family problem na kung saan away dito, away doon. I feel depressed that time yung parang walang katahimikan tapos parang ang bigat ng pakiramdam mo na ang lungkot-lungkot. Iyak lang ako ng iyak dahil sa sobrang gulo ng sitwasyon then one night natutulog ako bigla na lang akong di makahinga ng maayos tapos may nakita akong matanda sa paanan ko, yung suot nya ay red dress alam nyo yung suot ng mga namamanata na babae, ganun ang suot nya habang tinitignan nya akong nahihirapan tumatawa sya. Mangiyak-ngiyak na ako kasi feeling ko mamamatay na ako tapos yung matanda pumapalakpak pa habang tumatawa. Then naalala ko yung sinabi ni mama sakin na mag-pray ako palagi kaya nag-pray ako then yung pinsan ko na katabi kong matulog nasipa ako kaya nagising ako. Ilang gabi akong binabangungot ng ganun then one night iba naman ang napanaginipan ko. Nakita ko yung sarili ko na nakabigti sa sarili kong kwarto and yung matanda nasa ilalim ng nakasabit kong katawan at nakangisi. Sobrang takot ko that time, tinawagan ko yung ate ko na active sa simbahan at sinabi ko lahat sa kanya humingi ako ng prayer di lang sa kanya kundi sa lahat ng kasama ko din dun sa church. A week lang ok na ako.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon