-
SESSAI
" Hoy sai labas ko na itong adobo ha!"
" Sige tsaka itong inihaw na isda!"
Dinala naman ni JM lahat sa labas , pinagpatuloy ko naman ang paghihiwa nang mga mansanas na pinipigaan ko nang kalamansi .. Red horse kasi ang iinumin nila at napakadami nilang binili ! Basta talaga sa alak ! Mga batikan talaga aba !
" Tulungan na kita!"
Ngumiti ako kay Gio na kakapasok lang nang kusina ..
" Ako na , matatapos na din naman ! Hintayin mo na lang ako sa labas .. " Hindi siya nagsalita pero umupo siya sa bakanteng upuan sa katabi ko ! Natawa pa nga ako dahil nakatitig talaga siya sa akin ..
" Makatitig ka naman ! Matunaw ako!"
" Pwedi ba ako magpaalam?"
" Saan?" Naghiwa ako nang kalamansi at piniga sa mansanas at binudburan ko nang konting asin ..
" Sayo!" Natawa ako at hinawakan ang tenga niya , agad naman siyang napaiwas kasi malakas ang kiliti niya dun !
" Ibig kong sabihin bakit ? Para saan ? Bakit ka magpapaalam?" Natigilan ako sa pagkilos ko nang hawakan niya ang kamay ko nilaro ang mga daliri ko!
" Magpapaalam lang ako na baka pwedi akong mag-inom mamaya?" Napalitan nang tawa ang pagkagulat ko kanina at sinuklay ang buhok niya gamit ang isa kong kamay na di niya nilalaro .. Para naman siyang bata na tinignan ako! Ang gwapo talaga " Papayag ka ba ? Hindi ako magpapakalasing!" Sabi niya habang medyo nakatingala dahil nakatayo ako at nakaupo naman siya!
" Oo naman ! Hindi mo naman kailangang magpaalam sa akin .. Anak nang.! Girlfriend mo ba ako ? Ikaw talaga!" Natatawang sabi ko sa kanya ..
" Kahit na ! Gusto ko pa din magpaalam sayo .. "
" Loko ka ! So kung di ako papayag ? Hindi ka iinom ?"
" Oo naman" mabilis ang naging sagot niya kaya napatitig ako sa kanya!
" Seryoso?"
" Oo nga ! Kung ayaw mo ? Edi hindi ko gagawin ! Kung payag ka ? Edi sige payag din ako .. Nakadepende sayo ang gagawin ko!"
" Hi-hindi mo naman kailangang----"
" Gusto ko eh ! Magpapaalam ako sayo bago ko gawin ang mga bagay na gagawin ko " Seryoso siyang nakatingin sa akin " Kahit ayaw mo sasabihin ko sayo lahat nang gagawin ko para alam mo!" Ngumiti siya at tumayo kaya naman ako itong napatingala dahil sa taas niya " Kahit wala kang pakialam sasabihin ko pa din!" Ngiting-ngiti na sabi niya sa akin ..
" Payag ka na?"
" Na ? Iinom ka ?"
Tumango siya habang nakangiti !
" Oo naman ! Sige lang ! Ayos lang sa akin!"
" Promise hindi ako magpapakalasing!"
Natawa ako sa kanya at kumuha nang mansanas na may kalamansi at sinubuan ko siya ..
" Tara na sa labas!"
" Iinom ka ba?" Tanong niya habang palabas kami nang kusina ..
'' Hindi ako iinom!" Sagot ko ..
" Bakit naman ? Ayaw mo ba?" Ngumiti ako sa kanya ..
" Kasi mag-iinom ka kaya hindi ako iinom ! Walang mag-aalalay sayo kapag pareho tayong nalasing!" Nakangiting sabi ko sa kanya .. Napansin ko naman na natigilan siya!
