Creepy Classroom

126 5 0
                                    


Hi! First time ko mag-share dito since marami rin akong nababasa dito sa Spookify na horror stories. So, naisip ko na i-share din yung mga naranasan ko. Paki hide po identity ko admin. Thank youuuu!

Ako nga pala si Teacher Jana. Isa ako sa mga newly hired teachers sa isang public school dito sa Marawi City. 2019 pa ako nagsimulang magturo sa pinakauna kong classroom. Noong bata pa ako naririnig ko na ang mga horror stories about sa school na ito. Dito na rin kasi ako nakapagtapos ng elementary ko. Yung flagpole nga namin ay may libingan din daw dun. Pati yung mga slides at monkey bars sa playground meron din daw. Napapaniwala kami kasi way back elementary days ko may naaaksidente sa mga palaruan kahit na wala naman daw kasama biglang nahuhulog. Kasi nga daw may mga bata din daw na naglalaro dun na hindi nakikita. May mga pinagkakaguluhan pang area dito kasi may nakikita daw na mga duwende. Grade 3 rin ako noong may kaklase akong sinapian at pilit na niyayakap ang malaking punong-kahoy sa tabi ng classroom namin. Maputi sya at may napakaitim at mahabang buhok which is the reason daw kung bakit sya sinapian. Hndi rin daw kasi sya nagpoponytail or nagkokombong (muslim women use to cover the hair). Simula noon naging aware na ako na meron talagang mga spirits dito.

Then, now dito ako nag-apply for teaching. Kasi medyo malapit lang sa bahay. Fortunately, I got hired. Maraming nagbago sa school. Wala na yung palaruan. Naiba na rin ang flagpole area. Maraming bagong buildings na pinatayo. Tsaka lumiit ang dami ng mga malalaking punong-kahoy. Well, nagpasalamat pa rin ako kasi may trabaho na ako hanggang sa may mga nangyayari ng hindi ko inaasahan. Dito ako na-assign sa bagong building sa pinakadulong part ng school. Nag-expand kasi kaya bagong building. Malawak ang classroom na ito. Pwedeng-pwede sa multigrade classes. Grade 3 ang class advisory ko. Okay naman na lahat sa una. Sa una lang siguro kasi as time goes by ang daming nangyayaring nakakatakot. Instead of excitements ang maramdaman ko, kasi finally magtuturo na ako, parang tinatamad na ako. Every time na pumapasok ako sa classroom nawawala ang mood ko kahit gaano pa kaganda ang morning ko. Sasakit ang ulo ko. Nahihilo na ako na para bang minu-minuto naglilindol (last year kasi maraming dumaang lindol dito sa Mindanao kaya iniisip ko baka trauma or idk) at most of the time inaantok ako.

So, heto na. One time binisita ako ng mga students ko sa practicum days ko (2017). So, nagkumustahan kami. Sabi ng isa sa kanila "Teacher, buti na lang at may kasama kang teacher dito no? Ang kukulit ng mga pupils e." Ako naman nagtaka. "Ako may kasama?" Tumingin kami sa loob ng classroom kahit alam ko na wala naman talaga akong kasamang guro. "Kanina lang teacher nakita ko bago mo kami puntahan ay may nakaupo sa likod mo. Naka-abaya pa ata e." (Abaya: black long dress usually worn by muslim women). Sa likod kasi ng upuan ko ay may mga reserved na chairs for visitors, etc. Doon daw nya nakita. Kinabahan na ako nun. Pero di ko pinahalata. Sabi ko "Ngee. Baka yung anino ko lang yun. Wag mo na akong takutin. Di yan uubra sa akin. Haha!" So, continued the kumustahan. Pagkatapos, umalis na sila at bumalik na ako sa table ko. Habang iniisip ko kung totoo kayang may nakita ang batang yun dito at ano ang itsura nya ay nanindig ang balahibo ko. Ang paniniwala ko kasi kapag nanindig ang balahibo mo meaning merong something talaga dun.

Another one was yung mga pupils ko. Nagsumbong sila sa akin kasi nakita daw nila ang kaklase nilang si Airah na lumabas daw sa campus during recess time at may kasamang tatlong bata. Nakaakbay pa daw ang mga ito sa kanya. Tinatawag nila pero hindi daw lumilingon. Pero si Airah umiyak pa kasi ang totoo, wala daw syang kasama noong lumabas sya. Tinanong ko ang mga kaklase nya kung kilala nila yung mga nakaakbay sa kanya ay hindi daw. Si Airah yung pinakatahimik na bata sa classroom.

Sumunod naman ay yung every time na nasa room ako, palagi kong naririnig na may mga nag-uusap na mga lalaki, kasi boses lalaki e. Tapos, kapag tumingin ako kung saan ko naririnig ay wala namang tao. Minsan pa nga akala ko ay may mga parents na tinatawag ang mga anak nila mula sa bintana pero kapag tinignan ko wala naman talagang tao. Lumalabas pa ako ng classroom para i-confirm kung may tao o wala, pero wala talaga. There's this one time na habang nagchecheck ako ng papers at tumabi sa akin ang ilan sa mga bata tapos narinig ko ulit ang mga boses na yun ay naitanong ko kung narinig din nila yun ayy wala daw. Mapapadasal ka na lang talaga sa kaba.

November 2019 when I started to have nightmares. May mga lalaki ding dumaraan sa panaginip ko. Hindi ko maklaro ang mga mukha nila. Mga batang naglalaro sa loob ng bahay at iba pa. Naikwento ko ito sa co-teacher ko and she told me na magdasal ako/kami palagi sa classroom. Magdala ng tubig palagi. May mga inituro rin sya sa akin na verses sa Qur'an which is effective din kasi palagi kong binabasa before sleeping and ngayon hindi na sila dumadalaw sa panaginip ko. Praise the Lord. But the last time na may nangyari was habang nagdi-discuss ako, may mga ingay na aming naririnig. Nanggagaling ang mga ito sa 2nd floor (sa baba kasi kami). Ang ingay kasi parang nagdadabog at parang nagrarambulan na mga upuan. Naisip ko baka may nag-aaway o baka wala silang teacher kaya naglalaro sila tapos di nila alam nakakadisturbo sila sa amin. After morning session, pinuntahan ko ang classroom sa taas at tatanungin ko kung hindi ba sila aware na nakakadisturbo sila sa ginawa nilang ingay. Pag-akyat ko dun tumambad sa akin ang naka-locked na pintuan. Walang laman na classroom. Only school devices. Wala ni isang chair. Tinanong ko ang section na katabi nito sabi nila "Teacher, last year pa po nag-transfer ang mga mag-aaral diyan. Dun po sila sa kabilang building ngayon." Haynakuu. After that day, natatakot na akong pumasok sa classroom. Nabalitaan ko rin kasi na before pa naging building ito ay may mga nakalibing na pala daw dito yeeeears ago.

Iilan lang ito sa mga na-experienced ko. Marami pa akong hindi naisali baka kasi mas humaba pa. Yun lang po. Salamat sa pagbasa spookifiers! May God guide us and protect us all always. Good day ahead!

-jnnhmbn

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon