Chapter 75

706 34 3
                                        

----

GERIAN

Maaga pa lang ay abala na ang lahat dito sa compound nila Tita emma , naglabas sila nang mahabang table sa labas para daw duon na lang kumain nang breakfast ang lahat kaya naman abala na agad ang mga tita ko sa pagluluto nang almusal , yung iba ko namang mga pinsan na abnormal , instead na tumulong sa kusina ay nakisabay pa sa mga tito namin na nagkakantahan sa labas ..

Tumabi ako kay ate geraldine na nasa sala at nakaupo sa floor habang nakaharap na naman sa kanyang laptop.

May pinapanood siyang video nang isang bata na naka-hospital gown at mukha maputla halatang may sakit.

"Sinu siya ate?" Napangiti ako nang tumingin ito sa camera at nag peace sign habang nakaipit sa kili-kili ang teddy bear niya.

Nakita ko din sa video si Ate geraldine na naka-white gown habang matamis na nakangiti at pinapanood yung bata , may dalawang nurse sa tabi ni Ate at masaya ding pinapanood yung bata ..

"She's beautiful right?" Nakangiting sabi ni Ate , tumango din ako at ngumiti.

"Yes ate , lalo na yung smile niya."

"Pasyente ko siya sa canada , may cancer siya pero hindi halata dahil sa taas nang energy niya." Nakatutok lang siya sa Video nang sabihin niya yun habang nakangiti.

"Kung di mo nga papansinin ang itsura niya talagang iisipin mong okay lang siya." Sagot ko hanang pinapanood ang Video.

"I love you doctor Geraldine."

Masayang sabi nito at patakbong lumapit kay ate para yumakap sa kanya.

Natapos ang Video na karga na ni Ate ang bata at pareho silang nakangiti sa camera.

"Kapag binibisita ko siya , lahat nang pagod ko sa hospital nawawala." Napatitig ako kay ate sa ganda nang ngiti niya. "Everytime na nakikita namin ang ngiti niya , kapag naririnig namin ang tawa niya , wala na lahat nang pagod namin kahit sobra-sobra yung pagod namin sa buong araw sa hospital." Dagdag niya pa at may pinindot sa laptop niya , may nag appear na picture duon -- naka-white gown ulit si ate at talagang bagay na bagay sa kanya ang pagiging doctor , yakap niya yung batang babae na labas na labas ang mapuputi nitong ngipin sa lawak ng pagkakangiti nito.

She's so pretty ! Halatang halata iyun sa ganda nang mata niya na kahit may pagod at lungkot na mababakas ay kita mo ang kagandahan niya ..

"Para siyang si ate sessai."

"Yeah." Nilingon ko si ate. "Nakikita ko ang batang yan kay Ate sessai , yung tipong may pinagdadaanan siya at sobrang bigat nang pakiramdam niya pero napakaganda pa din nang ngiti niya." May pinindot ulit siya at picture naman ni ate sai ang lumabas duon , inalala ko pa kung kelan yung picture na yun.

Basta nakangiti si ate sessai sa picture at nakabenda ang kamay nito.

"Ang ganda nang smile niya no?"

"Hala ka ate." Kunwari akong nagulat kaya tinaasan niya ako nang kilay. "Type mo ba si ate sessai ? Naku." Naiiling na sabi ko , dumaing naman ako agad sa sakit nang kurot niya sa bewang ko.

"Napakagaling mo talaga bumasag nang magandang mood , bwesit ka."

Tumawa ako at niyakap siya tsaka isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Ang pangit mo naman kasi."

"Wow ha ? Kapal nang mukha mo."

Hanggang sa nauwi na naman sa asaran ang kwentuhan namin ni ate kaya nakatanggap na naman ako nang pingot sa tenga bago siya umakyat sa taas para ituloy ang ginagawa niya , kung pwedi lang daw na patalsikin niya ako papunta sa mars -- ginawa na daw niya.

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now