Hi guys. It's me again, Anne. Ako yung nag-send ng "Dorm". I wanna say na hindi ako diet. Charot lang iyon. Haha. Anyway, this is just another story. Hindi ito part two ng Dorm. Sorry sa pagtawag kong weird kay Sheila, it's one of our jokes pag magkakasama kami. Mianhae. Tsaka bago ako mag-start ng kwento ko about sa Bicol, gusto ko lang mag-hi kay Mariz. I miss you Mariz baby, uuwi na ako huwag ka nang magalit. Hahaha. So nagalit si Mariz nung nalaman nyang Bi ako. Bakit daw hindi ko sinabi maiintindihan naman daw nya ko. Thank you Admin sa pag-post ng una kong story.So ito na yung story. Umuwi na ako samin pagkatapos ng semester. Anyway, taga Cavite ako. (Recently lang ito nangyari guys) Nasa kalagitnaan ako ng bakasyon habang namimiss si Mariz nang tumawag kay mama yung mga kamag-anak namin sa Bicol. Patay na daw yung nanay ni Lola kaya lahat kami nataranta, nalungkot at sobrang naiyak. Kahit may sakit na yung lola ko, hindi pa rin namin matanggap kasi sobra namin siyang mahal. Sunday tumawag yung kamag-anak namin sa Bicol tapos Monday palang umalis na agad kami papuntang Bicol. Papa ko lang kasama ko tsaka yung iba kong tito, tita at mga pinsan. Hindi sumama si mama since sya magbabantay kay lola sa bahay. Hindi na kasi kayang bumiyahe ni lola ng malayo. Nakarating kami sa Bicol ng gabi na kahit maaga palang umalis na kami. Nagligpit agad kami ng mga gamit nang makarating kami. Medyo malaki yung bahay ni lola (yung namatay). May limang kwarto. Tatlo sa taas tapos 2 sa baba. Sa taas yung kwarto ng mga tita ko na taga Bicol. Tapos dun sa dalawa pang natira, dun sa mga kamag-anak ko na kasama namin. Dun naman sa baba, yung iba naming kamag-anak na galing din sa ibang lugar. Malawak yung space sa baba ng bahay ni lola since dalawa lang naman yung kwarto sa baba. Malawak yung pinagbuburulan. May divider na kahoy, sa kabilang side, yung pinagbuburulan tapos sa kabilang side yung dalawang kwarto. Dun kami sa isang kwarto. 8 kaming magpipinsan na dun matutulog. Malawak naman yung kwarto. Tapos yung kama kasya 3 tao. Tapos naglatag kami ng kutson sa sahig para sa 5 pang tao. Bali ang nakahiga sa kama ay sila Camille, Jing at Angela. Tapos sa kutson sa sahig ay ako, Josh, Aya, Mhel at Kian. Since lalaki sila Kian at Josh, mejo nakahiwalay yung kutson nila tapos may nakaharang pang mga unan. Sila Camille, Jing at aya yung taga Bicol talaga tapos kaming nasa sahig yung galing Cavite. Nagkukuwentuhan lang kaming 8 sa kwarto nang kumatok yung isa sa mga tita namin na taga Bicol. Lumabas daw muna yung iba samin para bantayan si lola. Si papa kasi yung nasa may pinagbuburulan pero sabi ni papa matutulog daw muna sya. Gabi na non kaya nakaalis na yung mga tao na bumibisita kay lola. May pamahiin kasi sila na bawal daw iwan yung patay. Dapat daw laging may bantay at dapat gising yung bantay. Since hindi pa kami inaantok magpipinsan, lahat kami lumabas sa kwarto para bantayan si lola.
Lahat kami nakaupo sa sofa since madaming sofa sa sala nila lola. Hanggang sa magtanong si Aya kung bakit daw dapat may bantay sa patay. "Ang sabi kasi ng mga matatanda, pag walang bantay yung patay, lalapitan yon ng aswang tapos papalitan ng katawan ng puno ng saging yung patay. Kaya dapat din laging gising yung bantay kasi nakakakilos din ang mga aswang pag tulog yung bantay." Sagot naman ni Camille. Seryoso naman akong nakikinig since madami na akong creepy experiences. "So bakit tayo nagbabantay? Pwede namang sila tita, nasa taas lang naman sila." Sabat naman ni Josh. Umangal agad si Angela kesyo bakit daw ganon si Josh eh pagod sila tita. "Don't get me wrong, mga insan. Kaya ko lang naman sinabi na sila tita na lang magbantay kay lola kasi natatakot ako." Tumawa naman kaming walo kasi napakaseryoso ni Josh tapos ganun sya.
"Naririnig nyo yon? May tiktik sa labas." Sabi naman ni Jing. Parang simple lang sa kanya yun kasi hindi man lang nagbago yung expresyon ng mukha nya. Ang sakin lang, basta walang tunog na parang pumapatak na tubig, ok na sakin. May trauma na yata ako. Haha.
"Natural lang naman yon eh. May patay kasi." Sabi naman ni Camille. Tapos may sinabi pa sya kaso Bicol yung salita nya kaya hindi ko naintindihan. Pag nagbibicol sila, silang tatlo lang din nagkakaintindihan. Maya-maya pa nawala na yung tunog na parang sa tiktik sa palabas. Kaya nagkwentuhan ulit kami. Alas 12 na pero nasa sala pa rin kami. Hanggang sa sinabi ni Kian na inaantok na daw sya tapos sabi nila Camille huwag daw kaming sabay-sabay matulog kasi walang gising na bantay si lola. Baka daw palitan ng katawan ng saging yung katawan ni lola. "Kung magtulog-tulugan kaya tayo. Tapos abangan natin kung darating yung aswang? Tapos pag dumating yung aswang sabihin natin surprise motherf*cker!" Pagjo-joke ni Josh kaya tumawa ulit kaming lahat. Hanggang sa bumaba na yung isa sa tita namin para sya na daw magbantay kay lola.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree