Chapter 34

831 47 5
                                        


-----

Mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako ! Pagtanaw ko sa nakabukas na sliding door patungong terrace ay mataas na ang araw ! Tinanghali ako ! Wala na din si Zherlyn sa tabi ko .. Dito kasi siya natulog at alas tres na yata kami nakatulog !

Inayos ko ang kama ko at dumiretso sa banyo para maghilamos ! Itinaas ko lang ang magulo kong buhok bago ako lumabas nang kwarto ! Pababa na din sana ako nang hagdan para kumain nang almusal ng mapansin kong nakabukas ang pinto nang room ni Zherlyn kaya naglakad ako papunta dun !

May hawak silang dress ni Ate Zab at may mga ibang damit pa na nasa kama ni Zher !

" What do you think ate ? Okay ba ito?' Tanong ni Zher habang nakaharap sa salamin at sinusukat ang dress na kulay blue !

" Yeah ! Bagay yan sayo .. " Nakangiting sabi naman ni Ate Zab ..

Sumandal ako sa may gilid ng pintuan at pinag-krus ang braso ko  sa dibdib ko ..

" Anu pong meron?" Tanong ko kahit alam ko namang para sa wedding mamaya ang hinahanda nila ..

Ang alam ko 2:30pm ang punta nang simbahan ..

Napalingon agad sa akin si Zher at nilapitan ako ! Nakangiti naman si Ate Zab sa akin at kinuha sa cabinet ang isang dress na kulay blue din pero nakabulad ang palda nito ! Parang susunod siya kahit anung galaw ko ..

" Gising ka na pala .. Here!" Inabot niya sa akin ang dress na hawak niya " Ito ang susuotin mo sa wedding!" Pinasadahan ko nang tingin ang dress at napakamot sa kilay ko ..

" Ahm ! Pwedi po bang pantalon na lang tapos t-shirt ? Hindi po kasi ako nagsusuot nang dress .. Hindi po ako kumportable!" Nahihiyang sabi ko ..

Hinila ako ni Zher palapit sa salamin na kitang-kita ang buong katawan ko at itinapat sa akin ang dress na hawak ni Ate kanina ..

" It looks good on you naman ate .. Wedding yun ! Mas better if naka-dress ka ! Wala namang problema sa katawan mo ah ? You're pretty kay diba ate zab?" Ngiting-ngiti sabi niya at tumango naman si Ate Zab ..

" Masanay ka na ! Mataas ka at mas bagay sayo ang mga dress na ganito .. " Sabi ni Ate ..

" Hindi po kasi talaga ako nagsusuot nang dress .. " Sagot ko pa ..

Napabuntong hininga si Ate Zab at ibinalik sa cabinet ang dress !

" Sige mag white pants ka na lang tapos ibagay mo sa motif yung kulay nang damit mo .. Ako na bahala sa make up mo!" Ngumiti ako kay Ate Zab at tinignan si Zher na napangiwi sa pagpayag ni Ate ..

Natawa tuloy ako !

Mas mababa sa akin si Zherlyn pero kumpara sa katawan ko ay mas maganda ang hubog nang katawan nya .. Kahit hanggang tenga ko lang siya ay maganda ang katawan niya ! Partida ! Hindi pa siya kumakain nang marami niyan ha ..

Nahiya naman ako sa lakas nang pag kain ko!

" Don't tell me ayaw ni Gio na nagsusuot ka nang mga ganung dress?" Tumawa ako at pinisil ang pisnge niya ..

" Isa na yun sa dahilan .. " Natawa din si Ate Zab at isa-isang inayos ang mga damit na nasa kama ni Zherlyn ..

" Pag-untugin ko kaya ang ulo ni Kuya at niyang si Gio .. Masiyadong maarti ! Hindi naman sila ang magsusuot!" Reklamo pa ni Zherlyn na nasa harapan na nang salamin ..

Mukhang nakaligo na siya ganun din si Ate Zab dahil medyo basa ang buhok nila ..

" Mag almusal ka na ! Kakagising lang din nang kuya mo eh .. After kong mag-ayos ! Ikaw naman ang aayusan ko kaya after mo kumain maligo ka na ha!"

PROBINSYANA (1)Where stories live. Discover now