----
SOMEONE's Point of view.
Pagod akong lumabas sa CR nang hospital na pinapasukan ko , ngumiti ako kay Ricalyn nang makita ko siyang naghihintay sa akin sa labas.
"Grabe no ? Hirap nang trabaho natin , kung hindi nga lang para sa pamilya ko , baka sumuko na ako.." Sabi nito at uminom sa kape na binili niya , nag thank you naman ako ng ibigay niya sa akin ang isang kape. "..gusto ko nang umuwi sa pinas , kaso mas malaki kasi ang sahod dito sa ibang bansa kaya kahit gustuhin ko na makauwi , hindi ko pa din magawa." Mahina akong tumawa at tinapik siya sa balikat.
"Ilang years ka na ba dito ? 3years ? Eh ako wala pang 1 year , diba dapat sanay ka nang malayo sa family mo?" Sabi ko sa kanya at pinasadahan ko nang daliri ko ang mahaba kong buhok.
"Ay ateng , pagdating sa pamilya walang matagal o maiksing panahon. Yun ngang oras pa lang ako sa eskwelahan gusto ko na agad umuwi para matikman ang masarap na luto nang nanay ko at yakap nang tatay ko.." Sabi nito na tila ba sinusumbatan ako dahil sa sinabi ko sa kanya kanina , ngumiti ako at uminom ulit sa kape na hawak ko.
"Tawagan mo na lang sila pagdating sa apartment natin.."
"Eh ikaw?" Napalingon ako sa kanya habang kunot ang noo. "..kelan mo balak na balikan ang kapatid mo ? Wala ka na bang balak na kamustahin siya o kaya'y balikan siya sa pilipinas?" Dagdag niya pa at uminom sa kanyang kape.
Bumuga ako nang hangin at nakita ko naman ang pag-usok nang bibig ko dahil sa lamig ng panahon dito , kahit nga ang magsuot nang sando ay di ko magawa.
"Pagod ka pero napakadaldal mo.."
"Aysus , wag nga ako ha. Gabi-gabi kong naririnig yang iyak mo habang pinagmamasdan ang family picture niyo lalo sa na picture nang kapatid mo."
"Hay naku." Naiiling na sabi ko. "..tigilan mo ako ricalyn ha , pagod ako." Sabi ko sa kanya at pinilit kong tarayan siya para lang manahimik siya sa mga sinasabi niya.
"Tigilan mo ako ricalyn ha , pagod ako. Eklabu , chuchu." Natawa ako dahil sa pag-gaya niya sa boses ko at napailing.
"Malala ka na.."
"Mababaliw na talaga ako dito , tara na nga. Pagod na ako , gusto ko na kasing matulog.." Sabi niya at naglakad na kami palabas nang hospital.
Ngumiti ako sa mga kapwa kong nurse at ibang doctors na kilala ko bago sumabay sa paglalakad kay Ricalyn palabas nang hospital , iinom sana ako sa kape na hawak ko nang matigilan ako sa paglalakad at napatitig sa babaeng kakapasok lang nang hospital , kumunot ang aking noo at napatitig sa babaeng yun. Kamukha niya lang ba ang babaeng nakikita ko o siya talaga mismo ang babaeng yun.
Sinundan ko siya nang tingin , kahit naririnig ko ang pagtawag ni Ricalyn sa akin ay hindi ko siya magawang lingunin dahil sa pangamba na baka mawala sa paningin ko ang babaeng yun.
"Hey , are you okay?"
Humakbang ako upang sundan yung babae pero mabilis na hinawakan ni Ricalyn ang braso ko.
"Where the hell are you going?"
"Magkita tayo sa apartment okay ? Susunod ako.."
"What ? Pero.." Hindi ko na siya pinatapos at agad na sinundan ang babaeng nakikita ko. Mabilis ang naging paghakbang ko upang hindi siya mawala sa mga mata ko.
Mahaba ang buhok nito na hanggang bewang at medyo kulot , dahil sa lamig nang panahon ay balot na balot siya nang makapal na jacket at tanging mukha lang ang makikita sa kanya dahil kahit kamay niya ay may balot , napatigil ako nang huminto siya sa harapan nang isang babaeng doctor at hinalikan ito sa pisnge. Napatitig ako sa pamilyar na ngiti niya na ilang buwan ko nang hindi nakikita , ang matangos niyang ilong , ang mata niya na napupuno nang emosyon , hinagod ko nang tingin ang katawan niya. Napangiti ako nang makita ko ang ganda nang hubog ng kanyang katawan , mas lalo pa siyang gumanda ngayon.
