----
LUMIPAS pa ang mga araw simula nang bumalik ako sa kompanya ! hindi ko na ulit nakita si Architect dito sa building ganun din si Mr.Salazar ! Nagpadala na din ako nang mga tao sa Quezon kasama na dun si Engineer Jairo Perez dahil siya pa din naman ang Head engineer nang Project na yun , hindi din kami masiyadong nagkikita ni Kuya dahil abala siya sa mga project niya pero kahit sobrang busy niya ay hindi siya nakakalimot na i-message ako o kaya'y tawagan kahit sandali para ma-check niya ako time-time.
Sa loob nang ilang araw na lumipas , wala akong naririnig na balita kay Gio at Zherlyn , kahit ang tawagan ako ay wala o kaya naman ay hindi ko sila ma-contact , kahit maging abala ako sa tambak na trabaho ko sa Office ay maghapon pa ring tumatakbo sa isipan ko si Gio ---at ang bigat bigat sa pakiramdam na matatapos ang buo kong maghapon sa trabaho na wala pa din siyang message or kahit na isang tawag manlang. Napakadami nang mga bagay na tumatakbo sa isipan ko.
At ang isiping yun ang lalong nagpapabigat sa pakiramdam ko.
"Ma'am may bisita po kayo."
Sumenyas ako kay Ate loyda na papasukin na lang kung sinu man ang bisita ko at hindi na nag-abala pang mag-angat nang tingin sa kanya dahil abala ang mga mata ko sa ginagawa kong trabaho sa laptop ko.
"Goodmorning baby."
Agad na napahinto ang mga daliri ko sa keyboard nang laptop ko at napapikit nang mariin nang marinig ko na naman ang nakakainis na boses ni Jairo.
Tamad akong nag-angat nang tingin sa kanya.
"Anu na naman Engineer?"
Labas na labas ang maputi niyang mga ngipin sa sobrang pagkakangiti ! Bumaba din ang tingin ko sa hawak niyang paper bag na sa tingin ko ay pagkain na naman ang laman at maraming pulang rosas.
"Dinadalhan kita nang almusal and syempre baby , flowers." Sumandal ako sa swivel chiar ko at pinag-krus ko ang mga braso ko sa aking dibdib habang pinapanood ko ang paglapit niya sa table ko at ipinatong ang mga dala niya duon. "Masarap yan , ako ulit mismo ang nagluto nang mga yan." Nagtaas baba pa ang mga kilay niya habang nakangiti.
"Engineer." Bumuntong hininga ako. "Sabi ko naman sayo wala akong panahon na i-entertain ka , wala akong oras sa mga kalandian mo." Nakangiwing sabi ko at muli kong ibinalik ang atensyon ko sa trabaho ko.
Umupo siya sa upuan sa harapan nang table ko at inilabas ang mga pagkain na nasa paper bag na dala niya.
"Alam ko naman yun eh , gusto ko lang na ipinagluluto kita kasi kahit anung klase nang pagkain , kinakain mo lahat." Sinabi niya iyun nang nakanguso at parang batang nagpapa-awa sa mama niya.
Napailing na lang ako at tinignan ang niluto niya , hindi na naman sa akin pamilyar ang mga pagkain na yun pero sa amoy pa lang ay mukhang masarap na kaso kahit na anung sarap ang mga pagkain na niluluto niya para sa akin hinahanap-hanap ko pa din ang mga luto ni Gio.
"Salamat."
Ngumiti siya sa akin at inusog palapit sa harapan ko ang niluto niya kaya naman tinanggap ko iyun pati na ang kutsara na inaabot niya sa akin.
"Anung pagkain ba ito?"
"Japanese foods yan."
"Bakit ka pa nag engineer kung mahilig ka naman pala sa pagluluto?"
Mahina siyang natawa habang ako naman ay abala na sa pag-ubos nang pagkain na dinala niya , sunod-sunod na nga ang pagkain ko dahil masarap ang pagkakaluto.
"Dream ko maging engineer , nahilig lang naman ako na magluto dahil sa daddy ko."
"Mas masarap pa din ang luto ni Gio."
YOU ARE READING
PROBINSYANA (1)
Ficțiune adolescențiHindi problema dito ang pagiging PROBINSYANA KO !
