Hi, Spookifiers! Didiretso na ako agad sa kwento, ah? Itago nyo na lang ako sa pangalang "Shy". Saleslady ako sa isang shopping mall sa Cavite. Everything seemed normal at first, hanggang sa may—medyo lang naman—unusual na nangyari sa 'kin isang araw. Habang busy akong nag-aayos ng items ko, bandang hapon, tinawag ako ng kapwa ko saleslady. Kilala ko ang boses niya since siya pa lang naman ang ka-close ko kasi bago pa lang ako sa trabaho that time."Ate Shy!"
Hindi ko siya pinansin. Alam ko naman na lalapit rin siya. Araw-araw niya kasi akong tinatawag kapag may customer na magpapa-assist sa 'kin, sabay hahanapin ako kapag hindi niya ako nakita. Maya-maya ay inulit niya ang pagtawag sa 'kin.
"Ate Shy!"
This time, sumagot na ako kahit hindi ko siya nakikita. "Bakit, beh?"
Bahagya pa akong tumigil sa ginagawa ko. May customers rin sa paligid na nakikita at naririnig ako. Dahil wala naman akong narinig na sagot mula sa kanya, pinuntahan ko na lang siya. Baka importante talaga, eh. Pagpunta ko sa area niya kung saan rin nanggaling ang boses niya, wala akong nakita. Walang saleslady na nakatayo at hinahanap ako. Nagtaka ako. Sure akong narinig ko siya, eh. Mas tumindi ang pagtataka ko nang makita ko siya na naglalakad galing sa warehouse ng mall papunta sa 'kin. Walang kahit ano sa isip ko kundi pagtataka lang. Nang tanungin ko siya kung siya ba ang tumatawag sa 'kin kanina, hindi ko alam kung ano'ng iisipin ko sa sagot niya.
"Hindi po, Ate. Kanina pa ako nasa bodega."
Tinignan ko ang bitbit niya at nakita kong items nga 'yun na malamang ay galing sa warehouse at kinuha niya para i-display. Binalewala ko ang pangyayaring 'yun. Hindi ko sinabi kahit kanino kasi baka walang maniwala sa 'kin. Inisip ko rin na baka pinagtitripan lang ako ng katrabaho ko dahil sadyang maloko ito.
Ilang araw ang lumipas at naging normal ang lahat.
-- Yun ang akala ko.
Nasa loob ako ng warehouse para kumuha ng gamit na kakailanganin ko. Kasama ko doon ang isa kong katrabahong lalaki na kukuha rin ng items niya para i-display. Nag-uusap kami pero mahina lang kasi baka marinig kami ng manager namin na nagchi-chismisan. Madalas kasing mag-ikot ang manager namin kaya mahirap na. Habang nag-uusap kami at nagbubutingkay ng kung anong mga kailangan namin sa loob ng warehouse, biglang lumapit 'yung isa pa naming katrabaho na babae. Tumingin siya sa amin kaya nagtaka kami. Kinabahan nga ako kasi baka nakita kami ng manager na nagdadaldalan.
Maya-maya, tanong ng babaeng katrabaho namin, "Sino 'yung tumawa?"
Nagkatinginan kami ng katrabaho kong lalaki. Wala namang tumatawa sa amin.
Nang sabihin naming wala, sinabi niya ulit, "Hindi, narinig ko, eh! May tumawang babae."
Sa pagkakataong 'yun, aaminin ko na tinablan na ako ng kaunting takot. Alam ko at ng kausap ko na hindi ako tumawa. Pilit nga naming hinihinaan ang mga boses namin, eh.
"Hindi po ako 'yun, Ate." Sabi ko na lang.
"Pramis, narinig ko talaga. Du'n sa bandang gilid, oh!" Sabay turo niya sa madilim na part ng warehouse na maraming tambak na items. "Akala ko nga ikaw (ako), eh."
Hindi siya 'yung tipo na magsisinungaling para lang manakot. Palangiti siya pero hindi siya maloko tulad nang isa kong katrabaho. Kahit nag-aalangan, napagdesisyunan kong ikwento sa kanila ang nangyari sa 'kin nu'ng isang araw. Doon ko lang nalaman na marami pala sa mga katrabaho ko ang nakaranas na rin ng ganito.
Tatlong buwan na ako sa trabaho ngayon at masasabi kong hindi pa rin ako nasasanay sa mga kakaibang nangyayari sa mall kung saan ako nagtatrabaho. Oo, marami pang nangyari. At oo, marami rin akong nalaman na kwento. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng 'yun o gawa-gawa lang kasi personally, HINDI AKO NANINIWALA SA MULTO. Pero kapag may nararanasan akong kakaiba, hindi ko itinatanggi. Hindi ako naniniwala sa multo, pero naniniwala ako sa evil spirits. It's in the Bible. They do exist at present sila sa kahit anong lugar. Sa mga bahay, schools, malls o kahit anong public places, even churches. They're everywhere! The only thing you can do is to pray. Don't let fear get the best of you. If you let that happen, 'yang takot mo mismo ang papatay sa 'yo. By the way, dito na nagtatapos ang kwento ko. I don't know kung may susunod pa. Maybe.
Wait huwag kang titingin sa likod mo.
------
Comments related to above story:
Share ko lang.. Ganitong-ganito ang nangyari kanina eh habang kausap ko yung kaibigan kong lalaki may pinapaliwanag lang ako biglang may tumawag sa pangalan ko ng malakas "Ana!" kaya binilisan ko yung pagpapaliwanag don sa kaibigan ko kung ano ang kailangang ipaliwanag tapos pumunta na ako kung saan ko narinig yung tumawag sakin sabay tanong ng "sino tumawag sakin?" walang sumagot kaya iba nalang tinanong ko "may tumawag ba sa pangalan ko?" sabay sabi ng isang babae don. "wala ah!" at tumawa pa. -Anne
Walang-wala yan sa mga nagpapakita sa isang mall sa Quiapo. Harap-harapan daw kung magpakita mga multo don sa mga empleyado, Ang dami konng naririnig about don nung nag-work ako bilang Sales Clerk. -Joanna
yung ate ko na nag nagtatrabaho sa SM, habang may kinukuha daw sya don sa may stockroom (di ko sure kung ganyan ba tawag nalimutan ko kasi e haha) pumasok daw yung katrabaho nyang babae tas nakatitig lang daw sa kanya, walang emosyon, di nya na pinansin tas lumabas na sya nung makuha nya na yung kukunin nya, pag-alis nya don nakita nya yung katrabaho na iniwan nya don sa loob nandun sa may counter. -Crystal
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree