Chapter 13

1K 31 0
                                        


--

" Kung hindi ko nga kilala si Zherlyn ? Iisipin kong si Sessai ang kapatid mo .. " natatawang sabi niya " Mas kamukha mo si Sessai eh ! Sabagay , kamukha naman ni Zherlyn ang mommy mo tapos ikaw sa Dad mo!" Dagdag pa ni Ate Lhey !

Para maiwasan ang nararamdaman kong ilang ay ngumiti ako ..

" Di-dito din po ba kayo nag stay?" Mahinang tanong ko !

Tumikhim yung Zac !

" Ah yeah ! Nag bakasyon lang , may hinahanap lang kami kaya nag stay kami dito pansamantala!" Sagot niya at hinawakan ang bewang ng girlfriend niya ..

" Maganda nga pong magbakasyon dito!" Sabi ko sa kanila ..

" Mas maganda siguro kung tatawagin mo akong Ate Zab at siya naman Kuya Zac!"

" Baby!"

" What ? What's the problem ? It's okay lang naman Baby ! Mukhang magkapatid naman kayo so it's okay if tatawagin niya tayong ate and kuya .. Much better!" Sabay ngiti niya sa akin kaya ngumiti din ako !

" Nag text na si Gio!" Nilingon ko si Ate Lhey!

" Tapos na daw siya at nasa Lobby na siya ! Hinahanap na niya tayo .. Let's go!" Ngumiti ako at tumango ..

" Saan punta niyo ? May date ba kayo?" Nanlaki ang malaki kong mata sa tanong ni Kuya Zac !

" Hala ! Hindi po ! May pupuntahan lang po ako sa bayan .. Ihahatid ko po yung mga gulay sa palengke ! Hindi po date!" Natawa naman siya sa mabilis kong sagot kaya napakamot ako sa makapal kong kilay !

" Sige ! Let's go ? Sabay na kami kasi babalik na din kami sa room namin!" Nakangiting sabi niya at naku po , mas naging gwapo pa siya nang ngumiti siya !

" Sige po ! Tara na "

Naglakad na nga kami pabalik sa lobby nang resort ! Nasa unahan si Ate Lhey habang magkakasabay kaming tatlo na naglalakad at katulad ni Gio ? Nililingunan din itong mga kasama ko habang naglalakad kami !

Ang gwapo ba naman tapos diyosa pa ang kasama niya .. Sinung hindi hahanga diba ?

" Miss " Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang biglang humawak sa braso ko!

Isang lalaki ang sumalubong sa akin , singkit ang mata nito at mamula-mula ang pisnge ! Medyo payat siya at mataas siya at sobrang puti ng balat niya ! Mukhang may lahi siya ..

" Bakit po ?" Nagtataka kong tanong at marahan kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya !

" Ah kasi miss .. " Pinakita niya ang phone niya sa akin habang ngiting-ngiti ! Lalong nawala ang mata niya ! " Can i have your number miss ? Okay lang ba ?" Nagulat ako sa sinabi niyang yun ! Hindi ako sanay nang may lumalapit sa akin para hingin ang number ko .. Uminit ang pisnge ko sa hiya !

" Ayy sorry ! Wala kasi akong phone .. " pagsisinungaling ko kahit na nasa bulsa nang pedal ko sa likod ang phone ko !

" Babygirl .. " Mas nagulat pa ako nang marinig ko ang malaking boses sa likod ko at inakbayan ako ..

Nilingon ko si Kuya Zac na nakaakbay sa akin at nakahawak sa kamay ni Ate Zab na nakangiti sa akin ..

" Ba-babygirl?" Tila nagtatakang sabi nung lalaki ..

" Ahh kasi .. "

" Anung kailangan mo sa kapatid ko?" Nanlaki ang mata ko at namula naman yung lalaki !

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now