Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)

171 7 0
                                    


Dahil malapit na yung birthday ko. Nag-usap-usap kaming magkakaibigan kung ano ang magiging plano. Dahil matagal ko ng pangarap makaakyat ng bundok kaya sinabi ko na mag-trekking nalang kami at ang Mt. Cristobal ang napili namin. Hiningi ko kay mama yung pera na sana ipanghahanda at gagamitin ko nalang pang-budget. Bale tatlo kaming magkakaibigan, si Jake, Brian at ako. Si Jake ang may kaya saming magkakaibigan kaya nakakotse kami. Toka-toka kami,,si Brian sa pang-gas, ako sa pagkain at si Jake sa iba pa naming gagamitin at sasakyan. High school friends ko sila. Dahil magkakaiba ang gusto naming kuning kurso sa college naghiwa-hiwalay kami pero kahit ganon hindi pa din nawawala yung bonding namin kapag may free time. At masasabi ko na ito na yata yung pinaka the best na mangyayari sa birthday ko. Dahil hindi in good terms sa mga kamag-anak namin kaya walang napuntang mga pinsan or kamag-anak tuwing magbe-birthday ako. Madalas sina Jake at Brian lang ang bisita ko kapag may free time sila tsaka sina mama at papa. Minsan hindi na ako nagpapahanda at nagsisimba nalang. Bukod sa nakapag-roadtrip na kami, 1 week ko pa silang makakasama. Ewan sobrang saya ko kasi kapag kasama ko sila. Sila lang yung palaging nandiyan sakin kapag may problema ako at may kailangan. Hindi sila naging bad influence sakin. Never pa nga kaming tumikim ng alak at sigarilyo. Dahil pangako namin sa isa't isa na sabay-sabay kaming tatanda at mamamatay, walang mauuna.

