PART 3Kamusta? Pasensya na kung ngayon lang, medyo busy lang ako kakaayos ng mga requirements ko sa school. Hindi ko pa sana dudugtungan kasi nga busy ako, lagi akong pagod at puyat. Pero dahil balak ko na 'tong tapusin sige ito na. Habang tina-type ko ito nakaupo ako ngayon sa terrace namin. Before we start, please play the song Creep by Radiohead. Super duper favorite ko yan, para parehas tayong nakikinig ngayon. So, let's start.
Simula sa simula, isa lang ang naging tanong ko. Di ba? Okay, let me say this thing. Kung wala kang matibay na pananampalataya, kung hindi matibay ang paniniwala mo. Tingin mo lahat kakayanin mo? Kapag may problema ka, sinong una mong hinihingian ng tulong? Kapag malungkot ka? Kapag natatakot ka? Don't tell me. Well, it's just a typical question. And let me clear one thing. Fyi, kahit sino sa atin pwedeng gawin ang "kalamansi" thingy. Wala akong ginagaya na kahit na anong istorya at sa babasaging baso naman, I guess totoo din yon. Never ko pa naman na-witness, pero yung sa kalamansi I'm 100% sure na totoo.
Minsan talaga hindi natin alam kung anong nababalot na misteryo sa mundo natin. Yung madalas akala mo lahat ng nakakasalamuha mo na mga tao ay katulad mo. Akala mo normal, akala mo totoong tao. Aminin natin, sa araw-araw na nakakakita ka ng ibang tao kahit isa sa kanila wala kang idea na nagbabalatkayo lang sila. Basta yung nagtatago lang sa kaanyuan ng isang tao. Minsan naman lantaran kung ipakita ang mga nakakatakot nilang itsura. Kaya mag-iingat tayo sa mga binabangga natin.
May nagsabing bakit hindi ko daw subukan na mag-alay? Okay lang sana kung hayop ang gusto nila, madaling makakuha ng hayop.
Pinag-isipan kong mabuti kung ikukwento ko ang missing part na ito. Sinabi ko rin kay Erin yung tungkol dito, hindi naman siya nagalit. Pero sinabi niya sa akin na huwag ko daw i-point-out kung anong nilalang sila Ian at Sara. Para na rin sa kaligtasan at respeto sa dalawa. Ito yung sumunod na nangyari kinabukasan ng gabi pagtapos ng birthday ni JC, sigurado akong ito ang sasagot sa mga tanong ninyo. Gusto ko rin maliwanagan kayo kung sino talaga sila Erin pati mga pinsan niya. Gusto kong maging aware kayong lahat sa mga taong nakakasalamuha ninyo. Kilala nyo man o hindi. Mabuti man o masama. Kaibigan mo man o kaaway, dahil ano bang malay mo na sa isang pitik lang kaya ka palang saktan ng mga nakapaligid sayo. Dito ko napatunayan na hindi normal ang pamilyang kinabibilangan ni Erin. Nang mangyari rin 'to ay dito ko na nakilala kung sino talaga si Sara at Ian. Hindi ko na ito masyadong ipupunto por punto, sisimplehan ko lang at bibilisan ko na. Hindi aswang ang pamilya ni Erin, lalong hindi rin mga engkanto sila Ian at Sara basta silang dalawa ay hindi ordinaryong nilalang. (Kayo na ang bahalang humusga, tutal diyan kayo magaling).
Kinabukasan pagkatapos ng kaarawan ni JC, gabi na yon mahimbing na kaming lahat na natutulog. Nanaginip ako, hindi klaro yung panaginip ko pero natatandaan ko na parang nagkakagulo. Bigla akong nagising dahil nagulat ako kasi sumikip yung binigay na kwintas sa akin ng lola ni Erin. Nakita kong wala sa tabi ko si Erin, lalabas na sana ako pero nakita ko siyang nakasilip sa bintana ng kwarto namin. "Anong sinisilip mo?" Tanong ko sa kanya, hindi niya ako hinarap non pero sinenyasan niya akong huwag akong maingay. Lumapit ako sa kanya at nakisilip din. Gulat na gulat ako, nung mga oras na yon parang ang sarap na lang bumalik sa pagkakatulog. "Ano yang mga yan? Sino sila?" Erin: "Hindi ako sigurado. Pero tingin ko hindi sila yung ordinaryong mga aswang lang." Isa-isa naming ginising yung mga pinsan niya. Hanggang sa lahat ng kamag-anak niya ay nagsipaggising na. Kinakabahan ako, nanginginig ako sa takot ng mga oras na yon. Wala akong idea kung ano ba ang dapat na gawin kapag ganito, hindi naman ako naturuan ng kahit na sino kung ano ang dapat na ginagawa kapag nakaka-encounter ka nito. Lola: "Siguraduhin ninyong nakakandado ang mga bintana. Erin, balutin mo si Elle sa pulang tela." Nagtataka talaga ako kung bakit ako? Bakit ako lang ang babalutin? Malalakas na hangin ang naririnig namin sa labas, hindi ko na rin alam kung anong tawag sa iba't ibang hawak ng mga kamag-anak ni Erin. Basta sa tingin ko ay gamit yon panglaban sa mga ganitong masamang elemento. Ang lola niya ay nagsisimula ng magdasal. Ingay at parang mga nagwawalang nilalang ang naririnig ko galing sa labas. Binuksan ni Erin ang pinto halos hindi ako makapaniwalang kitang-kita namin ang itsura ng gumambala sa amin. Matataas ang height nila, maiitim na may mga pulang mata. Tumutulo pa ang laway p*ta! Lola: "Sa ngalan ng makapangyarihang Diyos! Sa ngalan ng mga mabubuting nilalang ng Diyos! Diyos ang pinakamakapangyarihan sa lahat! Diyos na lumikha ng langit at lupa! Layuan ninyo ang pamilya ko! Layuan ninyo ang mga walang malay na mga batang ito! Layuan ninyo ang batang si Elle!" Dasal na rin ako ng dasal, halos lahat ng santo natawag ko. Wala na akong pakialam kung gaano ako ka-demanding ng mga oras na yon sa Panginoon. Gusto ko na talagang matapos ang gabing yon dahil baka hindi na ako abutin ng araw. Nagsigawan kaming lahat ng tumilapon ako sa sahig, mabilis ang pangyayari. Nahila ako palabas ng bahay at hindi ko na alam ang gagawin ko, natanggal ang pulang tela sa katawan. Erin: "Mga demonyo kauo! Tigilan ninyo ang kaibigan ko! Mga hayop kayo!" Ibang Erin ang nakita ko ng mga oras na yon, galit na galit talaga siya. Nakita ko ang mga tiyuhin ni Erin na may kanya-kanyang hawak na baging. Nakita kong lumabas sila ng bahay at naiwan si Lola. Hindi ko mabilang kung ilan ang mga itim na nilalang ang nandoon ng gabing yon. Bukod doon ay meron pang mga nagliliparan na malalaking ibon. Kitang-kita ko kung paanong nilabanan ng mga tiyuhin niya ang mga yon. Pinaghahampas ng lubid, latigo at baging. Ang mga tiyahin niya ay parang sanay na sanay sa ginagawa. Inikot ang buong labas ng bahay habang may binubulong at nagsasaboy ng asin sa paligid at holy water. "Anong ginagawa ninyo dito? Paano nyo nalaman kung nasan ako?" Sara: "Halika na, tumayo ka na diyan. Pumasok ka sa loob!" "Anong ginagawa nyo dito? Sino kayo at anong kailangan nyo sakin?" Isnisigaw ko. Gulong-gulo na ako sa mga nangyayari. Parang wala na talaga akong mapaglagyan ng mga nalaman ko. Sumasakit na rin ng mga oras na yon yung ulo ko talagang hindi ako makapaniwalang pwede akong malagay sa ganong sitwasyon. Ian: "Kagaya mo, hindi rin kami mga normal. Hindi kami normal pero gusto ka lang naming protektahan Elle."
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree