NICUHi admin chai. Please hide my identity as I am using my personal account.
First time ko mag-send ng story so please bear with me. This story happened when I was still working as an NICU nurse dito lang sa tondo area (primary hospital siya na halos puro maternity ang cases). Yung ospital na yun ay may 4 floors lang. Sa ground floor ay yung ER, OPD at pharmacy. Then ung 2nd floor nandun ung laboratory, DR at OR. 3rd floor nandun yung ward (OB cases halos) then ung 4th floor bakante, minsan lang magkaroon ng patient pero nandun ung NICU. Nag-start ako as NICU nurse year 20_6. Dati yung NICU ay nasa 2nd floor pa, katabi ng DR, inilipat dun sa 4th floor sa rm 4_3 kasi daw un ang recommendation ng DOH since pina-practice na nga yung unang yakap. 4 kami sa NICU, si Mar, si Mae saka si Ma'am G, yung head nurse namin (not their real names) saka ako. Shifting schedules kami, si Mae, every time na graveyard shift siya kahit sino samin na ka-endorse nya ang bungad nya palagi daw siyang binabangungot kahit yung nakapatong lang ung ulo nya sa mesa para umidlip, minsan sinasabi namin baka naman nakakatulog lang siya ng malalim since understaff kami at minsan 16 hrs pa ang duty namin. Sabi nya hindi naman daw kasi umiidlip siya pag 4am na yung natapos nya na lahat ng charting at pagbigay ng meds. Saka palagi nyang sinasabi na may nakikita siya sa peripheral vision nya na parang black na figure (actually siya palagi ang may nakakatakot na experience). Tapos si Mar naman, ganun din binabangungot din daw siya dun sa NICU pag nakakaidlip siya tapos pansin nya na every 2am-3am may kumakatok sa pinto, yung mahina lang. Nung una akala namin yung boy na nakatira dun sa rooftop, kasi mahilig manloko yun eh, nantitrip minsan. Yung door ng NICU dun, yung upper half ay salamin kasi patients room talaga yun na ni-convert lang, tapos nilagyan namin ng partition dun sa may lababo para di kami kita agad pag may sumilip. Yung head nurse namin si Ms. G, meron siyang experience dun na talagang nagpasama siya sa loob ng NICU sa isang boy, ang kwento nya around 12mn may kumatok daw medyo malakas so sinilip nya muna kasi baka daw relative nung baby na na-admit sa NICU, pagsilip nya wala daw tao, akala nya nandun sa may katabing room, so binuksan nya ung door at tiningnan nya, wala din daw tao dun sa katabing room, sa hallway wala din kaya patay malisya na lang daw siya. Tapos bandang 2am naulit daw pero this time di na niya binuksan hangga't di sunod-sunod yung katok, hanggang 2:30am daw yun, every 5minutes may kumakatok pero yung mahinang katok na. Di daw talaga nya pinapansin, bandang mga 3:15am daw nag-static daw yung radio dun sa NICU (may radio kami dun pero matagal na yun but good naman ang signal) kahit anong lipat nya daw ng station static, tapos nagulat siya kasi sa mismong bintana ng NICU may kumakatok, as in namutla daw siya tapos yung mesa pati ung crib kung nasaan si baby, lahat yun inusog nya daw sa gilid malapit sa incubator kasi nga as in katok daw at di na siya nagtapang-tapangan na hawiin ung curtain para tingnan kung ano o sino yung kumakatok sa bintana (isipin mo 4th floor kami tapos may kakatok sa bintana), tinawagan nya daw talaga yung guard sa baba at sinabi na paakyatin ung boy sa NICU at doon daw muna. Nung umaga paghawi daw ng boy dun sa kurtina nakita nila may scratch ung bintana, 3 piraso, sabi pa nung boy sa loob daw ung kalmot eh nung hinawakan namin ung salamin ang kinis dun sa loob. Hindi mo makakapa ung scratch.
Yung sakin naman nun, gy shift din ako (ako palagi nilang nilalagay sa pang gabi kasi ako yata yung di pa nakaka-experience ng ganun kalala at ako kasi pinakamalapit dun walking distance lang). Nung time na yun, on call ako kasi walang manganganak, 6pm-6am duty ko nun, tinawagan nila ko around 7pm pasok na daw ako kasi possible CS, pagdating ko sa ospital sabi ko sa isang boy samahan ako sa 4th floor kasi pinapatay ang ilaw dun pag walang pasyente saka kapag walang duty sa NICU. So akyat kami nung boy, pagdating namin sa hallway nakita ko dun sa may kisame, may nakasabit na kulay black, sabi ko pa nun "Kuya bakit may nakasabit na telang itim dun?" nung papalapit na kami nagulat kami pareho kasi lumipad, paniki siya pero malaki, napayuko kaming dalawa kasi ang bilis tapos dumiretso sa "ramp". Yung daanan na staff lang ang pwede kasi diretso yun sa kitchen, tapos ang lansa ng amoy, nung hinabol ni kuya na kasama ko, wala daw dun di nya makita kahit saan, so nag-decide ako na doon nalang ako mag-stay sa DR. Yung paniki na yun halos 7days nag-stay at tuwing gabi lang namin nakikita pag nilagpasan namin siya saka siya lumilipad, madami ng nakakita non pati nga bantay nung isang pasyente nakita yun, hinabol nya din pero di din nya makita. Pag na-post ito madami pa kong ise-share, halos buong staff may kwento.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 5
Kinh dịThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree