----
SESSAI
Isang linggo na ang nakakalipas simula nung practice namin sa sayaw at ngayon na ang araw nang kapistahan nang Bayan .. Nakakaramdam na nga ako ng sobrang kaba dahil padami na nang padami ang tao ! Naka-ikot ang pwesto nang mga bangko bakante ang malawak na gitna nang PLAZA habang sa Stage naman naka-pwesto ang may mga matataas na pwesto sa buong bayan .. Napupuno nang bulungan ang paligid lalo na sa iba't ibang ilaw sa buong plaza !
Tinignan ko ang oras --- 7:35pm
8pm ang simula nang program ! Maipanalo kaya namin ang sayaw na ito ? Hanip ! Kinakabahan ako ! Jusko !
" Hoy ! Ang OA mo!" Hindi ko pinansin si Flor!
" Nakakakaba kaya!"
" Ilang beses ka nang sumasali dito ah ? Hindi ka pa rin ba sanay ? Diba nung nakaraan kayo din ang nag champion noon ? Ang mga kalaban mo pa nun mga dayo galing manila!"
" Kahit na flor ! Isang linggo ko lang inaral ang step .. Natatakot pa din ako lalo na't namamaga ang braso ko!"
" Aalalayan ka naman ni Patrick eh ! Tsaka isang salangan lang yun .. "
Hindi na ako sumagot at hinalikan si Hailey na kalong ni Mica ang kapatid nang asawa ni Flor
Wala pa si Meng at JM tsaka si ate ! Sabay-sabay na lang daw sila dahil isasabay na lang daw nila JM si Ate Sally .. Abala na din magbihis sila Ed pati na ang ibang kasama namin , si Patrick naman na partner ko ay kasama ang tropa niya sa kabilang sides nang plaza .. Pabalik na din siguro yun kasi malapit na magsimula ang program >___<
Nakasuot ako nang fitted na damit sa katawan ko , long sleeve ngunit kita ang balikat ko at may butas din sa may malapit sa dibdib ko pero hindi naman malaswa , sumusunod naman sa bawat galaw ko ang palda ko at nakataas ang mahaba kong buhok ! Nakasuot din ako nang mataas na takong ..
" Malapit na daw sila Meng!"
" Sige ! Pupunta na ako dun kasi mag start na!" Paalam ko kay Flor ..
Nakipag-aper naman ako sa mga kasama ko habang yumakap naman sa akin si Patrick !
" Anu bakla keri na?" Natawa ako!
" Mas malambot pa nga ang bewang mo sa bewang ko ! Nakakaloka ka!" Natatawang sabi ko .. Humawak naman siya sa bewang niya at umikot na may landi at ngumuso pa kaya natawa na din ang iba naming kasama .
" Gaga ka " saway ni Ed " Ikaw ang lalaki dito paalala ko lang ha ! Hindi si Sessai " Umirap naman si Patrick kay Ed ! Magsisimula na naman silang magbangayan .. Jusko !
" Sessai ! Sessai "
Halos lahat kami napalingon kay Mica na tumatakbo palapit sa akin ! Nakangiti naman akong sinalubong siya pero unti-unting nawala ang ngiting yun at nauwi sa sobrang gulat nang makita ko ang lalaking nasa likod niya at si Ate Sally na nasa tabi niya ..
Nakapantalon siya at simpleng tshirt pero bakit nakapagwapo niya sobra ..
Isang linggo ko siyang tinatawagan at tini-text peeo kahit isa sa mga yun ay wala siyang sinagot .. Hindi ko alam kung tama bang magtampo ako dahil sa bagay na yun ??
Gusto kong umatras nang magsimula siyang humakbang palapit sa akin habang hindi nawawala ang ngiti niya .. Halos dumugo ang labi ko sa diin nang kagat ko ng huminto siya sa harapan ko at pasadahan ang kabuuan ko tapos muling tumingin sa akin at ngumiti ...naaamoy ko na naman ang mabangong amoy niya na konti na lang ay kakaadikan ko na nang sobra
