No one will know (Parts 1 & 2)

316 12 0
                                    


PART 1

You can call me Elle, not my real name. Ngayon pa lang sasabihan ko na kayo. Kung hindi kayo maniniwala, hindi ko naman kayo pipilitin. Nirerespeto ko ang bawat pinaniniwalaan nating mga tao. Again, walang pilitan 'to. Lahat ng ikukwento ko ay nangyari na at hanggang sa mapunta tayo sa nangyayari pa rin ngayon. Hindi ko na ilalagay kung anong year or months, hindi kasi ako matandain sa araw, buwan o taon. Warningan ko na kayo, medyo mahaba ito. So guys, bear with me.

Before I continue, I have one question. Gaano katatag ang pananampalataya mo?.

Gabi na at wala ng katao-tao sa kalsada habang naglalakad ako pauwi galing sa kaibigan ko. Normal naman ang mga ilang oras na nag-iisa akong bumibiyahe, pero habang naglalakad ako ay hindi ko aakalaing may mangyayaring hindi normal. Sanay na ako sa mga nararamdaman o pangmamalikmata ko. Pero hindi ko naisip na makakasaksi ako ng ganito. Napahinto ako sa paglalakad at mabilis na nagtago sa nakaparadang kotse. Mula sa pwesto ko ay pinanood ko ang dalawang taong nag-uusap. Isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay kalmadong nakikinig sa babae, pero itong babae ay halos lumuwa na ang mata dahil sa galit. Sobra ang pagpipigil ko sa sarili ko na makagawa ng kahit konting ingay, natatakot ako ng mga oras na 'yon na malaman nilang may nakikinig sa kanila.

"Nasisiraan ka ba ng ulo? Sinabi ko sa'yo na huwag na huwag mo siyang lalapitan! Pero anong ginagawa mo? Ha?"

"Hindi ko siya nilalapitan. Nasa malayo lang ako at hindi niya alam na sinusundan ko siya." Wala akong mabasang emosyon sa lalaking 'yon. Hindi ko rin alam kung sino sila at kung sino ang pinag-uusapan nila.

Kitang-kita ko ang inis sa mukha nung babae, muntik pa akong mapasigaw nang mabilis niyang hinawakan sa leeg ang lalaki. "Hindi mo nilalapitan pero sinusundan mo. Alam mo ba ang ginagawa mo? Pwede tayong mapahamak dahil sa ginagawa mo!"

Nang mga oras na yon, gusto ko ng tumakbo pauwi dahil mukhang nagkakainitan na silang dalawa. Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang aking sarili. Nagpanggap akong hindi ko sila narinig at dadaan pa lang. Nahinto silang dalawa ng medyo malapit na ako sa kanila. Iniwas ko kaagad ang tingin ko at nagkunwaring kinalkal ang cellphone ko. Ramdam ko ang titig nila sa akin, hindi ko na sila muli pang nilingon at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Pero bago pa ako tuluyang makalayo sa kanila ay mabilis akong hinarang ng lalaki. Sobrang kaba ang naramdaman ko, hindi ko alam kung paano ko ipapakitang hindi ako kinakabahan. Matagal niya akong tinitigan, nasa tabi na rin niya yung babaeng kasama niya. Muli ko pang iniwas ang tingin ko at akmang aalis na nang hawakan ako nito sa braso ko. Agad ko naman binawi ang pagkakahawak niya dahil sa lamig na naramdaman ko.

"Ano ba? Ano bang trip nyo?"

"Alam kong narinig mo kami kanina." sabi nung babae, hindi katulad kanina ay ngayon kalma na siya. Maputi at mahaba ang buhok niya, maganda rin siya sa malapitan at medyo matangkad lang sa akin.

Unti-unting nawala ang kaba ko. In-off ko ang phone ko at inilagay yon sa bulsa. "Narinig ko kayo pero hindi ko naman alam kung sino kayo at kung ano ba yung pinag-uusapan nyo. So, kung wala kayong balak umuwi sa mga bahay nyo, magpauwi kayo!" Naging mabilis ang pagbabago ng mukha ng babae, mukhang nagalit siya dahil sa sinabi ko. Nagulat ako nang ambaan niya ako at mabilis siyang pinigil ng kasama niyang lalaki, ako naman ay agad umatras dahil sa takot.

"Kumalma ka."

"Hindi ko kayo kilala at wala akong pakialam sa inyo. Tsaka pwede bang pauwiin nyo na ako? Isisikreto ko lahat ng nakita at narinig ko. Kaya please lang, hayaan nyo akong makauwi."

Isang tango lang ang natanggap ko sa lalaki, kaya dali-dali naman akong umalis at mabilis na naglakad. Simula ng gabing iyon ay tuluyan nang nagbago ang buhay ko. Hindi na naging normal kumpara sa buhay ko noon, na kahit may mga kababalaghang pangyayari ang nararanasan ko ay normal pa rin ang buhay. Pero lahat nag-iba dahil sa dalawang nilalang na iyon.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon