Relocation siteHi spookify simulan ko na agad yung kwento ko, thru messenger lang po ito ah kaya pag pasensyahan nyo na po. So eto na nga...
Year 2015 nung ma-demolish ung lugar namin sa Manila. Na-relocate naman kami dito sa isang bayan sa may Bulacan. Nung taon din na yun eh nabuntis ako. Sa mga unang buwan namin doon iilan pa lang ang mga bahay na may nakatira. Madaming naka-experience na may mga nakita o nagparamdam sa mga taong nakatira doon. Pero sakin kakaiba dahil aswang pala ang gagambala sa akin. Buwan ng Abril nung mapunta kami sa recolation namin at buwan naman ng June nung mabuntis ako. Kasabay ng paglaki ng tiyan ko ay may pagbabago din sa pag-uugali ko. Laging mainit ung ulo ko madalas kaming di magkaintindihan ng mama ko.
Isang araw nagkasagutan kami ng mama ko, malaki na tiyan ko kasi dalawang buwan na lang kapanganakan ko na. Yun na nga nagkasagutan kami tas ndi nya ako tinabihan sa papag na hinihigaan ko. Doon lang sya pumwesto sa may upuan namin na mahaba. Mga 10pm nun tulog na si mama tas ako nagbabasa ng bible para makatulog may biglang kumaluskos sa bubungan namin, yung tipong inaangat talaga ung bubong sa mismong pwesto ko. Ang ginawa ko nagdikdik ako ng bawang sabay pinaghahagis ko duon sa may bubong namin tas pati na din asin naiiyak na ako nun kasi ang hirap gisingin ng mama ko samantalang napakababaw lang kung matulog tas niyugyug ko talaga si mama nun kasi medyo sumasakit na ang tiyan ko kaya ko sya ginising.
Ma: Ano ba yun, ba't ka ba nanggigising? (galit)
Ako: May kumakaluskos sa may bubong Ma. Kung nasaan ako dun sya tatapat magkaluskos.
Ma: Naku lumipat tayo dun sa tita mo mahirap na aswang yan.Kinuha nya yung buntot pagi na nasa likod bahay namin tas pinahawak nya sakin nagmumura din mama ko sinasabi na tantanan kami at wala siyang mapapala pero parang lalo lang nagagalt ung nandun sa bubong. Kaya talagang lumipat kami dun sa may tita ko.
Ma : Tara lipat tayo dun sa tita mo may damit ba diyan ang asawa mo? Isuot mo o kaya itim o pula ang isuot mo tas mauna kana at ila-lock ko pa ang pinto.
Ako: Sabay na tayo Ma, natatakot ako Ma.
Ma: Mauna kana bilisan mo ang lakad mo pag may tumawag ng pangalan mo huwag na huwag kang lilingon kahit marinig mo ang boses ko, huwag kang lilingon.E di ayon pagbukas na pagbukas namin ng pinto ang daming asong gala duon sa may tapat namin. Habang naglalakad ako papunta sa tita ko sinusundan ako ng mga aso tahulan ng tahulan. Pagkarating ko dun sa bahay ng tita ko pawis na pawis ako kahit nakatutok sakin mga electric fan. Nataranta na rin kasi mga tao dun sa amin. Sumunod din agad si mama. Binilinan ako ni mama na mag-ingat at mabango na daw sa aswang ang tiyan ko dahil malapit na kabuwanan ko.
Paglipat namin duon di pa rin ako mapakali at di pa rin nag-aalisan yung mga asong sumunod sakin, nandun pa rin sila sa labas ng bahay ng tita ko at tahulan ng tahulan. Nung nagsabi ako ng "Lord mas makapangyarihan ka po sa aswang, ingatan mo po kami Panginoon. Alam ko po nandiyan lang kayo. Ikaw na po ang bahala saming mag-ina Lord."
Pagkatapos na pagkatapos nun guminhawa na ang pakiramdam ko tas nag-alisan na din yung mga asong gala. Eto na lang po muna pag ma-post ito ise-share ko naman sa inyo ung pagsunod ng aswang sakin sa bahay ng tita ko at yung mga kababalaghan dun sa relocation namin.Thank you, Spookify.
MaxpeinZin
Lola Cedes
Sa panahon ngayon iilan nalang ang naniniwala sa mga aswang, engkanto o kung anu-ano pang kababalaghan. Aminin na natin, di lahat ng nandito sa page ay naniniwala sa bawat kwento.
Ang ikukwento ko ay hango sa totoong karanasan ko. Maniwala ma kayo o hindi wala akong pake.
Lumaki ako sa isang malayong bayan sa South Cotabato. Oo malayo. Malayo maging kayo nang crush mo. Chika lang. Elementary days (watz up batang 90s?). Sanay na ako sa kwentong aswang, maligno, engkanto at barang. Yung Lola ko kasi ay isang albularyo (manggagamot), hindi tulad ni ex na manggagamit. Chos. Yung akala ko na normal lang noon, kamangha-mangha pala ngayong napadpad na ako sa siyudad. Saksi ako sa panggagamot ng Lola Cedes ko, may bayad iyon. Pag gumaling na yung pasyente nya binibigyan sya nito ng gulay, prutas o di kaya manok o kambing, minsan pera. Iba't ibang uri ang panggagamot ni Lola. May gamit na kandila sa kawa kung ang pasyente nito ay nakulam. Minsan naman kakausapin nya yung may mga sanib tas sasaktan. Meron din minsan pinapainom ng atay ng tuko or flying lizards kung ang pasyente nito ay malubhang karamdaman. Gumagawa din ito ng panlaban sa kulam. Hindi gumagawa ng kulam ang Lola ko (siguro pag pamilya ko lang ang may request), pero gayuma. Oo. Alam kong gawin yung dalawang orasyon. SKL.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree