My Lola's Story (Parts 1-3)

169 6 0
                                    


Part 1

Hi I'm Yukari. Silent Reader po ako ng Spookify. Kaya naman na-trigger na din akong magkwento. Hehe. Actually, this is not my self experience. May mga experiences din po ako pero gusto ko munang i-share yung mga shinare sakin ng Lola ko. Year 1970, she was 14 years old that time nung ipagkasundo syang ipakasal sa isang kilala ring pamilya. 1/4 ng dugo ni Lola is Kastila kasi half Kastila yung mama nya na Lola ko sa Tuhod (Alice) kaya naman sobrang Puti nya. Maitim ang kanyang manipis at mahabang buhok. Maraming nagkakagusto sa kanya ngunit wala pa syang napupusuan. Nung bata pa daw ang lola ko sya ang paboritong anak ng Lolo ko sa tuhod (Rap). Sya ang sinasama sa bukid dahil hindi sya maarte at talagang para syang lalaki kung kumilos. May malawak na sakahan at lupain na pag-aari sila Lolo Rap kaya masasabing angat sila sa buhay. Sa sobrang bait ni Lolo Rap maraming nakakakilala sa kanya. Pero namatay si Lolo Rap ng dahil sa sakit sa atay kaya kinailangang ipakasal si Lola nung nag-14 sya. Hindi kayang pamahalaan ni Lola Alice ang sakahan dahil wala syang alam sa pamamalakad nun. Lola ko ang nakakaalam kasi sya ang madalas na kasama ni Lolo Rap, pero dahil nga bata pa sya walang silbi ang kaalaman nya kaya ibinenta ni Lola Alice ang lahat ng ari-arian na ipinundar ni Lolo Rap na para sana sa kinabukasan nila lola. Kaya naman nagpakasal na din ang ibang kapatid ni lola ng sa gayon ay mabawasan ang bigat ng pamilya. Nung nalaman ng Lola ko na ikakasal na sya sa murang edad sobra syang nalungkot. Naging loner sya. Palaging malungkot at gusto ay palaging nag-iisa. Paborito nyang isuot ang red dress na regalo sa kanya ni Lolo Rap at madalas syang tumambay sa Kakahuyan. Inaabot sya ng takipsilim sa kakatingin lang sa mga punong malapit sa Bangin. Kaya naman kung sinuman ang mapadaan dun ay napagkakamalan syang diwata. Kaya naman pinilit na magpakasal na sya upang makaluwas na din ng Maynila sila Lola Alice kasama ang bunso nyang anak na babae at lalaki. Nung araw ng kasal. Pagkasakay ni Lola sa Bangka suot ang kanyang trahe de boda patungo sa tawid na isla kung saan gaganapin ang kanilang kasal ay biglang nag-backout si lola. Bumaba sya ng bangka at nilusong sa dagat ang kanyang gown pabalik. Tumakbo sya ng tumakbo papuntang kakahuyan hanggang sa marating nya ang bangin. Hinubad nya ang kanyang trahe de boda dahil ipinanloob nya ang kanyang pulang bestida. Inisip nyang wakasan na ang kanyang buhay kaya naisip nyang tumalon. Nung ipikit nya ang kanyang mata at ihanda ang sarili sa pagtalon, may isang matinis na boses daw syang narinig. Tinawag ang pangalan nya at malinaw na sinabing "Luna Wag!" Sobrang tinis ng Boses at Malamig sa Pakiramdam dala na rin ng katahimikan sa kakahuyan. Lumingon sya sa paligid ngunit wala syang nakita. Umupo daw sya at nanalangin. Nang matagpuan sya ng mga tauhan ng mapangangasawa nya ay wala na syang nagawa kundi sumama. Natuloy ang kasal at nagsama sila. At dito nagsimula ang mga kababalaghan at kalbaryo sa buhay ng Lola ko na nagpatatag sa pananampalataya nya sa Diyos.
Haba na, sundan ko nalang sa susunod. Pasensya na ito po muna para may ideya kayo sa susunod kong ikukwento. Thankyou.

Part 2

Konichiwa. Ayun nga po nagsama ang Lola Luna ko at ang napangasawa nyang si Lolo Cris. Hindi nila minahal ang isa't isa. Hindi sila nagkakasundo sa maraming bagay. Kaya naman laging umaalis ng bahay si Lolo Cris para makipag-inuman at mambabae. Naiiwan palagi mag-isa si Lola Luna sa bahay. Gayunpaman nagsisiping sila at nagdalang-tao ang Lola ko. Habang ipinagbubuntis nya ang panganay nyang anak, may kakaiba syang naging abilidad. Kaya nyang makarinig ng yabag ng mga paa kahit gaano pa ito kalayo at kaya din nyang kilalanin kung sino ang nagmamay-ari ng yabag. Nature Lover si Lola kaya mahilig syang tumambay sa Kakayuhan o di kaya'y sa tabing dagat. Sa tuwing maririnig nya ang mga yabag ng paa ni Lolo ay nakakauwi sya agad, nauunahan nya palagi si Lolo dahil nga sa abilidad nya. Dahil sa probinsya sya nagdalang-tao uso ang mga kung anu-anong aswang or engkanto. Madaling araw palang nagigising na ang lola ko upang mag-asikaso. May mga yabag syang naririnig sa palibot ng bahay nila ngunit hindi daw nya mawari kung kaninong yabag ito. Dahil bukod sa bago sa pandinig nya, nararamdaman daw nyang malaking nilalang ang may-ari ng yabag na ito. Ipinagwalang bahala nalang nya ito at hindi na pinansin pa. May isang gabi na sinundo nya si Lolo sa isang inuman. Galit na galit sya sapagkat pinabayaan na naman sya nitong mag-isa gayong buntis sya. Habang naglalakad sila pauwi. Napansin ni Lola ang isang puno ng niyog na nakatumba at sa pinagputulan ng puno ay may umuusok. Buong akala ng Lola ko na sinisigaan lamang ang pinakaugat ng puno. Ngunit nung tumayo ito at makita nya ang dalawang malaking mata ay nanghilakbot sya. Isang Kapre. Sinabi nya iyon sa mga kasama nya at kay Lolo kaso parang abnoy si Lolo kasi nga nakainom. Kinaladkad sya ni Lola at umiba ng daan. Habang tumatakbo sila sa kadiliman. Sinigawan ni Lola yung kasama niyang babae "Patayin mo ang Flashlight mo!" Ika nya. "Ba't ko papatayin? E ang dilim lalo natin siyang hindi makikita kung papatayin ko ang flashlight!" Sigaw ng kasama nya "Basta sumunod ka nalang!" Sagot ni Lola.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon