---
Halos araw-araw na maagang pumupunta si Gio sa bahay ! Minsan kasi siya na ang nagluluto nang ALMUSAL at naabutan pa ako na hindi naliligo at pawisan dahil sa paglilinis ko sa bakuran namin at sa loob nang Bahay ! Close na din sila ni Ate Sally at madalas nga na nakakasabay namin si ate kapag tanghali siyang pumupunta sa Clinic ..
Kapag hindi siya nakakapunta sa Umaga minsan bigla na lang siyang dumadating sa Clinic kapag Lunch dahil nandun kami ni Ate !
Kapag wala siya sa bahay at may ginagawa siya sa Resort ay tumatawag lang kapag may oras siya at tinitext ako para kamustahin ..
" Ayos lang naman eh ! Basta wag ka masiyadong magpakapagod , baka biglang saktan ka na naman nang ulo!"
" Opo ! Masusunod po ! Sorry talaga kasi hindi ako nakasabay nang breakfast .. May tinatapos pa kasi ako ! Hindi ko natapos kagabi , i promise babawi ako sa dinner!" Ngumiti ako kahit hindi niya naman ako nakikita ..
Isinampay ko sa labas ang tuwalya na ginamit ko sa pagligo kanina ..
" Sige ! Hihintayin kita mamayang hapunan .. Wag ka nang mag-abala na magdala nang pagkain ! Si Ate na ang magluluto .. "
" Wala ka bang gustong foods?"
" Chuckie ! Ibili mo ako nang tatlo .. "
" Sus yun lang ? Easy!" Natawa ako nang marinig ko ang paghalakhak niya !
" Sige na ! Tapusin mo na ang mga tapusin mo okay ? Tawagan mo ako kapag may oras ka o kahit text na lang ! Itetext na lang din kita kapag nasa Clinic na ako ni Ate .. " Sabi ko at sinuot ang maliit akong back pack sa mga balikat ko ..
" Nakaligo ka na ? " May narinig akong nagriring na telepono sa kabilang linya!
" Nakaligo na ako ! Bakit ?" Hindi maalis ang ngiti ko .. Hindi ko din alam kung bakit !
Bumuntong hininga siya at nakagat ko naman ang ibabang labi ko ha ang nila-lock ang pinto nang Bahay namin ..
" I miss your smell ! i miss hugging you .. I miss you already sessai .. " napasandal ako sa dingding nang Bahay nang ma i-lock ko na ang pinto nang bahay namin ..
" Miss na din kita .. "
" TALAGA ? MIS MO DIN AKO ? Uyy ! Wag kang ganyan .. Lalo akong nahuhulog sayo!"
Humalakhak ako at sa tingin ko'y nakanguso na naman siya at salubong ang kilay !
" Oo nga mis na kita ay ! Kaya pumunta ka dito mamayang hapunan at yakapin mo ako!"
" Damn babe!" Anak nang.! Nakakasanayan na yata niya ang pagtawag nang babe sa akin ..
" Sige na ! Text kita "
" Pupunta talaga ako dahil mis na mis mo na ako!"
" Uyy ! Chaka mo ! Hahahaha ! Pupunta ka dito kasi MIS MO NA AKO!" Humalakhak na naman siya ! Sarap sa tenga ..
" Pareho din yun ang mahalaga mis mo na din pala ako!"
" Oo na ! Sige na ! Ibababa ko na ito ha .. Hinihintay na ako ni Ate!"
" Sige po ! Take care okay ? Text me kapag nandun ka na ha!"
" Opo ! Masusunod po!"
Pinatay ko ang tawag at naglakad na palabas nang bakuran namin , pero laking gulat ko nang tumunog na naman ang phone ko !
Napangiti ako nang tumatawag na naman siya!
" Hello ! Kapapa--"
" Mis na kita agad eh ! Sige na nga ! Bye!"
