Chapter 16

913 30 0
                                        


----

Madilim na nang magpasya kami na Umalis na nang bahay .. Naka-dress si Ate na fitted sa kanyang katawan kaya kitang-kita ang hubog nang kanyang katawan ! Habang ako naman ay nag pants lang na black na cotton ang tela para hindi ako hirap na gumalaw .. Naka long sleeve ako na white na may botones na tatlo sa bandang dibdib pero binuksan ni Ate yun ! Nagtalo pa nga sila ni Gio kasi baka daw makita ang dibdib ko umalma naman si ate dahil wala naman daw akong dibdib ! Masakit yun pero tinanggap ko ! Katotohanan yun eh ! Nag sapatos lang din ako nang puti at itinaas ko ang buhok dahil yun ang gusto ni Gio !

" Ang daming tao " bulong ni Ate na nasa kanan ko !

Madaming tao at halos karamihan ay mga kamag-anak ni JM ! May music na maririnig sa paligid .. Sa sobrang lakas aakalain monh may sayawan sa Plaza ! May mga nakikita din akong staff sa Munisipyo ng bayan kung saan nag ta-trabaho si JM .. Nakita ko ko din sa isang mahabang mesa ang mga pinsan ni JM na tila pinag-uusapan ang lalaking kasama ko!

Muli kong tinignan si Gio ! Simple lang naman ang suot niya , Maong pants at white tshirt lang pero bakit napaka-gwapo niya pa din .. Seryoso ang mukha niya na tinitignan ang paligid pero abala ang kamay niya kamay ko sa marahang pagtapik niya na tila sinasabayan ang beat nang kanta sa paligid!

" Dun muna ako!" Napalingon ako kay Ate na naglalakad na palayo ..

Lumapit siya sa grupo nang mga babae at lalaki na familiar sa akin ! Sila yata yung mga kaklase niya noon sa highschool na nagta-trabaho din sa munisipyo at iba naman malapit sa lola ni JM ..

" Nasaan daw sila JM?" Tanong niya nang maglakad na kami papasok !

" Sabi ni Meng nasa likod daw sila eh ! Mas malakas daw music duon .. Nag-iinuman na yata sila eh ! Kanina pa daw nag start .. Maaga daw kasi bawal daw mapagod nang sobra si Lola!" Sagot ko ..

Nanatili lang ang kamay niya sa bewang ko ! Pakiramdam ko ay safe na safe ako kapag nandito siya palage sa tabi ko , kahit wala siyang sinasabi sapat na yung mga kilos niya para iparating sa ibang tao na para bang pag-aari niya ako ..

" Ate sai-sai!" Huminto kami sa pagpasok at tinignan ang pinsan ni JM na tumatakbo pababa nang hagdan ..

Natawa ako nang yakapin niya ako nang mahigpit !

" Kamusta Kikay ? Umuwi ka pala ?" Ngiting-ngiti na sabi ko ..

Kapatid siya ni JM at baby namin nila Meng at Flor nung nasa College pa ako .. Last year ko na sa college habang last year na niya sa senior high ! Graduate na sila Meng nun kaya naiwan kaming dalawa na nag-aaral kaya mas close talaga siya sa akin kesa dun sa dalawa !

" Kanina lang umaga ate , humabol lang ako sa Birthday ni Lola ! Kamusta ka na ate ? Mas gumaganda kayo lalo nila Ate Meng at Ate Flor ngayon ah .. Grabe ! Parang mas nakakaganda yata dito sa Probinsya aba!" Natawa ako sa sinabi niyang yun ..

" Bolera ka talaga ! Sinung kasama mo?" Naramdaman ko ang paglalaro ni Gio sa mga daliri ko at parang walang pakialam sa presensya nang kausap ko !

Hindi ko na lang pinansin yun dahil natutuwa akong tignan siya na parang batang nilalaro ang mga daliri ko ..

" Hoy ate .. "

" Ha ?" Narinig ko ang paghalakhak ni Gio kaya nakanguso akong tinignan siya !

" Wag ako ang titigan mo kasi  kanina ka pa kinakausap nang kaharap mo!" Natatawang sabi pa niya ..

Kinurot ko ang tagiliran niya pero nagtawa lang siya ! Baliw talaga !

" Sabi ko boyfriend ko ang kasama ko ! Ipinakilala ko na kela Mama at Papa .. Eh ikaw ? Mukhang may date ka yata ngayon?" Nag taas baba ang kilay niya habang binabangga-bangga pa ang braso ko !

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now