Bulong

189 3 0
                                    


Hi spookify & avid readers. Tawagin nyo na lang akong Kent to hide my identity. 18y/o na ako, Jr. ng aking pinakamamahal na ama na magsasampung taon na mula nang siya'y lumisan. Ibabahagi ko yung karanasan ko na sa tingin ko'y hindi naman creepy but it has something to deal with supernatural beliefs.

My dad passed away, way back 4th of January, 2010 dahil sa cardiac arrest. Of course, masakit pero kakayanin. Bata pa man ako nung mga panahong iyon, ngunit wala na akong magagawa para maibalik pa ang buhay ng ama ko. Ang natatangi ko lamang na naaalala noong panahong namatay siya ay ang sakit at higit sa lahat, ay yung sinabihan ako ni mama na ibulong kay papa ang sakit ko.

Ako kasi yung tipo ng bata na kapag nanaginip ng masama or something creepy, it's either namamantal ang buong katawan ko paggising o nagbubukol-bukol ang ulo ko. Actually, mga ilang oras lang paggising ko mawawala din iyon but what makes me alarmed is that, nakakapagod na halos araw-araw nangyayari iyon. Nagpatuloy iyon ng ilang taon at natigil lamang nang ibulong ko ito kay papa nung siya'y nakaburol, 3 days bago ang kanyang libing.

It was 4th day of my dad's wake at ililipat na sa probinsiya ang labi niya para doon siya ilibing. 3 days siyang binurol doon at doon na rin siya inilibing. Sabi ni mama ibulong ko daw kay papa ang sakit ko. Ako naman, 'di ko maisip kung para saan iyon, kaya ginawa ko na lamang. Humawak ako sa ataul niya at pumikit, sinabi ko na (non-verbatim) "papa, isama mo na ang sakit ko sa pag-alis mo, tulungan mo ako na gumaling." Ilang buwan, ilang taon, matapos ang pagkamatay ni papa, 'di na ako muling nagkakapantal sa katawan at bukol sa ulo, sa bawat pagkakataon na nananaginip ako ng masama.

Malaki na ako nung na-realized ko na, base sa mga matatandang kasabihan na totoo ang bulong sa patay.

Sa ngayon, mula nang gawin ko iyon, 'di na ako muling nakakaranas ng sakit na ganun. Ang malinaw para sa akin ngayon ay mahal ako ng Papa ko, kahit na mula nang siya'y mamatay, 'di na siya muling nagparamdam sa amin, gayumpaman, ramdam pa rin namin ang paggabay niya sa amin hanggang sa ngayon.

Mahal na mahal kita papa, almost a decade simula nung mawala ka, pero 'di pa rin kita malimutan. Habang buhay kang nasa puso ko at dadalhin ko iyon hanggang sa kamatayan ko.

Kent
future inhinyero

-------

A/N : Totoo nga yata ang bulong na yan, kasi nung namatay ang Nanay ko, sabi ng Auntie ko bulungan mo siya, hilingin mo na mawala ang sakit mo (that time matindi uric acid ko at lumubo na ang kanang paa ko non). So ayun na nga, nung ilang minuto na lang ililibing na siya binulungan ko siya. Simula nga noon hindi na muling bumalik ang sakit ko. Nanay, nasaan ka man ngayon, alam mong mahal na mahal kita, kayo ni Tatay. Gabayan nyo pa rin ako palagi. Hanggang sa muli nating pagkikita.

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon