It was around April 2012 when I experienced this. Please hide my identity.Just call me Vanessa. So here's my story...
Just right before my graduation on April 2012, I was hired as an Auditor sa isang Accounting and Auditing firm. Sya nga pala, meron na rin akong classmate na mas naunang na-hire sa same firm for about 3 months na rin bago ako na-hire. Let's call him Michael. Si Michael ang nag-refer sa akin sa firm na yun.
For the first two weeks there, ok naman. Everything was normal. Busy lang sa office works, compute dito, compute doon. Naghahabol ng deadline for tax submission. Our boss that time had assigned respective companies na tatapusin namin ang paper works - and that includes going to their actual offices and doon na mismo namin gagawin yung pag-o-audit. Isa sa mga companies na na-assign sa akin at kay Michael ay itong Crematorium located in ****g City. Isa itong kilalang crematorium ngayon ngunit noong mga panahong yun ay nagsisimula pa lamang makilala.
Itong crematorium na ito ay may katamtamang laki (that time), maganda at masasabi mong may kaya lamang ang makaka-avail ng serbisyo. Pagpasok mo pa lamang sa gate ay napakaganda. Maging ang kanilang office ay maganda. Ngunit mapapansin mo din yung ilang bahagi ng lugar na ini-improve pa. Dumating kami sa kanilang office ng mag-aalas 3 na ng hapon dahil may mga nauna pa kaming clients na pinuntahan kasama si Michael.
Sinalubong kami ng guard at inabisuhang dumiretso sa main office building. Tila alam naman ni Michael kung saan. Nakarating kami doon at sinalubong kami ng Secretary sabay dumating rin ang may-ari. Kami ay pinakilala sa iba nilang empleyado at inilibot sa ilang offices nila - kabilang ang chapels nila maging ang crematorium kung saan nagaganap ang actual na pagke-cremate. Ngayon lamang ako nakakita non. Hindi mo rin magugustuhan ang amoy, dahil tila nangingibabaw yung amoy ng nasusunog na buhok ngunit malinis naman ang lugar ng kami ay dumating. Hindi kami aktuwal na nakapasok hanggang bungad lang pero maamoy mo talaga yung kakaibang amoy na yon. Sa sobrang curious ni ate mo girl ay tinanong ko na din yung may-ari (napakabait namang sumasagot ng may-ari sa mga tanong namin) kung kailan huling ginamit ang crematorium room. Sinabi nyang may katatapos lang na i-cremate ng 1pm ng hapong yun. Maliban pala sa cremation, sila rin ay nag-o-offer ng karaniwang burol at libing. Matapos ang mabilisang paglilibot ay inakala kong babalik na kami sa office building kung nasaan ang kanyang Secretary, kung saan kami magtatrabaho at tatapusin ang pag-o-audit.
Ngunit dinala nya kami sa medyo tago at di naman kalayuang building mula sa pinaka-main. Dito daw talaga yung office ng mga Accounting Staff nya. Sa pagtataka ko ay wala namang tao doon. Yung office ay maliit lang pero modern. Di mo aakalaing nasa loob ka ng lugar kung saan nandoon din nakalibing ang mga patay. May desks at dalawang computers na mga bago pa. I complimented the place. Natuwa yung may-ari at sinabi nyang pinagawa nya talaga yun para daw hindi naman magmukhang "patay" yung lugar. Yun nga lang daw, nag-resign yung dalawang accountant ng sabay isang buwan bago yung takda naming punta. Nakalimutan ko palang banggitin, yung may-ari na kausap namin was an Expat (hindi ko maalala kung ang asawa nya ba ay isang Pinay). Niloloko pa nga nya kami na baka raw pwede nya kami i-hire maging Accountant na lang ng business nya. Sa isip ko, pwede pero parang mas ayoko. Ewan ko, bigla akong kinilabutan. Back to the story, iniwan nya na kami at sinabing babalikan kasama ng mga papers na hinihingi namin para tapusin yung audit.
Naupo kaming dalawa ni Michael. Habang naghihintay na bumalik yung may-ari ay lumibot ako sa paligid ng office. Yung inaakala kong mga typical vases na nakadisplay ay sya palang mga urns na binebenta rin nila sa mga customers na may namayapang kamag-anak. Maganda ang pagkaka-display doon at aakalain mong ito ay mga precious jewels na nakakahon sa mga clear glass at naroon din ang ilang mga necklaces at other jems na kasama sa mga binebenta na karaniwang isinasama sa mga namatay na kaanak. Masasabi mong pang mayaman nga ang nag-a-avail ng services dito.
Dumating ang secretary at nagbigay ng meryenda (na di ko kinain kasi ewan ko iba nasa isip ko - siraulo ko din eh noh?) at sinabihang babalik ang may-ari after 10 mins. Napatanong ako kay Michael kung nasaan ang mga kabaong sapagkat amin itong bibilangin. Yes, tama kayo, bibilangin namin. Dahil ito ay kasama sa mga inventories ng kumpanya. Nagkasabay namang ako'y naiihi at tinanong ko si Michael kung nasaan ang CR. Itinuro nya ako sa pinto na nasa sulok ng office. Hindi ko alam kung bakit ako nilalamig. Hindi ko alam kung dahil ba sa aircon na nakatutok sa amin o sa kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Lumapit ako sa pinto at ito'y binuksan. Laking gulat ko ng nakasunod pala sa akin si Michael at itinulak ako ng marahan. Napasigaw ako ng malakas. Dahil ang laman ng kwartong iyon ay mga kabaong. Naaninag ko yun mula sa liwanag na nanggagaling sa office. Tawa ng tawa si Michael sa akin. Pinagtripan ako ng mokonh. Nakapag-audit na pala syang minsan at alam nya na mga kabaong ang laman non. Umurong bigla yung ihi ko. Sinara ko na ulit yung pinto at bumalik na lang ako sa upuan ko. Pero di ko na maalis yung kaba ko na makita yung mga kabaong. Iba na yung na-imagine ko dun. Naisip ko kung may laman ba yun o gamit na ba ang mga yun. Habang inaalis ko sa isip ko yun ay tawang-tawa pa rin si Michael sa akin. Para daw kasi akong nakakita ng tiyanak! Sabay namang dumating ang may-ari at napansing tinatawanan ako ni Michael. Nagkwento naman si Michael at nakitawa na rin ang may-ari (mabait talaga sya). Sinabihan nya pa ako na mas matakot dapat ako sa buhay. Umalis din naman sya agad pagkabigay ng mga kailangan namin.
Hindi na rin ako pumayag na ako yung magbilang ng kabaong at sinabihan si Michael na sya na ang magbilang ng kabaong bilang ganti sa panggu-goodtime nya sa akin.
Natapos nya ang pagbibilang at napansin nyang seryoso na ako sa pagtatrabaho. Para di na daw ako matakot at magsa-sounds na lang sya. Sinasabayan namin yung mga kanta pero alam kong di ako mapakali habang nagtatrabaho. May ibang lamig akong nararamdaman pero binalewala ko na lang. Sinabihan ko syang umuwi na kami agad pagsapit ng alas 5.
Sa kalagitnaan ng kantang "just the way you are" (o, diba naalala ko talaga yung kanta) may tila humahalong hikbi akong narinig. Tumingin ako kay Michael, napatingin din sya sa akin. At kami'y nagka-inlaban (joke), tila iisa ang nasa isip namin pero tumawa na naman si Michael (weird na lalaking yun o nagtatapang-tapangan lang). Pinagpatuloy namin yung pagtatrabaho, hanggang sa malapit ng matapos yung kanta. Talagang lumakas yung paghikbi at malinaw na malinaw na sa pandinig ko na parang humihikbi na mismo sa tenga ko, palakas ng palakas. Sarado yung main door, pati yung pinto kung nasaan yung mga kabaong. Hindi namin alam kung saan nanggagaling yung hikbi ng babae. Bumibilang na ako sa isip ko sabay tayo at takbo palabas ng main door. Sumunod din sa akin si Michael. Ni-confirm ko sa kanya kung narinig nya din ba yung hikbi at umoo sya. Nakita pala kami ng guard na tumatakbo palabas nun dahil ang office ay glass wall lamang.
Nung sinabi namin sa guard ang dahilan, hindi man lang sya nagulat. Sinabi pa nga nyang minsan sa pagroronda nya sa gabi ay may nakita sya minsang babae sa opisinang yun ng disoras ng gabi.
Nakiusap lang kami na kunin yung aming mga gamit at sinabing babalik na lamang kinabukasan. Pero hindi na ako muling sumama don. Nakiusap na lang ako na magpalit kami ng isang client. Hindi na rin sila nag-o-audit dun na aabutin ng hapon o takipsilim. Madalas ay umaga na lamang.
Hindi ko na din alam kung hanggang ngayon ay client pa rin yun ng dati kong boss dahil nag-resign na rin ako after 7 months non at sumubok sa corporate world.
Pasensya na sa mahabang kwento. Madami pa akong baong kwentong kababalaghan. Sa susunod na pagkakataon na lamang siguro. Salamat sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree