Magandang araw po! Faith at your service from Pampanga. This confession is about my first cousin and childhood friend, Lilac.Si Lilac ay isang pipi. Maganda siya, kagaya ng kanyang ina. Siya'y mayroong mga magagandang mata na parang laging nakangiti, maputi at makinis na balat, at bagsak na buhok (square ang style, hanggang sa baba niya). Mabait naman siya, mahirap nga lang pakisamahan lalo na kung hindi ka marunong mag-sign language.
Madalas akong lumipat sa balkonahe nila para makipaglaro kay Lilac. Kapag nag-aaral ako, palagi akong nagtatabi ng pera sa baon ko upang bilhan siya lagi ng isang lollipop. Kaya tuwing nakikita niya akong parating, tuwang-tuwa siya dahil alam niyang mayroon akong ibibigay sa kanya. Mahilig din kaming maglaro ng habulan, taguan, piko, siyato, patintero kasama ang iba ko pang kababata. Madalas ay tinuturuan ko siyang magsulat ng pangalan niya at numbers.
Hindi na sya katulad ng dati at naging bugnutin mula ng mamatay ang nanay nya. Madalas ko syang naririnig na umiiyak sa gabi (kasi nga dingding lang pagitan namin).
Makalipas ang 2 taon, sampung taon na ako non at si Lilac naman ay 9. May nakilala si Tito Ben na Bisayang bakasyonista samin, nagligawan at nagsama sila. Siya si Soledad, 8 taon lang ang tanda sakin. Tanggap naman ni Soledad ang kalagayan ng Tito ko at minahal nya sila na parang tunay na anak. Pero sadyang ayaw sa kanya nina Kuya Ronnie at Kuya Robin. Lalong di nila kinausap ang ama nila. Pero ginawa naman ang lahat ni Soledad para magustuhan sya ng mga ito. Buong tiyaga nyang inalagaan si Lilac kahit na madalas pag pinapakain nya ito ay tinatapon nya at nananakit. Pero pag lumilipat naman ako sa kanila ay masaya sya.
Buwan ng tag-ulan noon araw ng sabado, nangunguha kami ng bayabas sa bakuran ng isa ko pang kababata at pinagtatabi ko si Lilac. Napasilip ako sa balkonahe nila, nakalabas ang ulo nya at kinakawayan ako. Nung wala ng hinog na bayabas ay bumaba na ako, umuwi, naligo at nagbihis. Masaya akong palipat mula sa balkonahe namin papunta sa kanila. Nakita ko na parang may kausap sya base sa kanyang kilos pero wala namang tao. Nakita ko syang pailing-iling. Alam ko na normal ang isip nya kaya di ko inisip na nasisiraan ito ng bait. Saka ko tinanong kung sino ang kausap nya (sign language). Sabi nya ang nanay nya, kinilabutan ako at in-explain ko sa kanya na wala na ang Nanay nya at di na ito babalik. Napasimangot sya pero nung binigay ko ang bayabas nya, sumaya na sya. At handa na rin syang magsulat kami. Lagi akong matiyaga na turuan sya.
Pagsapit ng Linggo ay nagsimba kami ng pamilya ko sa umaga, after lunch nagkabisita kami. Ang kumpareng doktor ng Tatay ko, ninong ko. Naririnig ko nun tinatawag ako ni Lilac pero di ako nakapunta.
Dumating ang araw ng Lunes, naghahanda kami ng mga kapatid ko sa pagpasok. Nakarinig kami ng kumosyon sa kanila hanggang sa narinig namin ang boses ni Tita Soledad na umiiyak. Araw-araw namamasada ng jeep ang Tito ko kaya wala na sya non sa bahay nila (di na sya nagbalik pa sa Saudi mula ng mag-suiside ang una nyang asawa). Mabilis na lumipat sa kanila ang mga magulang ko. Sumunod ako at nakita ko ang Tatay kong buhat-buhat si Lilac habang inutusan si Kuya Ronnie na tawagin ang Tatay nya sa terminal. Mabilis na dumating ang Tito ko at agarang sumakay naman ang Tatay ko kasunod si Tita Soledad na nakita kong may dalang tuwalya na nakatakip sa damit nyang may dumi. Umuwi samin ang Nanay ko para sya ang maghatid sakin sa school. Tinanong ng isa kong ate kung ano ng nangyari. Sabi ng Nanay ko masakit daw ang tiyan ni Lilac at suka ng suka. Tuloy-tuloy ang Nanay ko sa batalan at parang narinig kong dumuduwal. Nagtinginan kami ng mga kapatid ko.
Nung nasa school na ako at nagkaklase, naiisip ko pa rin si Lilac. Pinagdasal ko nalang na nawa'y bumuti na ang lagay nya. Bandang 10am ay bigla akong nakaramdam ng panlalamig at mabilis ang tibok ng puso ko. Di ako mapakali at naiiyak ako na di ko alam kung bakit. Hanggang sa umabot ang uwian at nakita ko ang Nanay ko sa may gate ng school. Nagmamadali akong lumapit at tinanong ko kung ok na si Lilac. Tumango lang ang Nanay ko. Sa daan ay nakita kong may mga tao sa tapat nila at ang Nanay ko'y mabilis akong inakay samin. Sabi ng Nanay ko nagpapahinga daw si Lilac, ako naman ay kumain na kasi may pang-hapong klase pa ako. Nung labasan sa hapon ay di ako nasundo ng Nanay ko kaya sumama nalang ako sa mga kaklase ko. Mula school kasi ay diretsong daan yun pauwi, malayo pa kami ay napansin ko na may mga lalaki at sasakyan sa tapat nila na may dinidiskargang gamit, may naglalagay ng tolda sa daan at naalala ko yung mga gamit na dala nila ay nakikita ko pag may patay. Kaya mabilis akong tumakbo papasok sa bakuran nila. Alam nyo yung para kang lumalangoy sa mga tao? At nililinis mo ang dinaraan mo? Ganun ang ginawa ko. Pagpasok ko may nakita akong ataul na puti sa may sala nila. Kumakabog ang dibdib ko. Iginala ko ang aking mga mata at nakita ko ang buong mag-anak pwera lang si Lilac. Nanginig ang buong katawan ko at nanlambot ang aking mga binti habang palapit nang palapit ako sa kabaong. Parang lalabas na ang aking puso sa sobrang bilis ng pintig nito at naramdaman ko ang mga luhang tumutulo mula sa aking mga mata. Diyos ko... tama nga ang hinala ko. Nakita ko si Lilac na nasa loob ng ataul habang nakangiti sa akin, suot ang puting bestida. Napakaganda niya pa rin, para lang siyang natutulog. Hanggang sa lumakas na ang aking pag-iyak, at yumakap ako sa kabaong at pilit kong binubuksan ito dahil gusto kong ibigay sa kanya ang pasalubong kong lollipop. Sa sobrang sakit na nararamdaman ko ay kung anu-ano na ang sinasabi ko. Wala akong pakialam sa mga taong nakatingin sa akin.
Sabi ko sa kanya, "Gumising ka Lilac! Diba maglalaro pa tayo? Tuturuan pa kitang magsulat diba? Mayroon akong dalang pasalubong para sayo. Eto oh, bibilhan kita araw-araw kahit di na ako mag-recess..."
Hanggang sa maramdaman ko nalang na hinihila ako ng nanay ko palayo sa kabaong, katulong ang isa kong kuya. At nagpapabigat akong umupo sa lupa at naglulupasay habang sinisigaw ang pangalang ng pinsan ko. Hanggang sa kinarga na ako ng Kuya ko, parang nagkarga ng baboy na kakatayin at maiuwi ako. Sa gitna ng aking pag-iyak ay pinaliwanag sakin ng Nanay ko ang mga pangyayari. Napatingin ako sa 3 kong Ate at umiiyak din sila. Sinabi rin ng Nanay ko na hindi na ako pwedeng magbalik doon, lalo akong naiyak non. Yun na pala ang huli kong makikita ang pinsan ko. Kahit daw ang mga kalaro ko ay bawal lumapit. Binawalan sila ng Nanay nila. Matatanda lang ang pwede.
Kinagabihan, umuwi ang nanay ko mula sa lamay, nagkwento sya samin. Nung sinugod daw si Lilac sa ospital ay suka sya ng suka ng mga bulateng iba't iba ang laki, may putik din syang sinuka hanggang sumuka daw ng dugo. Kwento rin nya bago daw sya umuwi ay may nangyari. Bigla daw syang tinawag ni Tita Soledad mula sa kusina at mukhang takot. Kasi may mga kutong naglalabasan sa ulo ni Lilac. Lumapit daw ang Nanay ko at binulungan ito. "Nak tago mo ang mga kuto mo, makikita ng mga tao." Ilang saglit lang daw ay nagbalikan ang mga ito at di na lumabas. Tatlong araw lang ang burol nya, sa araw ng libing, 10am, ako naman non ay papasok sa school angkas ng bisikleta ng Tatay ko, sa likod ako nakaangkas. Napatingin ako sa tapat nila at sa balkonahe,bnakita ko si Lilac na suot ang puting bestida, nakangiti at kumakaway sakin. Sinabi ko yun sa Tatay ko at sabi masaya na daw si Lilac. Ngayon ay may kanya-kanya ng pamilya ang mga kapatid ni Lilac at nagkaanak ng tatlo si Tito Ben at Tita Soledad. Napatawad na rin si Tito Ben ng dalawa kong pinsan.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HororThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree