---NAGISING ako na mabigat ang aking pakiramdam , mabigat ang talukap nang mga mata ko at nahihirapan akong makahinga nang maayos. Pinilit kong imulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang nag-aalalang pagtitig ni Kuya sa akin habang tahimik na lumuluha at hawak ang kamay ko , mata lang ang gumalaw sa akin upang tignan ang naka-kabit na oxygen sa akin na nagbibigay nang sapat na hangin sa akin ngayon.
Tumulo ang luha ko nang makita ko ang mommy ni Gio na pumasok nang pinto.
"Babygirl.." Nabasag ang boses ni Kuya.
Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko at pinunasan ang basa niyang pisnge dahil sa mga luhang patuloy na dumadaloy duon mula sa namumula at nag-aalala niyang mata na nakatitig sa akin.
"Im sorry...kuya." Bulong ko.
Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagkirot nang aking dibdib.
"Kakausapin ka daw nang doctor Zac , naghihintay siya sa labas.." Sabi nang mommy ni Gio.
Agad na pinunasan ni Kuya ang mga luha niya at hinalikan ang noo ko.
"I'll be back."
Tipid akong ngumiti sa kanya.
"I love you.."
Hindi ako makasagot sa kanya , muli niyang hinalikan ang noo ko at hinaplos ang aking pisnge bago siya lumabas nang kwarto. Natuon ang mata ko sa mommy ni Gio na naupo sa gilid nang aking kama at hinawakan ang aking kamay na kinakabitan na g dextrose.
"Your baby is fine , mabuti na lang at malakas ang kapit nang bata." Nakangiti niyang sabi ngunit hindi umaabot sa mata.
"Im sorry po."
"Anak." Tumulo ang luha mula sa kaliwa niyang mata habang nakangiti. "..hindi magugustuhan ni Gio ang ginagawa mo , kaya niya hindi sinabi sayo kasi alam niyang mag-aalala ka nang sobra. Hindi lang sarili mo ang dapat na isipin mo , may bata sa sinapupunan mo na dapat ay inaalalagaan mo anak , paanu kung bigla siyang mawala ? Paanu kung humina ang kapit niya dahil hindi mo siya iniisip.." Tumulo ang luha ko pero walang salita ang lumabas sa bibig ko.
"Magiging okay din si Gio , sessai. Pero sana habang nagpapalakas siya at bumabawi nang lakas sana alagaan mo ang sarili mo at wag kang magpaka-stress masiyado , maging malakas ka hindi lang para sarili mo kundi para kay Gio at para sa anak niyo.." Dagdag niya.
Muling tumulo ang luha ko nang halikan niya ang kamay ko at hinaplos ang aking pisnge. "Everything will be alright , hija. Magdasal lang tayo at maging malakas sa kanya , nararamdaman niya yung hirap mo at ang panghihina mo kaya sabayan natin siyang lumaban at maging malakas anak , lumalaban siya at nakikita ko yun. Alam kong hindi siya sumusuko dahil nakita ko kung paanu siya lumaban sessai.." Sabi niya at pinunasan ang mga luha ko. "..sabi niya sa akin nung nasa eroplano kami , alagaan kita at wag ko siya masiyadong isipin dahil mas kailangan daw ako nang mag-ina niya. Nasa eroplano pa lang kami gusto na niyang bumalik , gusto na lang daw niya na sulitin yung natitirang oras niya sa tabi niyo nang anak niyong dalawa , pero sabi ko mas makakasama niya kayo nang matagal kapag nagpa-surgery siya. Iyak siya nang iyak habang nasa byahe kami papunta dito sa canada , paulit-ulit niyang sinasabi na mahal na mahal ka niya at mis na mis na niya ang mag-ina niya. Natatakot daw siya na baka after nang surgery biglang magbago ang lahat , natatakot siya na baka masaktan ka na naman niya pero sabi ko lumaban siya , lumaban siya kasi naghihintay ka , lumaban siya kasi maghihintay kayo nang anak niyo pero umiyak lang siya habang tinatawag ka."
Tumitig ako sa kisame nang kwarto habang patuloy na tumutulo ang luha ko mula sa gilid nang aking mata.
"Babe.." Bulong ko.