----" Sasama ka sa party ni Kuya Jeoff?" Tinignan ko si Gerian ! busy siya sa laptop niya habang naka-upo pa sa may sofa dito sa Office ko ..
Nagrereview yan para sa Exam niya at dito niya daw gustong mag review ! Hindi ko alam kung malakas lang ang tama nito o nalipasan ito nang pagkain kagabi !
" Oo ! Ayaw sana ni Kuya mo kasi bar daw yun eh .. Kasama ko naman siya kaya pumayag na din para ma-meet ko na din kaibigan niya!"
Sabi ko na nasa mga papers na ang tingin!
" Diba na-meet mo na sila?"
" Nung birthday ni Jameson pero sandali lang kami nun kasi kumain kami ni Kuya mo sa labas!" Sagot ko " Ikaw ? Pupunta ka?" Pabalik na tanong ko sa kanya !
" Yeap ! Invited ako nang girlfriend niya eh!"
" Close kayo?"
" They're getting married na kaya .. Live in na sila ganun din si Ate Megs at Kuya JD!"
Mga kaibigan yun ni Gio ! Pamilyar sa pangalan pero hindi pa sa mukha ..
" Edi sumabay ka na sa amin mamaya ni Kuya mo!" Sagot ko at binuksan ang laptop ko !
" Ayoko nga ! May sarili akong car baka nandun din mga friends ko .. Ipapakilala kita!"
Napalingon ako sa kanya " Wag na ! Nakakahiya .. " Sagot ko agad at ibinalik ang tingin ko sa laptop ko !
" May hiya ka pala ? Bago yun ah!"
" Agoy ! Mapanakit!"
Tumawa lang siya at biglang nag seryoso sa ginagawa kaya hindi ko na siya inistorbo ! Nagpabili din ako nang pagkain kay Ate Loyda kanina para naman hindi magreklamo bigla ang batang ito kapag nagutom ..
" Ma'am!" Umangat ang tingin ko kay Ate loyda ! Nagtaka ako nang mapansin kong hinihingal ito pati tuloy si Gerian ay napatingin sa kanya !
" Ayos ka lang ate?" Nag-aalalang tanong ko!
" Si sir Zac kasi pumunta sa Office ni Architect Santos ! Ang sabi nag-aaway daw yata yung dalawa .. Galit na galit daw ang kuya mo eh!" Nagkatinginan kami ni Gerian at sabay na napatayo at lumabas nang Office !
Natawag ko na yata lahat nang santo sa tagal nang pagbaba nang elevator sa floor nang office ni Architect Santos ! Laking pasasalamat ko ng sa wakas ay bumukas ito at nagmadali kaming lumabas ni Gerian ! Pinagtitinginan kami nang ibang empleyado pero hindi ko na yun pinansin dahil rinig na rinig ko ang sigawan nila Kuya mula sa loob ..
" Anung ikinagagalit mo ? Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang idamay ang kapatid ko sa galit mo kay mommy ! Putang-ina ! WALANG KASALANAN ANG KAPATID ko sa pagkamatay ni Daddy so please tita ? Wag mong pahirapan ang kapatid ko!" Natigilan ako sa malakas na sigaw ni Kuya Zac !
" Anung karapatan mong sabihin sa akin yan ? Akala mo ba yan ang ikinagagalit ko?"
" EH ANU PALA ? Kung hindi mo sinisisi ang kapatid ko ? Saan nagmumula ang lintik na galit mo tita viena ? Tang-ina lang ! Kung yung pagpapahirap mo at pang-iinsulto sa mommy ko noon PINALAMPAS ko ? Ngayon hindi na ! Kaya wag mong idadamay sa walang kwenta mong galit ang kapatid ko!"
" Wala kang alam!"
" THEN LET ME KNOW!"
" ISA SIYANG PROBINSYANA!"
" TANG-INA Tita viena ! Kapatid ko siya!"
" Pero hindi siya lumaki sa pamilya natin .. 20 years siyang nanirahan sa isang probinsya ! ANUNG ALAM NIYA SA PAGPAPATAKBO nang malaking kompanya Zac ? Wala siyang alam dahil isa lang siyang probinsyana! Nagtapos nga siya nang pag-aaral pero sa isang paaralang hindi naman kilala at hindi ka sigurado kung kumpleto nga ba ang tinuturo duon ! Baka dumating pa ang araw na pagsisihan niyo na pinapasok niyo siya sa kompanya dahil baka maging isa siya sa dahilan nang pagbagsak nang kompanya!"