---SESSAI
"You're getting married, pare?" Ngiting-ngiti naman na tumango si JM habang abala ang kamay sa hinihiwa nitong rekado para sa niluluto nila ni Gio sa tanghalian. "Wow ! Congrats pare , kelan ang kasal?" Muling sabi ni Gio na iniipitan ang buhok ko.
Nandito din si Jasper na katulong din nila sa pagluluto ! May kanya-kanya kasi silang lulutuin para daw mas mabilis matapos habang ako nakapanood lang sa kanila !
"Kakausapin ko pa ang father ni Meng."
"They're not in good terms , right?"
Tumango si JM.
"Oo pre , hindi nga gusto ni Meng na puntahan pa namin ang papa niya pero syempre diba ? Papa niya pa din yun , kahit hindi ko siya masiyadong nakilala .. May respeto ako sa kanya bilang tatay nang mapapangasawa ko." Matamis ang ngiti ni JM habang sinasabi iyun.
Hinalikan ni Gio ang noo ko at pinanggigilan pa ang pisnge ko bago tumulong kay JM sa pagluluto nito , habang ang iba naman ay nasa labas pa din at hindi maawat sa paliligo sa dagat samantalang may dagat din naman sa pag-asa ! Mga adik lang talaga sila !
Nasa kwarto naman si Kuya Zac para matulog sandali dahil sa haba nang byahe nila ..
"Yung iba kasi 3years munang magka-relasyon or more than that before sila mag plan nang wedding diba?" Si Gio na abala na din sa niluluto niya.
"Takot na takot siguro yang si De la cruz na maagaw pa nang kung sinu si Meng." Nang-aasar na sabi ni Jasper kaya binato siya ni JM nang kamatis , mabuti na lang at nasalo niya.
Natawa na lang ako habang tahimik silang pinapanood at umiinom nang chuckie.
"Gago hindi sa ganun." Pagdepensa ni JM sa sarili."Alam ko kasi na wala na akong ibang babae na mamahalin si Meng lang kaya bakit ko pa papatagalin diba ? Alam kong nasa tamang tao na ako , kaya bakit ko pa siya pakakawalan diba?" Hindi ko napigilan ang mapangiti dahil sa narinig ..
Kitang-kita ko sa mga mata ni JM ang saya habang sinasabi ang mga salitang yun na para bang nakikita niya sa isipan niya si Meng dahilan para sumabay ang kinang nang mata niya sa matamis na ngiti ng labi niya.
"Kapag nasa tamang tao ka na hindi na mahirap sayo ang mag plano nang buhay na kasama siya , yung gigising ka sa umaga na magandang ngiti at mukha niya ang masisilayan mo tapos yakap niya ang sasalubong sayo sa buong araw na pagod mo sa trabaho mga pare." Taas baba pa ang kilay ni JM habang sinasalang isa-isa ang mga rekado sa niluluto niya.
"Kadiri yang ngiti mo." Natawa kami ganun din si Gio na nagawa pang agawin ang chuckie na hawak ko at sumipsip duon.
"Babe" humalakhak siya nang agawin ko ang chuckie ko sa kanya dahil balak pa yata na ubusin niya lahat. "Inuubos mo." Tumatawa pa din siya , pinisil niya ang magkabila kong pisnge at hinalikan nang paulit-ulit ang aking noo tsaka bumalik sa pagluluto.
"Pwedi ba ? Irespeto niyo ako." Singit pa ni Jasper kaya inasar agad siya ni JM.
"Eh kayo pre ? Kelan niyo balak na magpakasal ni Sessai?"
Nahugot ko ang aking hininga nang marinig ang tanong ni JM ! Bumaba ang tingin ko sa chukie na hawak at wala sa sarili kong nilaro ang straw duon , hindi ko inaasahan na pag-angat ko nang tingin ko kay nakatitig sa akin si Gio at mababasa ko duon ang lungkot.
Wala pa siyang sinasabi pero dinudurog na ang puso ko ! Pakiramdam ko ay literal na sinasaksak ang dibdib ko sa sobrang sakit na halos kapusin ako sa hangin ..