Chapter 99

619 30 25
                                    

----

LUMIPAS ang tatlong araw na gigising ako sa umaga na wala si Gio sa tabi ko , gigising ako nang may mahaba siyang message sa akin pero minsan ay wala. Kakain ako nang almusal na parang wala akong lakas , kasabay ko sila manang sa pagkain pero tahimik lang ako at nakikinig sa kwentuhan nila. Kahit nga yata libangin ko ang sarili ko sa trabaho ay hindi ko pa din magawang i-relax ang isip ko , kahit masama sa akin ang ma-stress ? Hindi ko pa din mapigilan ang mag-isip kaya kailangan pa akong samahan ni Zherlyn sa pagtulog para lang makasiguradong matutulog ako nang maaga , minsan nga ay nakakatulugan ko na lang ang pag-iyak ko at magigising na mabigat ang aking pakiramdam.

Bumangon ako at nag selfie nang limang beses kahit hindi pa ako naghihilamos at ipinasa kay Gio ang mga pictures ko.

Nag send din ako nang message sa kanya.

--Goodmorning babe , 9:34 na po nang umaga dito babe. Kagigising ko lang eh , tinatamad sana ako kaso kailangan ko kasing i-check ang project dito nang kompanya. Wag kang masiyadong magpagod sa trabaho mo okay ? Baka nagpapalipas ka na din nang pagkain mo. Uupakan talaga kita , don't worry , okay lang kami ni Prio. Wemissyou so much daddy. Iloveyou forever and for always , uwi ka na ha.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang mai-send ko kay Gio ang message ko ganun din ang mga pictures ko.

Kahit tinatamad ay bumangon ako sa kama at naghanda nang damit ko , nagsuot lang ako nang brown na dress na lampas sa tuhod ko at flat shoes dahil hindi pantay ang lugar doon. Pinatuyo ko din ang mahaba kong buhok bago ako nagsuot nang puting sumbrero at dinala ang ibang papers at laptop ko. Nang matapos ay nag selfie ulit ako at ipinasa iyun kay Gio at nagsabing paalis na ako nang hotel room , sakto naman ang pagkatok ni Ate loyda sa pinto kaya agad kong binuksan.

"Breakfast muna tayo bago pumunta sa site?" Tipid akong ngumiti at tumango.

"Sige ate." Sagot ko.

Kinuha ni ate ang laptop ko , gusto niya din sana na siya ang magdala nang mga papers na dala ko pero sabi ko kaya ko naman. Marami din siyang hawak alangan namang ibigay ko pa sa kanya lahat.

Bumaba kami sa restaurant nang hotel , konti lang ang in-order ni Ate loyda na pagkain dahil konti lang naman ang kakainin ko. Gusto ko na naman kasi nang buko ang kaso inihaw pa din ang gusto ko at ayoko nang basta buko lang , si ate loyda tuloy ang na-stress kasi hindi niya malaman kung saan siya kukuha.

"Ngayon mo na ba gusto?"

"Oo sana ate." Napangiti ako nang kumamot siya sa kanyang kilay at may tinawagan sa phone niya.

"Jolex , humanap ka nga nang buko." Dinig kong sabi niya sa kausap. "..tapos kung may ihawan sila , paki-ihaw na din...oo eh , yun gusto ni sessai...dalawang buko na ang bilihin mo para sigurado...sige...salamat..." Ngumiti siya sa akin nang maibaba niya ang phone sa table at muling kumain.

"Bumibili na sessai.."

Ngumiti ako at pinagsalin si ate ng tubig sa kanyang baso.

"Thanks ate loyda."

"You're always welcome."

Matapos naming mag almusal ay tumungo na kami palabas nang hotel , nandun na si kuya jolex at agad kong nakita ang binili nitong buko at labis akong natuwa nang makita ko ang inihaw na buko. Hindi ko alam kung paanu niya na-ihaw yun samantalang wala naman siyang kamag-anak dito sa quezon. Matamis akong ngumiti kay kuya jolex at kinuha ang buko na inihaw sa kanya.

"Saan ka nakapag-ihaw niyan?" Tanong ni Ate loyda kay Kuya Jolex na pinagbuksan ako ng pinto sa back seat.

"Sumaglit ako sa mga kamag-anak mo , mabuti na lang at malapit lang dito at natandaan ko ang daan. Duon na ako nagpa-ihaw niyang buko ni ma'am."

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now