----
SESSAI
" Cheeze Burger at Chuckie para sa Princessai ko!" Matamis akong ngumiti kay Gio nang ilapag niya sa table ang Cheeze burger na siya mismo ang gumawa ..
Wala kasi akong nagustuhan sa MENU ng restaurant niya kaya sabi ko Cheeze burger ang gusto ko ..
" Hala ! Umaapaw ang cheeze ! Ang sarap!" Sabi ko pa habang hawak si Hailey na nakatayo sa hita ko at ginugulo ang buhok ko!
Itinusok niya ang straw sa chuckie !
Sakto din naman na dumating ang order ni Flor at Meng kaso wala pa sila ! Bumalik kasi si Flor sa room namin para magtimpla nang gatas ni Hailey ! Si meng naman tumatawag sa tao niya sa M-Cupcakes ..
" Hindi mo ba kukuhain si Hailey?" Nagtatakang tanong ko nang kumagat ako sa burger ko ..
Tumawa siya at umiling tsaka naglabas nang Cellphone nya at itinapat niya sa akin !
" No Babe ! Ang cute niyo eh .. Bagay sayo maging mommy!" Nagtaas baba ang kilay niya at narinig ko na lang ang pag capture nang camera niya ..
" Anak nang ! Wag mo nga akong kuhaan nang picture .. " reklamo ko " Tsaka mukha na ba akong mommy ? Nakaka-offend ha!" Tumawa siya at pinisil ang pisnge ko pati na si Hailey tsaka niya ulit ako kinuhaan ng pictures ! Para siyang batang tuwang-tuwa sa ginagawa niya ..
" Mukha ng mommy nang magiging anak ko!" Napangiti na lang ako nang kumindat siya at matamis na ngumiti ..
Bakit ba ang gwapo-gwapo nang lalaking ito!
Pinaupo ko si Hailey sa hita ko na yoyo nang yoyo ! Hindi ko siya pinansin at kumagat sa burger ko .. Hindi ko pa nauubos ang nasa bibig ko at kumagat ako ulit ! Napangiti ako nang malasahan ko ang maraming cheeze sa bibig ko tsaka ako sumipsip sa Chuckie ko ..
" Wag mo nga akong vini-video!" Tinakpan ko ang mukha ko pero hinawakan niya ang kamay ko ! Punong-puno pa naman ang bibig ko dahil sa burger ..
" Smile Sweetheart" natawa ako sa tinawag niya sa akin ! Muntik pang lumabas ang nginunguya ko buti na lang naitakip ko agad ang palad ko sa bibig ko ..
" Anung sweetheart .. " Tumawa din siya pero nag vi-video pa din .. " Wag nga kasi .. Ang amos amos ko oh!" Saway ko pero umiiling lang siya habang nakangiti ..
" Baby hailey ! Kiss mo si Mommy sessai!" Tumingala naman sa akin si Hailey at humaba ang nguso para halikan ako habang nakaupo pa din siya sa hita ko ..
Natawa naman ako at hirap na hirap yumuko para mahalikan ko siya sa lips ..
" Bakit sa lips ? Babe naman!" Reklamo ni Gio at tinawanan siya ni Hailey na pumapalakpak pa talaga .. Cute na bata !
" Kiss mo si Daddy Gio .. Baby!" Natatawang sabi ko ! Maliksi naman na tumayo si Hailey habang hawak ko pa din at humalik sa pisnge ni Gio kaya itinapat ni Gio ang camera niya sa aming tatlo ..
" Ganda-ganda naman nang mag-ina ko!"
" Gwapo kasi nang Daddy!" Ganti ko naman !
Namumulana naman ang tenga niya kaya lalo akong natawa ! Kumagat ako ulit sa Burger ko pero sa likot ni Hailey hindi ako maka-kain nang maayos .. Pati Chuckie ko inaagaw ni Hailey sa kamay ko !
Kinagat ni Hailey ang limang daliri nya nang ilayo ko ang chuckie ko sa kanya ! Tumulo tuloy ang laway niya ! Anak nang ..
"Kunin mo nga muna si Hailey ! Mahuhulog yung burger ko .. Gugutom na ako!" Pinagtitinginan na kami dahil kuha siya nang kuha nang picture ..
