PART 1Hi. It's me again, Yukari. Sequel po ito ng 'My Lola's Story'. Wala na pong part 4 yun kasi this time kasama na ako ni Lola at naging saksi na rin sa mga kababalaghang pangyayari.
Year 1996 nung ipanganak ako dito ako sa Manila. Iniwan ako ng Mama ko nung 2 months old palang ako sa Papa ko dahil walang stable job si Papa. Nung mag-2 years old ako e iniwan naman ako ni Papa kay Lola Luna. Nag-decide si Papa na pumunta ng probinsya at doon magtrabaho dahil hindi sapat ang kinikita nya sa Talyer. Sa dagat kasi mahusay si Papa. Nung mag-4 years old ako nag-decide naman si Lola na sumunod kami kay Papa sa probinsya. Doon kaming tatlo nanirahan. May alaala dito sa utak ko na hinding-hindi ko malilimutan sa maniwala kayo't sa hindi. Tuwing hapon umaalis si Papa para pumalaot at inaabot sya doon ng tatlong araw. Hatinggabi na noon, iyak ako ng iyak dahil hindi ako natimplahan ng gatas ni Lola. Nakatayo ako sa may bandang kusina namin habang umiiyak, nang may biglang malaking-malaking ibon ang bumaba sa likod ng bahay namin. Sobrang lakas ng pagaspas ng pakpak nya at sobrang lakas ng huni nya kaya napalingon at natahimik ako. "WAAAKKKKK, WAAAAKKKK, WAAAAKKKK!!" huni nya, nakakatakot. Kaya naman bigla nalang akong binuhat ni Lola at ipinasok sa kwarto. Kumuha sya ng itak, tinawag ang aso kong si Luck at Lumabas. Maya-maya ay narinig ko nalang ang paglayo ng ibon at pumasok na ulit si Lola kasama si Luck. Sabi sakin ni Lola "Wag ka na ulit iiyak. Dahil kapag umiyak ka pa ulit, kukunin ka ng malaking ibon." Natakot ako noon kaya hindi na ako umiyak. Ngunit gabi-gabi ay palagi nang nasa likod ng bahay namin yung ibon at hindi ako nakakatulog. Kaya naman nagpasya si Lola na iuwi nalang ulit ako sa Manila. Naiwan si Papa sa Probinsya at dito naman kami sa Maynila. Kasa-kasama ako ni Lola sa lahat ng pupuntahan nya dahil hindi nya ako pwedeng iwang mag-isa. Kaya kahit may papaanakin sya e kasama ako. Nung mag-11 years old ako, naiiwan na ako sa bahay dahil may kasama na akong kapatid ko. Madaling araw noon ng may sumundo kay Lola sa bahay dahil may manganganak. Kapag ganun na umaalis sya ay hindi ako natutulog hangga't hindi sya bumabalik. Pagkauwi nya kinabukasan kinuwento nya sakin yung naging karanasan nya dun sa bahay ng pinaanak nya. Sabi nya aswang daw yung tiyahin ng pinaanak nya, dahil habang nagle-labor na daw yung buntis e nagtataka si Lola bakit daw ayaw pang lumabas ng baby e ang lapit-lapit na daw ng ulo. Hirap na hirap yung buntis sa pag-iri, maya-maya nagulat si Lola kasi may kumakalmot ng nakasaradong bintana. Pilit na binubuksan, sobrang lakas ng pagkakakalmot, at nakakangilo. Maya-maya ay sumigaw daw yung buntis nang "Tiya mamaya kana pumasok! Ayaw lumabas ng baby ko kasi nandiyan ka! Maaa! Paalisin nyo si Tiya!" Maya-maya ay nawala yung pagkakalmot sa bintana kaya nakalabas agad yung baby, pero nung umiyak na yung sanggol, doon na naman nagsimula yung pagkalmot pero this time sa pinto naman. Parang gigibain nya daw yung pinto kaya matapos malinis ang sanggol ay pinagbuksan na sya ni Lola ng pinto. Matino naman daw yung itsura nya medyo may edad na. Tumakbo daw agad ito papasok at lumapit sa baby na nakahiga na sa tabi ng nanganak. Nagsalita daw si Lola "Amoy-amoy lang ha. Apo mo yan." Tumingin lang daw yung matanda kay Lola. Maya-maya ay pumasok na rin yung mga magulang at asawa ng nanganak kaya umalis na din si Lola at umuwi na.
Makalipas ang ilang buwan lumipat sila Tita Momo ng bahay malapit samin. Buntis si Tita Momo at inaaswang sya. Noong una hindi ko alam kung bakit pinipilit nya ako na samahan siyang matulog sa bahay nila. Wala kasi yung asawa nya tuwing gabi dahil minsan out of town ito kasama ng Boss nya, kaya naiiwan si Tita Momo kasama ang dalawa niyang anak. Hindi nya sinabi sakin nung una na inaaswang sya dhil ayaw niyang matakot ako. Isang gabi habang natutulog kami nagising ako dahil bumangon si Tita Momo. Nakaharap sya sa may pader na may butas (yung butas na naka-design na sa pader, madalas makikita sa lababo or cr. yung mukhang bintana), may ganun kasi silang bintana sa tapat ng kama kaya pag tumayo ka or umupo mapapatapat ka talaga doon. Bumangon si Tita Momo para umihi pero para siyang nanigas sa pagkakaupo nya sa kama. Nung hahawakan ko na sya sa balikat nya bigla siyang sumigaw kaya nagulat ako. Pagkaharap nya sakin umiiyak sya at sinabing may aswang daw. Nakita daw nya doon sa butas kaya naman dali-dali kong kinuha yung flashlight at itak saka binuksan ang pinto at lumabas. Pero laking gulat ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita kong lumabas sa makipot na eskinita ang isang matandang lalaki. Tumingin lang sya sakin sandali at naglakad na rin papalayo. Sobrang takot yung naramdaman ko nun. Kaya naman matagal-tagal bago ako nakabalik sa ulirat nung sumigaw si Tita Momo at tawagin ang pangalan ko. Sinilip ko yung eskinita sa may gilid ng bahay ni tita Momo kung saan nakapwesto yung bintana nila nagulat ako ng makita ko kung gaano kakipot yung daan. Maski nga ako hindi magkakasya doon e. Pero yung matanda na yun doon sya lumabas. Nagtaka ako, paano siyang nagkasya dun e ang laki ng tiyan nya at medyo mataba sya. Matanda na yung lalaki. Mga nasa 50s. Nakikita ko na sya dahil asawa sya ng isa ring kumadrona. Kinabukasan pagkagising ko ng umaga, wala sa kama si Tita Momo kaya dali-dali akong bumangon at sakto namang paglabas nya sa cr. Umiiyak sya at biglang bumulwak yung dugo galing sa pwerta nya kaya naman tumakbo ako papunta sa bahay namin at tinawag si Lola. Pagkarating sa bahay nila tita Momo ay inasikaso agad sya ni Lola, inihiga sya sa kama at nilinis yung nagkalat na dugo. Kitang-kita ko yung fetus, nakunan si Tita Momo. Nilagay ni Lola sa garapon yung fetus at dinala sa Hospital si Tita Momo. Nang ma-i-confine si Tita Momo sa Hospital ay siyang dating ni Tito Jes (asawa nya) umuwi kami ni Lola at inempake namin ang iba nilang gamit at sinabi ni Lola kay Tito Jes na ilayo muna si Tita Momo doon. Sa probinsya muna sya pinagpahinga para hindi rin sya masyadong malungkot sa pangyayari. Tinanong ako ni Lola kung ano ang nangyari at inilahad ko naman ang lahat. Walang labis at walang kulang. Galit na galit si Lola kaya sinugod nya yung bahay ng matanda pero yung asawa nyang kumadrona ang humarap sa amin. "Ilabas mo ang asawa mo Nora! Alam kong alam mong inaswang nya ang anak ko. Parehas tayong kumadrona at obligasyon natin na magligtas ng buhay ng mag-ina pero bakit mo pinabayaang patayin nya ang apo ko?!" Grabe. Galit na galit si Lola kaya inawat ko na sya at sinabing ipagpasa Diyos nalang, kaya kahit papaano ay kumalma naman si Lola. Pero ako yung pinakana-trauma sa mga nangyari at nasaksihan ko kaya hindi ako nakakatulog ng maayos sa gabi. Natatakot akong matulog dahil nakikita ko yung mukha ng aswang at yung fetus. Kaya naman hindi ko pinapatulog si Lola hangga't gising pa ako dahil pakiramdam ko ay may mata na nakatingin sakin. Dinala ako sa rehab para mapabilis ang paggaling ko dahil pati pag-aaral ko naapektuhan. Hindi na ako pumapasok sa school dahil palagi akong tulala at bigla nalang iiyak. Pero hindi yun nakatulong dahil mas lalo lang akong natakot kaya iniuwi nalang ulit ako at pilit nililibang sa ibang bagay. Pinabantayan ako ni Lola kay Tito Rey kaya naman ng Lumipas ang ilang buwan ay nawala na rin sa isip ko yun. May isang gabi na inutusan ako ni Tito Rey na bumili ng softdrinks medyo late na rin kasi yun kaya madilim na sa daan, habang naglalakad ako ay may tumawag sakin kaya napahinto ako. Lumingon ako at nakita ko nga ang isang kakilala nung iharap ko na muli ang paningin ko ay may malakas na hangin ang dumaan sa harap ko at purong kulay puti ang nakita ko. Masyadong mabilis pero nakakakilabot dahil nagtayuan ang lahat ng balahibo ko at hindi agad ako nakagalaw. Kaya naman nung may makita akong kapitbahay na lumabas ng bahay nila ay agad akong tumakbo. Pinagpapawisan ako at nanginginig ang mga kamay habang bumibili ng softdrinks at tumakbo ulit ako pauwi. Pagpasok ko sa pinto namin ay umiyak ako at sinabi sa Lola ko ang nakita ko kaya naman pinagalitan nya si Tito Rey dahil gabi na daw ay pinapalabas pa ako. Akala ko nung una sa probinsya lang may mga engkanto or aswang. Sabi naman ni Lola kahit saang lugar daw ay meron. Bihira nga lang silang magparamdam o magpakita dahil maingay ang Maynila. Makalipas na naman ang ilang taon ay bumalik kami ni Lola Luna ng probinsya para doon tapusin ang high school ko dahil nandoon si Papa. 3rd year high school na ako nung mag-transfer ako doon. At doon na ako nagkaroon ng sariwang karanasan na hinding-hindi ko malilimutan.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree