--Tanghali na nang magising ako sa pangalawang beses na gising ko ngayong araw ! Nagising na kasi ako kaninang alas-singko nang Umaga at natulog ulit pagkatapos kong kumain ! Maaga kasing Umalis si Gio sa kanila dahil pupunta ito nang Baguio dahil may appointment siya duon ! Dumaan muna siya dito bago bumyahe kaya nakasabay ko pa siyang kumain nang almusal kanina ..
" Mabuti naman gising ka na!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Mommy !
Hindi ko namalayan na nakapasok na siya nang kwarto at may dalang damit na naka-hanger ! Dress iyun na kulay grey at mukhang fitted sa katawan kapag isinuot !
" Sorry po tanghali na akong nagising!"
Ngumiti si Mommy at ipinatong sa may sandalan nang sofa ang damit na hawak niya!
" It's okay i know you're tired and kulang sa tulog kaya hindi na kita pinagising kay Manang!" Malambing na sabi niya at tumabi sa akin tsaka niya sinuklay ang buhok kong magulo pa dahil sa pagkakahiga ko ..
" Maligo ka na at maghanda dahil may meeting ka with Mr.Salazar at sa iba pang share holders nang kompanya!" Kumabog ang dibdib ko sa kaba !
" Po ? Hala ! Ako lang mommy?" Gulat na tanong ko at tumango naman siya habang di pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya !
" Pero hi-hindi ko pa po kaya!"
" Hindi mo naman ako bibiguin diba?"
Hindi ako nakasagot sa sinabing iyun ni Mommy ! Sobra-sobra na namang pressure ang nararamdaman ko ! Wala akong mabitawang salita kundi ang titigan lang siya habang pino-proseso ko pa sa isip ko ang mga sinasabi niya at pweding mangyari sa meeting na yun mamaya!
" I know you can do this ! Kilala mo na naman si Mr.Salazar diba ? He's one of our share holders .. Gusto lang nilang malaman kung karapat-dapat ka bang maging isang CEO or maybe president nang kompanya!"
Muli ay hindi ako nakakuha nang angkop na salita o sagot sa sinabing iyun ni Mommy !
" Sige na ! Mag-ayos ka na , may isang oras ka pa para mag-ayos nang sarili mo!"
Hinalikan niya ang noo ko bago tumayo at lumabas nang kwarto ko ! Kinakabahan man pero tumayo na ako at inayos ang kama ko ! Kinuha ko ang phone ko na napailaliman nang unan at tinignan ang tatlong message ni Gio na di ko na napansin kanina !
From: Babe
- Nasa Baguio na ako babe !
- I missed you already !
- Tawagan mo ako kapag nagising ka na ! If di mo ako ma-contact baka mahina ang signal .. I love you Babe ..
Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko na nga ma-contact ang number niya ! Nagtipa na lang ako nang reply sa kanya ..
To: Babe
- Im sorry babe kagigising ko lang ! May meeting ako ngayon kasama ang share holders nang kompanya .. Balitaan kita babe ! Ingat ka sa mga lakad mo ha ! Pasalubong ko ! Hahaha i love you Babe ! I miss you too !
Nagmadali akong pumasok sa banyo at naligo ! Wala pa yatang 20minutes ng matapos ako sa paliligo at sinuot ang dress na dala ni Mommy ! Napangiwi ako nang masuot ko na ito , hindi ako nagkamali ! Fitted ito sa katawan ko at may slit sa kanang hita ko , hindi naman malaswang tignan pero naiilang pa din ako lalo na't hindi ako sanay sa mga ganitong damit ! hindi ako kumportable na haharap ako sa ibang tao na kitang-kita ang balikat at buti ko sa may dibdib ! Lalo na't ayaw ni Gio na nakikita ang nunal ko sa may dibdib .. Kumuha ako nang puting coat sa cabinet ko at sinuot iyun ! Kahit paanu ay naging kumportable ako ! Nagsuot lang ako nang flat na white shoes at nag-ayos na nang sarili ko bago bumaba ! Naabutan ko si Mommy sa sala na may binabasang magazine nang makita niya ako ay agad siyang tumayo para yakapin ako !
