---
GERIAN
"ANU NA GIRL?"
Nailayo ko nang wala sa oras ang phone ko sa aking tenga dahil sa biglang pagsigaw ni Zyra.
"Kailangan talaga sumigaw ka?"
"Napakatagal mo kasi , kanina pa kami dito sa bar and until now wala ka pa din." Umirap ako kahit hindi naman niya nakikita.
"Papunta na nga , punyeta."
"Filipino time ang putang-ina.." Natawa ako dahil sa pagmumura niya. "..hayop ka bilisan mo , baka lasing na kami tapos ikaw on the way pa lang." Sigaw na naman nito at unti-unti ko na namang naririnig ang ingay sa backgroud niya.
Galing siguro siya sa labas para makapag-usap kami nang maayos at halata naman sa boses niya na naiinis na talaga siya.
"Hi babe."
"Gag* mainit ulo ko."
At napahalakhak ako nang marinig ang galit na boses ni Zyra sa boses nang lalaki sa kabilang linya.
"Himala hindi ka yata malandi ngayon?"
"Sige gerian , asarin mo pa ako. Hindi alak ang sasalubong sayo dito kundi itong palad ko , bwesit ka." Naiinis na talagang sabi niya.
Bumuntong hininga ako at lumabas nang room ko.
"Okay , papunta na talaga ako."
"Bitch."
Tinawanan ko na lamang ang pagpatay niya nang tawag , nilabas ko din ang susi ko at nagmamadaling bumaba sa hagdanan.
Palabas na sana ako nang house kaso biglang sumulpot si Daddy mula sa kitchen at may hawak na isang tasa nang kape. Magka-ugali talaga sila ni kuya gio , mahilig sila pareho sa kape. Alas-nuebe na ng gabi pero nagkakape pa din siya.
"Where are you going?"
"Magkikita lang po kami ni Zyra."
"Anung oras ka uuwi?"
"Late na po." Agad kong sagot habang nakatingin kay daddy nang diretso.
Ngumiti siya at lumapit sa akin , hinalikan niya ang noo ko at tinapik ang balikat ko.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho."
"Thanks dad."
Ngumiti siya at tumango.
"Pabalik na ang kuya mo bukas kaya umuwi ka nang maaga.."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil sa sinabi ni daddy at bukod duon ay nakangiti siya na para bang ang saya niya dahil uuwi na si Kuya dito bukas.
Hindi na ako nakapagtanong ulit at sinundan ko na lang si daddy nang tingin hanggang sa makapasok siya sa room nila ni Mommy.
Nagkibit balikat na lamang ako at patakbong lumabas ng bahay at agad na pinaandar ang car ko dahil nakatanggap na naman ako nang text mula kay Zyra at Dennis.
"Finally."
Umirap ako kay Zyra at bumeso naman kay Rhea na nasa gilid ko nang makarating ako.
"Napakatagal mo naman , oh shot mo."
"Later."
"Pa-importante ka girl, maganda ka?"
Tinawanan ko ang pagtataray nitong si Zyra.
"Anu bang problema nitong isa ito ? Kanina pa mainit ang ulo nito." Naiiling na sabi ko.