6am nag-umpisa na kaming mag-asikaso ng mga dadalhin namin. Nahati kami sa tatlong grupo. At sa pangatlo kaming grupong magkakaibigan at kami lang yung member. Yung guide namin ay doon na lumaki sa paanan ng Mt. Cristobal  kaya kabisado na niya ang bundok. Bago kami umakyat pinaalalahan niya kami na bawal mag-ingay at huwag mag-iwan ng kalat habang paakyat ng bundok. Nagdasal muna kami pagkatapos pumila na kaming lahat at naghanda sa pag-akyat. Karamihan sa makakasabay namin puro babae konti lang ang lalaki. Tinignan ko sila isa-isa. Makikita mo sa kanila na lahat excited maliban sakin. Dahil nung nasa biyahe palang kami nag-research na ako sa bundok para kahit papaano may background kami. Nagulat ako sa mga lumabas dahil kadikit sa pangalan ng Mt. Cristobal ay Devil's Mountain nag-research pa ako about doon kung bakit siya tinawag na ganon. Kinilabutan ako sa mga nabasa ko. Kaya nagdalawang-isip na ako kung tutuloy pa ba kami o hindi. Pero dahil sa malapit na kami nonsense pa kung aatras pa kami. Pumito na yung leader ng unang grupo at nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad kami paakyat nagsalita yung leader namin na huwag kaming maingay at sundin lang ang utos niya makakababa kami ng ligtas. Napakunot ng noo yung mga kaibigan ko. Habang ako tahimik lang na nasa likod. Naalala ko na naman yung nabasa ko. Mas pinili ko nalang maging positive na hindi sana samin mangyari yung nabasa ko dahil special yung araw na ito at ayaw kong maging kill joy sa mga kaibigan ko. Habang naakyat kami hindi ko maiwasang magpalinga-linga sa paligid dahil parang may mga kasunod kami. Yung pakiramdam na may nakatingin sayo at nakatago lang sa kung saan. Hiniram ko nalang kay Jake yung camera niya para kumuha ng mga letrato namin. Mauubos nalang yata yung film ng camera dahil sa litrato naming tatlong magkakasama hindi pa ako nakakakuha ng litrato ng paligid. Agaw pansin yung mga matatabang puno na may malalaking ugat at huni ng mga ibon at sariwang hangin. First stop namin dahil pagod na yung iba. Kumain daw muna kami. After a few minutes nagsimula na ulit kaming maglakad. Napansin ko yung mga naiwang kalat ng mga ibang grupong nauna samin. Buti yung guide namin may dalang trash bag at doon pinalagay samin yung mga lagayan ng pinagkainan namin. Nainis ako dahil yun pa naman yung mahigpit na bilin na huwag mag-iwan ng kalat. Naagaw yung attention ko ng ingay na ginagawa ng una at pangalawang grupo. Tawanan sila ng tawanan. Nagsisigawan pa sila dahil yung iba nahuhuli at pasigaw pa nilang tinatawag. Maya-maya Bigla nalang may malakas na alulong kaming narinig na nagpatigil saming lahat parang sa aso na alulong sa gabi. Narinig ko yung leader namin na hindi maganda ang nangyayari. May nagambala daw kaming bantay. Tumigil kami saglit at nagpatuloy pa din sa pag-akyat. Hindi na dapat tutuloy yung grupo namin kaso mareklamo yung mga naunang grupo kesyo masasayang lang daw ang pera at pagod nila. Kaya nagpatuloy pa din kami at huwag nalang daw naming pansinin yung narinig namin. Napansin ko na parang hinaharangan ng mga ulap at puno yung sinag ng araw. Kaya kahit maliwanag parang and dilim pa din ng paligid. Nang bigla nalang akong bumunggo sa likod ng kaibigan ko dahil sa nakatingala ako hindi ko napansin na bumabagal na pala yung lakad ng grupo namin. Medyo lumalayo na din kami sa una at pangalawang grupo. Tinanong ko yung leader namin "bakit tayo nagpaiwan?" Sabi niya hindi daw maganda kung tutuloy pa daw kami dahil nga may nagambala daw kaming bantay at sinasadya daw nitong padilimin ang paligid para maligaw at hindi na makabalik yung mga naakyat at ayaw niya daw kaming magaya doon. Naalala ko yung nabasa ko na article meron daw mga trekkers na hindi na daw nakakabalik dahil naligaw daw ito kung may maswerte man daw na makabalik wala na daw sa katinuan yon. Kaya sinunod nalang namin si kuya. Magdasal nalang daw kami at humingi ng tawad at hintayin na maging normal ang paligid. Madilim, ang tahimik ng paligid yung tipong walang sounds yung paligid wala kaming marinig na huni ng mga hayop o ingay ng paggalaw ng mga dahon na gawa ng hangin. Sa tagal naming nag-aantay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako ganon din yung mga kaibigan ko. Paggising ko wala na yung leader namin kaya ginising ko na din sila Jake at Brian. At nakita nalang namin yung leader namin na naglalakad papalayo kaya nagmadali kami sa pagsunod sa kanya. Kaso sobrang bilis niya maglakad kahit anong sigaw namin hindi siya nahinto. Tapos bigla nalang siyang lumiko sa malaking puno. Pagdating namin don. Wala na siya. Kaya nagulat kami. Natakot na kami, parang pinaglalaruan na kami ng mga nilalang na hindi namin nakikita. Binaliktad namin yung mga suot naming damit. Sabi ni Jake para daw hindi kami maligaw at makabalik. Inabot na kami ng gabi pero kahit na sino wala kaming makita. Buti nalang meron kaming flashlights na dala. Tinignan namin yung cellphone namin, walang signal. Sa paglalakad namin nakakita kami ng kubo. Mukhang may tao dahil may usok na nanggagaling doon. Kakatok palang sana ako ng may lumabas na matandang lalaki at inalok kaming pumasok sa loob. Maaliwalas sa loob ng kubo, nakakapagtaka dahil walang ganoong gamit. pinaupo niya kami sa malaking higaan na gawa sa kawayan. Binigyan niya din kami ng maiinom at yung baso gawa sa biniyak na niyog at sinabi samin na doon nalang kami magpalipas ng gabi, dahil hindi daw maganda kung gagabihin kami sa paglalakad ituturo niya nalang daw samin yung daan pauwi. Binigyan niya din kami ng tubig na panglinis ng katawan na galing sa malaking banga. Parang familiar yung banga kasi parang nakakita na ako ng ganon sa museum nung nag-fieldtrip kami. Habang naglilinis hindi ko maiwasang ma-guilty sa sarili ko at sa kanila. Sinabi ko na kasalan ko kung hindi lang sana ganito yung idea ko wala sana kami sa ganitong sitwasyon. Hindi nila ako sinisi at hindi sila galit sakin tutal nga daw parang adventure pa daw yung nangyari samin. Hindi ko maiwasang hindi maiyak dahil ayon yung pinakagusto ko sa kanila never kaming nag-aaway dahil mas pinipili namin na intindihin ang isa't isa kesa sa mag-away at magsisihan. Napakaswerte ko sa kanila. Dahil sa sobrang pagod nakatulog kami kaagad. Kinabukasan paggising namin nagulat kami dahil sa lupa na kami nakahiga. Nagtaka kami dahil wala na yung kubo. Nag-ayos na agad kami. At nagsimula na ulit maglakad ng makita namin yung matandang lalaki na naglalakad. Sinundan namin siya, naging lakad takbo yung ginawa namin nakakapagtaka dahil ang bilis niyang maglakad para sa edad niya at kahit anong gawin namin hindi namin siya maabutan. Hanggang sa makakita kami ng trail sa lupa. Nakita ulit namin yung matandang lalaki at sinenyasan niya kami na pumasok sa malaking butas na gawa sa katawan ng puno nag-alinlangan pa kami sa pagpasok pero sinabi niya samin na magtiwala kami sa kanya na makakalabas kami at makakabalik kami kung saan kami nanggaling. Nginitian niya kami. Nagtinginan kaming magkakaibigan pero paglingon namin sa kanya wala na siya doon. Nagtaka man kami pero sinunod pa rin namin yung sinabi niya. Pagapang naming tinahak yon. Sa paglabas namin nakarating kami sa open field kung saan kami nag-start sa pag-akyat. Ang dungis namin at Mangiyak-ngiyak kami sa tuwa. Nakita din namin yung leader namin. Tuwang-tuwa siya non. Inaya niya kami sa bahay niya at doon namin kinuwento lahat. Kwento din niya na nung nag-aantay pala kami nagpasya na rin muna siyang magpahinga dahil nakita niya kaming natutulog. Pero paggising niya wala na daw kami. Hinanap niya daw kami pero hindi na niya kami makita. Sinabi din namin sa kanya na paggising namin nakita namin siya na naglalakad kaya sinundan namin siya. Tapos bigla nalang siyang nawala. Sinabi niya na engkanto daw yon at niligaw kami. Sinabi din namin na may nakita kaming matandang lalaki at pinatuloy kami sa kubo. At tinuro samin yung daan pauwi. Hindi na kami nakapagpasalamat kasi bigla nalang siyang nawala. Mabait daw na bantay yon at magpasalamat daw kami dahil tinulungan niya kami. Bumalik kami kung saan kami lumabas kanina, kaso wala na yung butas kundi isang malaking tumpok nalang ng lupa. Nag-alay kami ng pagkain at konting dasal. Tinanong namin yung leader namin kung bakit siya papaakyat ng bundok. At nagulat kami sa sagot niya. Balak niya daw kaming hanapin ulit dahil apat na araw na pala kaming nawawala.

Bumalik at nag-stay muna kami sa bahay ng leader namin para makapagpalit at kumain ulit. Pagkatapos nagpaalam na din kami. Habang nasa biyahe kami biglang nag-alarm yung mga cellphone namin. Tadtad ng messaged and missed calls. Alam kasi ng parents namin na 1 week kaming mawawala siguro nagtaka nalang sila na apat na araw na hindi kami ma-contact.

Note : bago kami umalis ito yung sinabi samin ng leader namin.

Pasalamat daw kami at tinulungan kami ng isa sa mga bantay ng bundok. Hindi lahat ng katulad namin ay maswerteng nakakabalik. At kahit anong bundok daw ang akyatin namin matuto kaming gumalang. At higit sa lahat tahimik daw kaming umakyat at siguradong makakababa kami ng ligtas.

- jasper

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon