-----TUMAKBO ang maghapon sa masayang kwentuhan nang nga kamag-anak nila Gio dito sa compound , sobrang dami namin dito sa compound kaya talagang maingay lalo na't may videoke pa kung saan nagkakantahan ang mga pinsan ni Gio.
Sumapit na din ang gabi , matapos kumain nang hapunan ay alak naman ang kaharap nila
habang masayang nag ku-kwentuhan at asaran na wala yatang katapusan.Nakaharap din ang ibang pamangkin nang boyfriend ni Tita Emma sa amin habang magkakasama naman ang mga matatanda sa loob nila tita emma dahil tahimik duon.
"Aba sai , tumagay ka naman." Biglang sabi ni christian , isa sa mga pinsan ni Gio habang inaabutan niya ako nang isang bote nang beer. "Yung kapatid mo umiinom , pero ikaw ay hindi manlang." Dagdag pa niya at itinuro si Zherlyn na may hawak ding alak.
Napatingin din ako kay Gio na maghapon na yatang katabi si Zherlyn , hindi ko sila nakitang naghiwalay , magtatangka pa lamang na lumapit sa akin si Gio ay agad nang naka-pagitan ang kapatid ko kaya hindi ko siya malapitan at makausap --- kahit ang makatanggap nang text ni Gio ay wala akong natatanggap dahil kay zherlyn.
Tanggapin ko na sana ang alak na inaabot ni Christian nang kuhain iyun ni Gerian.
"Hindi siya pweding uminom."
Masungit na sabi nito at sabay silang umupo nang ate geraldine niya sa magkabilang tabi ko kaya nasa gitna nila ako ngayon , napaawang ang bibig ni Christian kaya natawa ako dahil halatang takot ito kay Gerian.
"Bakit naman hindi gerian?"
Tanong naman ng isa pa nilang pinsan na katatapos lang kumanta.
"Basta bawal." Singhal pa nito , nagkatinginan na lang kami ni Geraldine at natawa nang mahina sa pagtataray ng kapatid niya. "Tsaka wag niyo ngang nilalapitan ang ate sessai ko , konti na lang at may mananapak na dito." Kahit hindi binanggit ni Gerian kung sino ay alam kong kuya niya ang tinutukoy nito.
Kahit kasi hindi ko siya katabi ay ramdam ko ang titig niya sa akin at ang masama nitong tingin sa mga pinsan niyang lalaki na lage akong kinakausap at minsan ay inaabutan pa ako nang pagkain ..
"Wala ka namang boyfriend diba ? Sabi ni Tito itong si gio daw ang syota mo ? Eh fiancee naman pala ni Zherlyn." Natatawang sabi ng isa pa nilang pinsan.
Para akong binato nang malaking bato dahil sa sinabing iyun nang pinsan nila , masakit sa dibdib at talagang ramdam ko duon ang literal na kirot dahil sa salitang sinabi niya.
Mabilis ang naging kilos ni Jex para mapigilan si Gio sa biglang pagtayo nito , handa na sanang sugudin ang pinsan niya na halata ang gulat dahil sa biglang kilos ni Gio , pati ang ibang pinsan niya na kaharap namin sa table ay nagulat kay Gio ..
Tinitigan ko si Gio na pinapakalma ni Jex , pati ang kapatid ko ay nakahawak sa braso niya para pakalmahin ito pero hindi ito kumakalma.
"Kumalma ka nga." Sabi ni jex.
"Brad sorry." Sabi naman nang pinsan ni Gio , halata ang takot sa mga mata. "Pasensya na talaga." Dagdag pa niya.
"Gago."
Galit na sabi talaga ni Gio at matalim ang tinatapon na titig sa pinsan niya.
Nagtama ang tingin namin ni zher nang lingunin niya ako pero agad akong umiwas at uminom na lamang nang tubig na nasa tapat ni Geraldine.
"Let's play a game na lang." Tumayo si Princess Malyn isa din sa mga pinsan ni Gio.
May hawak itong bote nang red horse na wala nang laman at ipinatong sa gitna nang table.
