SESSAI
Kalahating oras ang naging takbo nang byahe ! Nagpaalam ako kela Meng at JM na naiwan pa sa Tricycle kasi bandang dulo pa sila eh samantalang ako pupunta pa ako sa Plaza kung nasan ang Clinic ni Ate .. Bago ako makarating sa Clinic ay tumawag ako kay Gio kaso nakatatlong tawag na ako at di ito sumasagot ! Siguro busy na kaya ang nag text na lang ako sa kanya na nasa Clinic na ako ni Ate .. Wala din siyang reply kaya ibinulsa ko na lang ulit ang Phone ko !
Habang palapit ko ay nakita ko na ang haba nang pila sa Clinic ! Nakangiti naman akong binati nang mga taong nakapila na nakakakilala sa akin at karamihan sa kanila ay buntis na at kaibigan ni Ate ..
" Ate " Tumunghay si Ate para tignan ako at nakataas ang kilay niya .. Napalunok naman ako dahil sa takot ! Kaaga-aga nagsusungit !
" Wala po kayo nung nakaraan na check up niyo ! Maselan pa naman ang pagbubuntis niyo nay .. " Mahinahong sabi ni Ate !
May mga nilista siya sa isang puting papel at ibinigay sa buntis na kausap niya ..
" Wala kasing maiiwan sa ibang anak ko kaya di ako nakapunta nurse sally" ngumiti naman nang matamis si Ate tinapik ang balikat nang kausap niya ..
" Sige po ! Basta sundin niyo lang ang mga paalala ko ha ?"
" Makakaasa ka nurse sally ! Maraming salamat po" Nakangiti namang tumango si Ate at sumenyas sa susunod na papasok ..
Bigla akong nilingon ni ate kaya naman natulala ako sa Gulat !
" Anung ginagawa mo pa diyan ? Tanghali ka na ngang pumunta tapos tatayo ka lang ? Asikasuhin mo ang iba sa labas ! Alam mo na naman ang gagawin mo .. " Mahinang singhal niya sa akin .. Napapahiya naman akong tinalikuran siya at hinarap ang mga tao na nakapila sa labas ..
" Magandang Umaga po ! Yung pong iba sa akin na lumapit .. " nakangiting sabi ko ..
Katulad nang dati ay ako ang naglilista nang mga pangalan nila at mga ibang info bago sila lumapit kay ate kung bibigyan ba sila nang gamot o mga kailangan pa nilang iba .. Wala kasi akong alam sa ganun at hanggang sa lista lang ako at taga bigay nang ibang gamot na iuutos ni Ate sa akin ..
Lumipas ang oras at tumapat ang tanghali ! Naiwan na lang kami ni Ate sa Clinic pero abala pa din siya sa mga sinusulat niya ..
" Ate ! Kain muna tayo sa karinderya ni Tita Bibi .. Nagugutom na ako eh!" Hindi siya sumagot at pinagpatuloy pa din ang ginagawa sa record book niya yata !
" Ate "
" Mauna ka na "
" Pero hindi ka pa kumakain ! Ibili na lang ba kita para dito ka na ---- "
" Pwedi ba sai ? Manahimik ka muna?"
" Bakit ka ba nagagalit?"
" Just shut up okay?"
" Tinatanong lang ---- "
" KUNG GUTOM KA KUMAIN KA ! WAG MO AKONG ALALAHANIN KASI OKAY LANG AKO .. BUSOG PA AKO!"
O___O
Napaatras ako sa lakas nang sigaw na yun ni Ate ! Parang nag echo sa tenga ko ang sigaw niyang yun ..
" A-ate "
O___ O
Para naman siyang natauhan sa ginawa niya at nag-alalang tumingin sa akin !
" Im sorry "
" Ayos lang ! A-ako na lang ang ka-kain sa labas .. Uuwi na di-din muna ako sa bahay!"
