Compiled Stories 29

102 5 0
                                    


Katok sa Cubicle

Pearl po ulit. Maraming salamat po sa mga nagbasa ng aking naunang kwento.

Ang kwentong ito ay pumutok noong ako'y college pa lamang. Kinuwento lang samin 'to ng aming professor pero grabe yung epekto samin nito lalo na sa aming mga babae na mahilig gumamit ng CR. Hindi ko alam kung paniniwalaan niyo rin 'to pero para sakin ay nakakatakot siya lalo na kung ikaw mismo ang makakaranas.

Kwento ito ng isang babaeng kolehiyala. Hanggang gabi ang klase nila ng araw na 'yon kaya naman nang matapos ang isang subject nila ay dali-dali siyang nagtungo ng CR. Bukas ang ilaw ng CR nang pumasok siya dahil madilim na rin naman. May tatlong cubicle ito at sa gitna siya pumasok. Walang tao sa magkabilang cubicle at tanging siya lamang ang tao nang oras na iyon.

Habang umiihi ay nakarinig siya ng mga katok sa pinto ng cubicle na pinasukan niya. Ni hindi niya man lang narinig na may pumasok pala sa CR. Nagtataka man ay malakas niyang sinabi na, "May tao po dito." Pero sa halip na tumigil ay patuloy pa rin ang pagkatok nito.

Naiinis na siya dahil mayroon pa namang bakanteng cubicle bakit patuloy pa rin siya nitong kinakatok.

Sinubukan niyang silipin ang ilalim ng pintuan ng cubicle para tignan kung may tao, ngunit wala siyang nakita.

Ganuon na lamang ang kanyang takot nang pagtingala niya ay may babaeng nakabitin sa kisame na katapat niya. Doon na siya napasigaw at takot na takot na nagtatakbo.

Ang kumakatok pala ay siyang paa ng babae habang ang katawan nito ay nagpapaduyan-duyan nang nakabigti.

Doon rin nalaman ng mga estudyante sa paaralan na yun na may nagbigti palang babaeng estudyante sa CR na yon.

Kaya mula nang kinuwento yun ng prof namin, ay hindi na kami nagsi-CR mag-isa lalo na kung may panggabi kaming klase.

Experience in Parañaque

Way back 2009. Nagwo-work pa kaming magkakapatid sa Manila that time. Tatlo kaming magkakapatid na nasa Manila. Yung panganay ay Nurse sa Hospital in Pasay (di ko na mention yung name). Yung pangalawa ay Crew ng isang fastfood chain then ako Sales Lady sa isang mall sa Baclaran. Umuupa lamang kami ng boarding house sa Parañaque. Mabait yung may-ari pati, parang anak na ang turing saming tatlo. Kadalasan ako yung nauunang umuwi ng bahay saming tatlo, so ginagawa ko naglilinis, nagluluto at naglalaba na ako. Kalimitan gabi na ako nakakauwi. Pinakamaaga na ang 7pm.

One time, ako lang ang tao sa boarding house, naglalaba ako sa labas. Biglang may tumakbong bata sa likod ng kwarto namin. akala ko anak nung may-ari ng bahay. So ginawa ko, sumigaw ako na wag pumasok sa loob ng kwarto. Then walang lumalabas. Nagtago kasi yung bata sa likod ng pinto. Ginawa ko tumindig ako at pinuntahan ko. Pagbukas ko ng pinto wala siya don. Kinabahan na ako. Naiiyak na ako kasi di pa ako tapos maglaba. Napakarami pa naman ng labahin namin non. So pinagpatuloy ko pa din. Then ilang buwan ang nakalipas. Nagising naman ako ng mga past 12am na siguro. Nagbanyo ako at naiihi na ako. After kong makaihi may tao sa kusina. Nakaharap sa lutuan. Kamukhang-kamukha siya ni tatay. Alam ninyo yung feeling na gising ka na ewan na parang antok pa. ganun ang feeling ko ng oras na yun. magsasalita na sana ako na "tatay anong niluluto mo?" nang biglang nawala yung matanda tapos dun ako biglang nagising ng tuluyan. tumakbo ako pabalik ng kwarto. Naikwento ko kinabukasan dun sa anak, sabi baka tito daw nila. Matagal na daw patay yun, namatay sa sakit.

Hindi ko alam kung may third eye ba ako or wala. Minsan kasi nakaka-experience din akong managinip ng mga taong namatay na. Kadalasan dun sila naghahabilin, Nangungumusta sa mga asawa nila. Hindi ko alam. Nung tina-type ko nga ito feeling ko may tao sa likod ko kasi natindig balahibo ko. Marami pa akong kwento. Kapag na-post ito magkukuwento ulit ako.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon