Ang MedRep
Story by: Vin Sec
Location: Lower Cavite
Date: Dec. 16, 2018Pagkatapos ko bumalik ng Japan, wala akong inaksayang panahon para maghanap pansamantala ng trabaho. Dahil na linya na rin naman na ako sa pharmaceutical industry, sinubukan kong mag-apply bilang MedRep, Fortunately I was choosen to cover the area of Cavite, in short natanggap ako.
Hindi biro ang maging MedRep, lahat kasi ng hospital within the vicinity of your area ay kailangan mabisita mo at ialok mo ang products mo sa mga doctor sa dami at bigat ng kumpetisyon kailangan magaling at matatag ka para mapansin ka at i-reseta ang gamot mo sa mga pasyente, kailangan ligawan mo si doc para mapa-oo mo siya.
Sampung buwan na ang lumipas kahit paano nakakabisado ko na, mula sa product detailing, kasamahan sa trabaho (kapwa MedRep) ruta ng hospital na iikutan mo at mga doctors na kailangan na kailangan mo.
Ginabi na ko sa pag-e-area palibhasa cut off na (habulan ng benta sa month end) konti palang ang benta ko kaya sinagad ko na ang pagko-cover sa hospital pasado alas nuebe ng gabi ng nasa hospital pa ako. Tinanong ko yung secretary ni doc kung ilan pa ang pasyente nya kasi sa trabaho namin pasyente muna bago kami i-entertain ni doc. Sumagot naman yung secretary nya 5 pa. Dahil medyo matagal pa at alam ko na 1 oras pa ang aantayin ko umikot muna ako sa hospital, sanay naman na ako sa ganun makakita ng mga duguan lalo na sa er nag-aagaw buhay dahil sa atake sa puso, mga nasagasaan, lahat yan naranasan ko na makita sa hospital at hindi na bago sakin yun. Makalipas ang isang oras nakasalubong ko si Dra Caridad.
"Good evening Dra."
Tumungo lang siya sakin
"Dra, Kamusta na po?"
Muli hindi siya sumagot. Inisip ko baka mag-rounds lang.Nagdesisyon na ako na bumalik kay Doc na kailangan kong lampas isang oras na rin naman siguro tapos na ang mga pasyenteng nagpa-check up sa kanya.
Napansin ko sa labas ng hospital na malakas na ang ulan, kaya naglakas loob na akong magtanong sa secretary.
"Ma'am pwede na po ba mag-cover kay Doc! Kasi po malakas na ulan sa labas at ako lang talaga ang MedRep na nandun nag-aantay sa kanya." Sumagot naman ang secretary.
"Sige, pumasok ka na sa room 201 nandun siya."
Nabigla ako!
Me : "Bakit Room 201?"
Sec : "Nandiyan siya eh"
Me : "Sa Morgue talaga Ma'am?"
Hindi na ako tutuloy.
Sec : "Bahala ka! Ayaw mo bang magbigay respeto sa kanya bago siya paglamayan?"
Me : "Kanina lang 5 pasyente nya eh tinanong ko pa sa secretary niyang si Mia kaya nga umikot pa ako"
Sec : Ano ka ba? Anong pasyente sinasabi mo? Dalawang araw na silang patay! Hindi mo ba nabalitaan na na aksidente silang dalawa habang pauwi ng bahay? At ang masakit pa dun pati si Dra. Caridad inatake sa puso ng malaman nya namatay si Dr×××× dahil matalik silang magkaibigan."Me : "Pero may mga pasyente talaga kanina at yung si Mia na secretary kausap ko kaya impossible ang sinasabi mo!"
Sec : "Sino bang mga pasyente ang sinasabi mo?"
Me : Hindi ako nakahinga that time, iniisip ko lahat ng nangyari. Paano yun? Nakita ko pa si Dra. Caridad at Mia. At may 5 pasyenteng akong nakita na magpapakonsulta. Sino ang mga pasyente na yun?Umuwi akong basang-basa.
Hanggang ngayon iniisip ko paano nangyari yun?.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree