Hi admin, and hello spookyfiers sana maintindihan nyo po itong kwento na naranasan ko last 2012. I'm Aika (di ko tunay na pangalan) 20 years old.Ate Molly, siya po yong pamangkin ng mama ko na nagkapag-asawa sya ng taga Aurora. Gumradweyt ako ng elementary sa probinsya namin kung saan halos buong angkan ng taga amin ay umuwi dahil malapit na rin ang fiesta "tradition na din kasi yan pag fiesta maraming nagsisipag-uwian". So itong pinsan ko kasama ang anak nya ay umuwi rin galing Aurora.
FF. Nasa terminal na kami ng bus dahil sumama ako sa lugar ng pinsan ko dahil gusto kong makatungtong ng lugar nila which is doon ako magge-grade 7. Pagdating namin doon ay bumungad agad sakin ang malaking lumang style na bahay nila na dalawang palapag. Magkabukod sila ng bahay ng pinsan ko pero iisang bakod lang.
Nakilala ko sina lola at lolo (parents ng asawa ng pinsan ko). Sa pagkakaalam ko nasa 60+ na sila pareho. Lolo't lola na rin ang tawag ko sa kanila dahil naging malapit na ako sa kanila. Ilang buwan na ang lumipas ay mas naging okay ang pagsasama namin dahil itong si lola ay may maliit na negosyo, nagtitinda ng luya, gulay at prutas. Kapag wala akong pasok ay tumutulong ako sa kanya maglinis ng mga paninda nya. Habang naghuhugas kami ni lola ay nagmamasid lang itong si lolo sa amin habang nakaupo sa paborito nyang rocking chair, nagbibirong sabi "Naku yayaman na kayo niyan" sabay tawa, itong si lola mahilig magkwento-kwento at umabot pa sa mga panahon ng pagkabata nya at tinuturuan nya din akong mag-Ilocano language. Mas naging malapit ako kay lola kaya okay lang sakin kahit pati sila uutusan ako. Itong si lolo ay di masyado, kasi ang hilig nya lang ay matulog at magbasa ng dyaryo habang nakaupo sa paboritong rocking chair.
FF. Lumipas ang ilang buwan, pagkakatanda ko February 2013 na yon kasi yon yung time na excited na akong umuwi sa amin dahil iba na din trato sakin ng pinsan ko, kasi nung time na yon may activity sa school, nung pag-uwi ko ng bahay umiyak na si lola ng paglapit ko kay lolo naka-oxygen na sya dahil hirap ng huminga at hirap na ding kumilos. Dumaan ang ilang lingo okay-okay na si lolo non minsan na rin akong natulog sa bahay nila. Sa kwarto ako malapit sa sala kung saan sila lola natutulog di na kasi sila makaakyat sa kwarto nila at ayaw naman ng lola na sa kwarto sila matutulog sa kinalalagyan ko dahil maliit lang ito.
FF. Mga ilang araw na ang lumipas magre-recognition na kami. Nung nasa school na ako ay nakatanggap ako ng news galing sa kaibigan ko na si Kim, magkalapit lang kami ng bahay kadarating nya lang kasi sa program "Aika, ang lolo mo dinala sa Maynila kasi naghihirap na" sabi nya sakin, na-shocked ako sa pangyayari dahil bumalik na yung sigla ni lolo eh, "Uwi na ako tutal wala naman akong medal din" tugon ko sa kanya sabay ngiti na may halong lungkot at pag-aalala, umuwi ako naglinis ng bahay nagligpit ng higaan nila lola at pati na rin sa kwarto ko. "Nakakatakot naman mag-isa dito sa bahay nila lola doon nalang kaya ako sa bahay ng pinsan ko tutal maliit lang yon at may tv pa pang libang" sa isip-isip ko kaya napagpasyahan kong lumipat ulit, ang naging routine ko sa bahay habang ako lang mag-isa ay bumangon ng maaga maglinis, magsaing, maligo, mag-tv at magbukas ng ilaw. Bale 4 na ilaw ang bubuksan ko sa bahay nila lola sa taas, sa sala, sa malapit sa bodega at sa likuran. "Hala jusko alas 6 na pala" dahil sa panunuod ko ng tv nakalimutan kong madilim na pala lumabas ako para pumunta sa kabilang bahay. Nang pagpasok ko sa malaki at mabigat na pinto nila ay bumungad sakin ang rocking chair ni lolo at nabigla ako "Ay, jesus name" sabi ko nagulat ako nakalimutan ko palang ibalik sa paanan ng katre nila' Malakas ang pintig ng puso ko kasi sobrang dilim tas yon ang bubungad sayo habang naghihingalo yung may-ari ng rocking chair na yan, una kong binuksan ang ilaw sa baba dahil nasa kusina lang naman malapit ang switch nito "Yung kusina nila konektado lang sa sala pa-L yung shape nya puro divider lang nakaharang" tas umakyat na ako sa taas gamit ang flashlight ng lighter na sobrang hina ng liwanag nito sobrang gulat ko ng may naramdaman akong humaplos sa likod ng braso ko na sobrang lamig. Grabe di na ako lumingon di na ako huminto dire-diretso na akong pumunta sa switch at walang tingin-tingin sa gilid binilisan ko ang lakad ko at tigda-dalawang hakbang pababa ang ginawa ko dahil may kahabaan ang hagdan nila, dali-dali akong lumabas at sinarado ang pinto at pumasok na sa bahay nila pinsan sobrang takot ko noon at sabi ko paano ito bukas ng gabi, ako din naman ang magbubukas non kaya ginawa ko pray lang ako ng pray hindi ko masabi sa mama ko ang mga nangyayari kasi wala pa akong phone non, walang kontak kung napaano na si lolo. Lumipas ang 3 gabi ay okay-okay na wala na ako naramdamang kakaiba sa bahay dahil nilakasan ko na talaga ang luob ko at nagdarasal na ako once na papasok ako sa kabilang bahay.
FF. Maaga na akong naghapunan ewan ko ba, nung time na yon around 4pm, naghapunan na ako at ang bigat sa pakiramdam at ang lamig ng hangin. 6pm na pala madilim na, dala ko ang ilaw na lighter ng may malaking pusa na kulay itim na nakaharang sa pinto nagulat ako kasi wala naman kaming pusa na ganon kalaki at kulay itim pa, tumayo ang balahibo ko kumuha ako ng kahoy para maalis ko ang pusa na nakaupo habang nakaharap ito sakin "Shoo shooo alis ang sama ng tingin mo. In jesus name" sigaw ko sabay hampas ng kahoy sa harap ng pusa at tumakbo ito, di na ako halos makakilos sa takot dahil sa pusang yon nang tinulak ko ang pinto ng bahay sobrang bigat di ko halos maitulak baka naka-lock ito di ko naman to ni-lock kanina ba't ayaw bumukas? pabulong ko "Saan na ako daraan nito e itong pinto lang di naka-lock puro sarado na ang dalawang pinto" (3 doors kasi meron itong bahay nato na puro mabibigat) ginawa ko umatras muna ako at biglaang itulak ang pinto gamit ang gilid kong braso pati katawan, ginawa ko ito at ng pagtakbo ko para buksan ito ay bigla nalang akong dumiretso sa sala kung saan doon sila natutulog dahil sobrang soft lang ng pintuan kumbaga pwede lang syang itulak na walang pwersa. Ang tigas kasi non kanina ehh "ano ba yan" sabay gapang sa flashlight ko na nasa ilalim ng divider kinapakapa ko iyon at ng makuha ko ay dali-dali na akong tumayo at nang papunta na akong kusina, nakarinig ako ng ingay ng sirang upuan na pag uupo ka ay may 'kikkkkk' napalingon ako sa mesa bigla wala namang tao pero sa totoo lang non mangiyak-ngiyak na ako sa takot nginig na nginig na ko at di na halos makakilos. Dali-dali na kong nagbukas ng ilaw sa baba at dumiretso sa taas gaya nga ng dati at malaking hakbang ang ginawa ko para makarating sa taas nang makarinig ulit ako ng mahinang ubo ni lolo as in tatlong beses na mahinang ubo pinigilan ko ang pag-iyak ko habang patungo pa ko sa switch ng taas gusto ko ng bumaba kung di ko makapa ang switch Lord tulungan nyo po ako dinig ko na unti-unting bumukas ang kwarto kung saan malapit sa switch yung tunog ng pinto ang pinakanakakatakot na pakinggan walang kahangin-hangin pero bumukas ang pinto, iyak ako ng iyak na walang boses habang paulit-ulit kong kinakapa ang switch dahil sa takot ko di ko napansin na naligo na pala ako sa pawis. Nung nasaksak ko na ang sa ilaw ng taas pa talon-talon akong bumaba, pagkarating ko ng last na baitang ng hagdan ay bumungad sakin ang rocking chair ni lolo. Oo tama, rocking chair nya di ako makagalaw, gusto kong humagulgol ng iyak, gusto kong tumakbo, gusto kong humingi ng tulong di ako makagalaw di ako makasigaw. Gumalaw ang rocking chair ni lolo wala akong kasama pero bakit "Lord tulungan nyo po ako paalisin nyo po ang demonyo na nandito" sabi ko sa isip ko habang nakahawak sa lagayan ng sapatos ng di makakilos sobrang sakit ng puso ko. Nang pabilis ng pabilis ang paggalaw ng rocking chair, gusto kunang tumakbo guys ang katre kasi madaraanan ko muna bago ako makalabas which is ang paanan ng katre kung saan ang rocking chair ay malapit sa hagdan kung saan ako nakatayo di ko na alam ang gagawin ko, dinig ko ang ungol ng pusa na sobrang mas tumakot pa sakin nanghina na ko. Gusto ko ng mahimatay nalang ng di ko maramdaman ito. Ginawa ko nilakasan ko pa ang loob ko kumaripas ako ng takbo di ko pinansin ang rocking chair ni lolo dumiretso ako sa tindahan sa labas kung saan nandon ang maraming nag-uusap iyak ako ng iyak habang nagpapaliwang sa kanila pinakalma nila ako. Nung okay-okay na ako ay kinausap nila ako pero na-trauma talaga ako. Simula noon nagpasama na ako sa friend ko na si Kim. Si Kom ang naging kasama ko ng gabing yon di pa ako okay pero kinaya ko, nang may sumigaw "Aika!" dali-dali kaming lumabas ni Kim at pinabasa sakin ang text "Marr, si papa sumuko na di na kaya, pakisabi nalang kay Aika na babiyahe na kami. Salamat" iyak ako ng iyak at ang ingay sa labas sabi nila "Oi, Aika kaya pala ganon wala na pala ang lolo mo" umiyak na naman ako dahil syempre wala na si lolo tas naguguluhan pa ako kung bakit ako pa ang tinakot ni lolo e pwede namang magpakita sya kahit saglit lang bakit sa ganong paraan pa sya nagpaalam sakin. Si Kim panay pakalma lang sakin. Si Kim pala ay yung naging kaibigan ko since first day of school kasi kalapitbahay lang din, miss ko na sya. Si Kim kasi ay maagang nang-iwan wala na din si Kim. Nasa Leyte na kasi ako nung nawala na sya binalita nalang sakin ng klasmeyt ko rin. Miss na miss ko na yon. Mahal ako non naging sandigan ko yon pag may test or oral ehheh i love you always Kimmy.
Thanks guys for reading my long true story hope you guys enjoyed it. Habang nagta-type ako nyan ay ramdam ko pa rin ang takot buti naka-recover na din ako sa pangyayaring di basta-basta na akala ko'y sa movie lang pero di ko ma-imagine na pati pala sa totoong buhayay pwede ding mangyari. Mas naging matatag ako at hinarap ko talaga ang pagsubok na nakakatakot. I'm doing great na kasi kaya ko na ding manuod na horror movies. God is good all the time kasi di na rin ako nakakaranas ng nakakatakot pwera sa pang-iiwan ng love ko. Hanggang dito nalang po maraming maraming salamat po, thank you spookify.
Silent reader here
A.K.A AIKA
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree