Bakuran

183 6 0
                                    

Marami pa rin ang hindi naniniwala sa mga multo o mga kung anu-anong elemento sa mundo. Sabi nga kasi "to see, is to believe." Pero para sa amin na naka-experienced na, nakakatakot talaga.

Very light lang itong experience kong ito compare sa mga recent na karanasan ko sa mumu, na ikukuwento ko sa susunod. So, eto na.

2005

Grade 1 ako nang lumipat kami sa bahay ng Lolo ko sa Bataan. Nasa ibang bansa kasi sila at nagprisinta na doon na lang kami manirahan. Maganda yung bahay at napakalawak ng bakuran. May puno ng Santol, Buko, Makopa at iba pa. May Kamias, Avocado, Papaya, Duhat at may Atis pa sa labas. May kubo rin sa dulong part ng bakuran.

Tuwing gabi, palagi akong nagpapabuhat sa papa ko bago matulog. Doon kami sa likod na kwarto natutulog (harap kasi na part ng bahay yung sala, tapos may tatlong kwarto tapos dining then kusina. After nung kusina may pinto papasok pa sa maliit na kusina tapos kwarto na. Doon kami sa kwarto na yun). Katapat iyon ng bakuran kaya tanaw na tanaw ito lalo na kapag gabi, kapag patay na ang ilaw.

Nagpabuhat ako kay papa upang makatulog. Pumayag naman siya at kinarga na ako. Yung karga na nakayakap ako sa kanya at nakapatong ang ulo ko sa balikat nya. Habang hinehele niya ako, umikot sya at tumalikod sa bintana, na sya namang pagharap ko. Nagulat ako kasi may babaeng nakaputi na naglalakad papunta doon sa dulo ng bakuran. Bale from right to left. Bestida ang suot nya. Medyo malayo pa nang konti sa bintana kaya kita ko siya ng buo, pero kita ko rin yung mukha nyang naka-side. Medium length ang buhok na kulay itim. Ang ipinagtataka ko, diretso lang yung lakad niya. Yung parang nag-i-skateboard. Hindi katulad sa tao na pag humahakbang ay parang tumataas baba nang konti. Hindi ko naman napansin yung paa nya kung nakalutang or hindi kasi tiningnan ko lang sya sa mukha habang papunta doon sa dulong parte ng bakuran. Maputi yung mukha nya tapos parang naggo-glow siya. Pero unlike sa typical na White Lady stories na napapanood or nababasa ko, wala syang dugo sa mukha or ano. Hindi rin nakakatakot ang mukha nya.

Kinabukasan, kinuwento ko iyon kay mama. Sabi niya nung una baka daw yung Tita ko iyon, isa sa anak nila Lolo na nandito pa sa Pinas that time. Kaso sabi ni papa, di daw umuwi noong gabi na yun si Tita.

After ng incident na yun, nilagnat ako. Ilang araw din akong hindi nakapasok sa school dahil sobrang taas. To the point na nagdedeliryo or nagha-hallucinate na ako. Di ako gumaling non hangga't di ako dinadala sa manghihilot sa kabilang barangay.

Noong College na ako, doon ko lang narinig mga kuwentong katatakutan sa bahay na iyon. Kapag daw kasi may bisita si Tito (anak nung may-ari), nagpapakita daw yung mga multo sa kanila kapag matutulog na. Kaya hindi na sila nag-o-overnight sa bahay na iyon. Bagkus, si Tito ang nakikitulog sa bahay ng mga kaibigan niya.

Matagal rin kasing nabakante yung bahay dahil residente na sa ibang bansa sila Lolo. Pati mga anak niya naroon na. Di ko alam kung sino na nagbabantay doon ngayon. Lumipat na rin kasi kami at nangupahan na lang.

Marami pa akong na-experience. At lahat ng ikukuwento ko ay pawang katotohanan lamang. May mga di maniniwala pero keri lang. Naiintindihan ko lalo na kapag di ka pa talaga nakaka-experience. Salamat sa pagbabasa ❤

Thank you, Admin!

•Joyous🌹•

Scary Stories 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon