Corregidor ExperienceMedyo sobrang haba nito. Pagpasensyahan nyo na.
June 13, 2009. Nabigyan kami ng pagkakataon na makapag-travel sa Corregidor bilang treat sa amin ng aming Municipal Mayor. Kami po ay mga kabataan na inclined sa performing arts.
5am pa lang naghihintay na kami sa pangpang para makapunta na kami sa Corregidor. More or less dalawang oras yata yung biyahe namin papunta doon. Sobrang maalon na halos lahat kami ay basa na.
Makalipas ang humigit kumulang dalawang oras, narating na namin ang Corregidor. Yung grupo namin na mga kabataan ay nagdesisyon na mag-camping na lang sa parang training area ng mga sundalo don. Tapos sila Mayor at yung iba sa mga hotel rooms.
Sinabihan kami na by 2pm magkakaroon kami ng island tour sa buong Corregidor gamit ang 'Tranvia'. Lahat kami na-excite.
Umikot kami sa mga barracks dun. May mga naramdaman yung iba samin.
Fast forward na po sa mga 10pm. Nagkaroon kami ng ghost hunting sa Malinta Tunnel. May kasama naman po kaming tour guide. Pinag-buddy kami ng director namin.
Nasa bandang unahan kami ng mga partner ko (3 kasi kaming buddy). Pangalawa sa linya to be specific. May mga lente kaming hawak. Nung papunta na kami sa Malinta Tunnel, may part na liliko kami, pagkalente ko, may nakita ako sa gilid ng puno na parang sundalo pero pugot ang ulo. Puting-puti siya.
Nung nakarating na kami sa Malinta Tunnel, dun namin nalaman na may mga sub-tunnels pa pala don. Sa isa sa mga sub-tunnel, pinatahimik kaming lahat at pinapatay ang mga flashlight namin. Nung tahimik at madilim na, may mga narinig kaming parang humihinga. Yung hinga na nahihirapan. May nagbiro nga lang kaya nabulabog yung concentration namin.
Eto yung mga ilan sa mga experiences ng kasama ko:
*May naka-face to face na multo
*Yung isang mag-buddy, nasa gitna sila ng pila pero at one point, nawala raw sila. Nawala yung nasa unahan at nasa likod nila. Wala pa naman silang flashlight. Sigaw daw sila ng sigaw. Tapos hinahabol nila kami pero wala raw. Hanggang lumitaw na lang daw ulit sila kasama namin.Tapos nung pabalik na kami sa camp site namin, may napansin kami sa kabilang dulo ng tunnel na parang sumisilip.
Nung nasa camp site na kami, nagkaroon kami ng kanya-kanyang businesses. Tapos may naghanap sakin. So tinatawag daw nila ako. Akala raw nila nasa tent ako. Kasi may anino raw sa loob ng tent na parang nakaupo. Pero pagbukas nila ng tent, walang tao.
Nakabalik pala kami ng camping site by 12mn. Tapos nakabilog na kami kasi nagkwentuhan kami. Kwentuhan ng mga katatakutan.
Tapos may dumaan na security guard na naka-boots and naka-hood (naka-attached yung parang suot nung guard dito). Binati siya nung isa sa mga kasamahan namin. Sabi niya "Manong, botang-bota ah" pero di siya pinansin. Dire-diretso lang siya dun sa may CR. So in-expect namin na nag-check lang siya. Tapos sabi naman ng director namin, gusto nyo ba makakita ng multo? Sabi namin syempre oo. Tapos may tinuro siya sa malayo, may flashlight. Eh di sabi namin, eh yan yung guard. It turns out na yung guard na tinutukoy namin pumunta na sa quarters nila after ng ghost hunting. At yung tinuro samin ay parang dead end na. So tingin namin Japanese soldier yun.
Eto na yung climax. 3:24am yata yun. Tandang-tanda ko pa haha. Eto sabi ulit ng director namin, gusto niyo ba talagang makakita ng multo. Syempre kami oo pa rin kasi akala naman namin di multo yung guard. May tinuro siya sa malayo, parang nasa bundok. May nakita kaming parang base ng mga sundalo. Maliwanag siya. Yung parang may spotlight pero walang pinanggagalingan yung ilaw. Tapos may isa pang part na maliwanag din. Makikita mula sa pwesto namin na parang silhouette ng isang hagdan na may railings, yung may hawakan. Dun sa hagdan na yun, nakita namin yung mga silhouette ng mga sundalo na nagmamartsa pababa (kinikilabutan na naman ako) tapos maya-maya naramdaman namin lahat yung mainit tapos biglang malamig mainit malamig mainit malamig. So ibig sabihin nun dumaraan na samin yung mga sundalo. Hanggang nagkaroon na ng commotion. May hinimatay kasi gusto niya mag-sorry. Nung binuhat siya sobrang tigas niya at ang bigat. Tapos tinawag namin yung adviser namin, to lead a prayer kaso di niya matuloy yung prayer niya. Yung parang pinipigilan siya. Tapos ilan samin may nakikitang gumagapang. Naging okay naman lahat after nun.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree