Chapter 12

1K 37 2
                                        


----

SESSAI

Alas-nuebe na nang Umaga at natutulog pa din si Gio , si ate naman maagang Umalis dahil pupunta pa siya nang Clinic ! Sabi ko susunod na lang ako kapag nagising na si Gio .. Aasikasuhin ko muna kasi !

Naghanda ako nang breakfast bago ako pumunta sa likod bahay at pumitas nang iba't ibang gulay at inilalagay ko sa bilao ! Ibebenta ko kasi ito lahat kay Manang Maria sa PALENGKE dahil gustong-gusto niya ang sariwa at malusog na gulay na tanim ni Ate ! Matapos ko magpitas nang mga gulay sa likod bahay ay pumasok ako ulit sa loob sakto namang labas ni Gio sa kwarto ! Ngumiti ako sa kanya .. Magulo ang buhok at nagkukusot pa nang mata niya !

" Gising ka na pala!" Ngumiti ako at ipinatong ang bilao sa gilid nang mesa ..

Para siyang zombie na naglakad palapit sa akin ! Nagulat ako nang bumalot ang braso niya sa bewang ko mula sa likod ko at hinalikan ang tuktok nang ulo ko ..

O____O

" Goodmorning!" Tumikhim ako at hinawakan ang braso niya na nakayakap sa bewang ko!

Nilingon ko siya nang isandal niya ang mukha niya sa balikat ko ! Konti nang mukha niya ang nakita ko ..

" Makayakap ka ! Kaaga-aga ha!" Natatawa ngunit may ilang na sabi ko ..

Hindi siya sumagot , hindi rin siya gumalaw kaya nanatili kami sa ganung posisyon ! Nakayakap siya mula sa likod ko at nakapatong ang ulo niya sa balikat ko ..

" Masakit ba ang ulo mo?" Tanong ko!

" Hmm " ungol niya " Medyo " Sagot niya ! Inalis niya ang braso niya sa bewang ko at nag-unat habang nakapikit ang mga mata niya .. Nagtama ang paningin namin nang imulat niya ang mata niya at mabilis niya akong hinalikan  sa noo ..

" Anak nang!"

Tumawa lang siya sa naging reaksyon ko dahil sa nakaw niyang halik sa noo ko !

" Mag breakfast ka na nga!" Sabi ko at ikinuha siya nang pinggan .. Inalis ko din ang nakatakip sa mga niluto ni Ate kanina !

Pinagtimpla ko din siya nang kape habang siya naman ay abala sa pagtitig sa akin !

" baka naman ma-memorya mo na bawat anggulo nang mukha ko sa sobrang pagtitig mo?" Naiilang ako dahil tagaktak ang pawis ko ! Dumidikit na nga din ang konting hibla nang buhok ko sa aking batok dahil sa pawis !

" Mas maganda ka palang titigan sa Umaga lalo na't pinapawis ka ! Halika nga dito!" Hinawakan niya ang kamay ko ng tumayo siya at pinunasan ang pawis sa lumandas sa gilid nang mukha ko gamit ang kamay niya ! Napakurap ako at napalunok nang pinatalikod niya ako sa kanya at tinanggal ang pagkakapusod nang buhok ko at binago niya ang pagkaka-ayos ! " Ayan ! Ayos na " nakangiti na siyang nang humarap ako at bumalik sa pagkakaupo niya !

" Sige na breakfast ka na!"

" Ikaw ? Hindi mo ba ako sasabayan?"

Ngumiti ako sa kanya at binalingan ang mga gulay na kinuha ko sa likod bahay ! Inilipat ko sa malaking basket ..

" Kumain na kasi ako kanina after kong maglinis akala ko kasi mamaya pa ang bangon mo eh ! Nagutom na ako!" Sabi ko habang inaayos pa din ang mga gulay sa basket na dadalhin ko mamaya ..

" Ayos lang ! Saan mo dadalhin yan ? Parang ang sarap ah .. Fresh na fresh!" Nakangiting sabi niya ..

" Dadalhin ko sa pwesto ni Manang Maria sa palengke nang bayan ! Kinukuha niya kasi ito para ibenta kasi gusto niya ang gulay ni Ate!"

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now