---
SESSAI
Nakangiti akong bumaba nang tricycle pero agad ding napabusangot nang sumakit ang braso ko at para bang naririnig ko pa ang sermon ni Ate Sally sa Umaga ko kanina bago ako umalis nang Bahay !
" Sessai " inayos ko ang strap nang back pack ko sa balikat ko at nilingon ang pamilyar na boses na tumatawag sa akin ..
Hinawakan ko ang braso ko at lumapit kay Meng at JM na kasabay ko lang palang dumating , katulad ko may back pack din silang dalawa ..
" Meng ! JM ! Chaka dapat pala nagsabay-sabay na tayo kanina .. " Sabi ko nang makalapit ako sa kanila !
Kinuha naman agad ni JM ang bag na dala ni Meng ! Napangiti naman ako !
Sila yung dalawang tao na wala pang salitang BOYFRIEND o GIRLFRIEND pero sobrang sweet na nilang dalawa ..
" Akala namin nakaalis ka na eh kaya naghanap na kami nang masasakyan ! Tinawagan din kasi ako ni Jas na kasama na niya sila Flor at Hailey na umalis kanina .. Nandito na sila sa Resort " paliwanag ni Meng
Naglakad na kami papasok sa malaki at mataas na gate nang Resort ! Sumalubong din sa amin ang malalaking letra na gawa sa semento na binubuo ang pangalan nang Resort .. B U E N A - R E S O R T ang sikat na Resort dito sa aming lugar .. 30minutes din ang byahe dito mula sa bahay namin !
'' Hindi mo ba kasama si Ate Sally ? " Tanong ni JM na nasa kanan ko !
Ngumingiti naman kami sa mga bumabati samin na nagtatrabaho dito sa resort .. Bawal yata ang nakabusangot dito !
" Susunod daw siya ay ! May tinatapos pa sa Clinic niya susubukan naman daw niya .. "
" Ang yaman talaga nung si Jas no ? Ang mahal mahal dito sa Buena Resort pero nagawa niya pang i-libre lahat nang invited sa Birthday niya .. " Sabi ni Meng !
Pumasok na kami sa pinakang loob nang Resort !
" Syempre nag-iisang babae sa kanilang magkakapatid ! Tsaka hindi lang naman si Kapitan ang sumagot nito .. Sabi ni Jas nagtulong daw sa gastos si Kuya John at Kuya Jessy!" Sabi naman ni JM
Sila din pala yung couple na basta may kwentuhan ? Kumpleto talaga detalye nila !
" Doctor na si Kuya John sa ibang bansa ! Habang Flight attendant naman si Kuya Jessy .. Pareho naman silang wala pang asawa kaya yakang-yaka nila ang gastos dito kahit magkano pa" Singit ko sa usapan nila lalo na at nasa gitna nila ako ..
" Sana sa Birthday ko bongga din " Excited naman na sabi pa ni Meng !
Natawa naman ako sa biglang pagtili nito na sapat lang para marinig namin ni JM ! Para kasing bata na tuwang-tuwa sa iniisip niya ..
" Wag ka mag-alala Meng ! Gagawin ko best mabigyan ka lang nang bonggang birthday party na gusto mo .. " Mas natawa ako kasi parang nag niningning ang mata ni Meng nang tignan niya si JM !
Peste itong dalawa na ito ! Nakalimutan yatang nasa gitna nila ako ..
" Talaga JM ? Seryoso ka ba ? "
" Oo naman basta para sayo lahat kaya ko "
Ngumiti naman si Meng kay JM at lumapit dito para akbayan ang manliligaw niya !
" Wag na ! Binibiro lang kita tsaka 23 na ako nun .. Hindi na kailangan nang Party ! Masaya na akong kumpleto tayong barkada .. "
" Pero okay lang sa akin yun " Nanatili ang ngiti ko lalo nang pisilin ni Meng ang ilong ni JM kaya namula ang ilong nito. .
